(MPA : Yherinah)"Sir." tawag ko.
"Calix."
"Mr. Vergara, halika na po."
"Calix."
"Tara na po."
"Calix.
Tss... Sya yung may gusto na 'wag siya tatawagin by his name! Gusto niya lang ba magpapuntos.
"Okay, tara na Calix. Naghihintay na sila ron."
"Let's go." tss, ibang klase.
Papunta kami ngayon sa office dahil may meeting ang lahat ng president and vice pres. ng bawat classroom.
"Here. Take a look." wika ni Sir.
Nandito na kami, sakto lang naman ang pag dating namin. Umupo kami sa bandang likuran.
"We have a program tomorrow, if you can do this immediately. If not, then let's schedule this program. I guess you can do it, because andami n'yong magtutulungan." wika ni Sir.
"Anong program 'yon." tanong ko kay Calix.
"Just listen!" heh, ang sungit naman.
"Ohh, curious na kayo 'no? Okay okay. This theme will be a New Year's party celebration. Hindi pa natin nagagawa 'to and I think this gonna be fun. So what do you think?"
"Go sir. For me, kakayanin naman po namin na i-set up ang lahat now?" -someone.
"Yes po. Marami naman po kami!" -someone 2.
"Okay botohan tayo ah. Raise your hand if you can set up now all the things that we needed?" -Sir.
I raised my hand. Napatingin ako kay Calix, bakit hindi siya nagtataas ng kamay? tinatamad siya siguro.
"Hmm? wala ng hahabol? then let's count."
"Hoy! magtaas ka ng kamay." bulong ko kay Calix.
"Why would I do that ha? hindi natin kaya 'yon. And think carefully, kakatapos lang ng vacation then papagudin na agad nila tayo. Sure naman ako, gastos lang 'yan! Then isang araw lang gagamitin." reklamo ni Calix.
Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang ang mga sinabi niya. He had a point, but I think it's going to be fun naman even it's just a one day.
"13...14...15...16...okay sure na wala ng hahabol?" -Sir.
Kung 16 ang bilang ganon din ang bilang sa mga hindi pumayag. Nagulat ako kay Calix. He raised his hand. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Are you happy now?" sabay ngiti niya.
Napatulala ako sa pag-ngiti niya. Ngayon ko lang yata siya nakita na ngumiti ulit. Nakakaproud.
Mission Accomplished!
"Okay, 17. So no choice, gagawin n'yo today! May ibibigay ako kay Mr. Vergara and mag meeting na kayo. Bye! Good luck guys! fighting!" at lumabas si Sir.
Pumunta si Calix sa harapan. Ayaw na ayaw niya talaga ang maging President! Ano bang magagawa niya eh siya ang binoboto ng karamihan.
"I will divide y'all into 8 groups. That means, 4 members." wika niya.
Natapos na niyang i-divide. Hays, kailangan talaga kasama niya ko 'no? Tss.
"Okay. A-assign ko kayong lahat sa iba't ibang gawain para mas mapabilis natin ang gagawin or you can choose kung anong gusto n'yong mapunta sainyo? What do you think?"
"Let them choose." wika ko.
"I agreed." -someone.
Maayos naman ang meeting and walang nagreklamo sa mga gagawin dahil sila naman ang pumili na. Para mas mapadali ay kinausap namin ang mga kaklase namin kung sino ang gustong mag volunteer na tulungan kami.
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant
RomansaWould you believe in destiny? That the person you've been waiting for in so many years is already by your side? What if the person you really hated, is your first love? A story of Calix Vergara and Yherinah Mae Chaves. Their first meeting did not go...