Chapter 5

67 4 0
                                    


(MPA: Yherinah)

Dahil first day ko sa trabaho, 5:00 AM palang gumising na ako. Ang inuna kong gawin ay ihanda ang isusuot ko at gamit ko para sa school.

Sumunod naman ay naglinis ako ng buong bahay. Medyo nakakapagod pero kayang kaya naman. Nang matapos kong linisin ang lahat. Pumunta ako sa budega 'yon nalang kasi ang hindi ko pa nalilinis. Nag mask ako para hindi ko malanghap ang mga alikabok.

Inalisan ko lang ng alikabok dahil baka abutin pa ako ng isang araw sa pag-aayos ng mga kahon. Lumabas ako ng kwarto na pawis na pawis. Matapos ang gawain. Nagluto na ako.

"Ma'am, Sir gising na po pala kayo. Nakahanda na po yung amusalan, kain na po kayo." Sambit ko habang inaayos ang plato.

"Yung amo mo ba, dumating kagabi?" Sambit ni Ma'am. Hindi ko pa kasi alam name niya e.

"Hindi ko lang po alam ma'am. Natulog na po kasi ako agad hindi ko na po hinintay si sir dahil sabi po ni lola may susi naman daw po si sir ng bahay. Sorry po." Sambit ko.

"Ganon ba. Kung hindi man siya umuwi kagabi, yamo na 'yon sanay naman kami na parati siyang ganon sa amin. Yung para bang ayaw niya na nakikita kami at nakakasama. Hindi ko na nga na fe-feel yung pagmamahal niya sa'kin." Malungkot na sambit ni ma'am. Pati rin ako ay nakaramdam ng lungkot.

"Kukunin ko lang po sa kusina yung juice po." Pagpapaalam ko.

Pagpasok ko sa kusina hindi ko na pigilan ang sarili ko na mainis. Bakit ganon si sir? Kahit na may nagawang mali yung mga magulang niya sa kaniya abay magulang parin niya yon. Tch makakatikim talaga siya sa'kin, pinapainit niya yung ulo ko hays. Tingin ko si Blake ang magiging amo ko, oo siya nga feeling ko pasaway din siya kahit maamo ang mukha niya.

Lumabas ako ng kusina na parang walang nangyari. Inilagay ko ang pitsel at baso sa lamesa.

"Sumabay ka na saming kumain." Sambit ni ma'am.

"Mamaya nalang po ako kakain. Mauna na muna po kayo." Sambit ko.

"Sige." Sinuklian ko nalang si ma'am ng isang ngiti.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya nag-excuse ako kila ma'am para makausap ang tumatawag sa akin. Pumunta ako sa kwarto ko.

"Hello? Sino po sila?" Sambit ko.

['It's me. Brylee Cerdon.']

"Oh! Ikaw pala 'yan. Pano mo nalaman yung number ko?" Tanong ko.

["Secret. Btw, kamusta yung first day mo sa trabaho mo? Gusto mo hulaan ko?"]

"Sige nga?"

["Nabadtrip ka!"] Ano naman ang ikababadtrip ko? Oo nainis naman ako pero nevermind nalang 'yon.

"Hindi." Sambit ko.

["Huh? Mali ako?"]

"Oo. Sobrang saya kaya ng first day ko. Ang bait nila sa'kin." Sambit ko.

["Ganon? Mabuti 'yan. Oh sige na kita nalang tayo sa school. Bye, goodluck."]

Mas lalo akong ginanahan ng may magcheer sa akin. Lumabas ako ng kwarto at biglang bumungad sa akin... si Calix. Nagtama ang aming mga mata. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Walang reaction ang kaniyang mukha. Umiwas din ito ng tingin at umakyat sa hagdanan. Si Calix ang amo ko at hindi si Blake? Kaya pala ganon ang sinabi sa'kin ni Brylee. Nakakabadtrip nga.

"Anak, sumabay ka ng kumain sa amin." Sambit ni ma'am pero parang walang narinig si Calix patuloy lang siya sa pag-akyat.

Agad akong bumalik sa kwarto ko at hinanap ang folder na ibinigay sa akin ni lola. Hinanap ko sa bag ko baka sakaling nandon pero wala ron. Pumunta ako sa study table ko at wala rin don.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon