DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents that are written in this story are products of the author's imagination and used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.MUTE WARNING
Any reader who mentions other stories or fictional characters that are not created by the author shall be muted.All Rights Reserved © 2021
Prologue
Sophia Ark, twenty-three years old. I live my life as an ordinary college student, who loves reading fiction novels. Sikat ang Beatrice's Love sa mga kabataang tulad ko. Ang kwento ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Beatrice, at tatlong lalaki na maglalaban-laban para sa pag-ibig niya. Marami ang nahuhumaling sa takbo ng kwento; lalo na pagdating sa bida, si Beatrice.
Pero iba ang pananaw ko kaysa sa kanila. Mas nakaramdam ako ng simpatya sa pagkamatay ng villainess, si Elizabeth. Namatay siya mula sa kamay ng lalaking minahal niya—Crown Prince, Lawrence. Ang nakakainis pa, nang mangyaring siya ay hahatulan na ng matinding parusa, tinalikuran siya ng pamilya niya at tinuring na malaking kahihiyan. Sa huli, tanging lady-in-waiting niya lang ang umintindi sa damdamin niya at sumama sa kaniya sa pagharap sa kamatayan.
Kung tutuusin, kasalanan ni Lawrence kung bakit nagawa ni Elizabeth ang mga pambu-bully nito kay Beatrice! Nagbago si Elizabeth dahil sa labis na pananakit niya sa damdamin nito! Nakakalungkot nga na ni isa, walang naglakas loob bumatikos sa mga desisyon niya. Walang nag-discriminate kay Lawrence dahil alam din ng lahat, one-sided lang ang relasyong namamagitan sa kanila ni Elizabeth.
The school bell rings, it is the signal that today's classes ended. Unang lumabas ng classroom ang Professor namin, bago sumunod ang mga kaklase ko. Inayos ko naman ang mga gamit ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa para ipasok ang mga iyon sa bag ko.
"Sis! Ni-release na ang last chapter ng Beatrice's Love," balita ng isa sa mga kaklase ko. Nakuha niya ang atensyon ko.
Madali namang lumapit ang kaibigan niya para sumilip sa phone nito. "E? Wala pa naman akong load ngayon! Sa bahay ko na lang iyan babasahin," komento niya.
"Kwento ko na lang sa 'yo?"
"Stop it! Don't spoil me."
"Hmmm..." Binigyan niya ng nakakalokong ngiti ang kaibigan.
Mukhang na-gets agad ng isa ang binabalak niya; kaya madali nitong tinakpan ang sariling tenga, gamit ang parehong palad. "Don't you dare!" she exclaimed.
Maging ako ay kinabahan sa pinaplano nito. Ayoko pa naman sa lahat, makarinig ng spoiler. Nakakawala ng excitement ang gano'n.
"Okay, okay, chill. Hahahahaha!"
BINABASA MO ANG
Ways To Escape Death
FantasySophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunate accident, her soul transmigrated to a world inside of a romance novel set in medieval times. She p...