Chapter 28: Killian's POV (Part IV)

14K 683 247
                                        

Killian's POV

AFTER learning she already regained her consciousness. I immediately sent a request to visit her. Surprisingly, she accepted it. I can't wait to see her.

"Tristan, prepare the carriage. I should look for a perfect suit for the perfect day."

"Yes, milord."

Five days have passed, and I am now on my way to her residence. I will give my full effort to become devilishly handsome today. I never felt this way before. I am already one thousand and twenty-two years old. Mas matanda pa ako sa Imperyo but I am just starting to feel my youth.

The carriage stopped, sumilip ako sa bintana. Tuwid siyang nakatayo, suot-suot ang blankong ekspresyon sa mukha. Halatang wala ito sa mood. I chuckled. No one dares to treat me like she does. She really is exceptional.

I helped myself out of here. They greet me, I greet them back. She paid her respect properly this time, but never took a glance at me. I didn't pay attention to it at first, guess she is just being formal.

Nang marating ang guest receiving area, nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Katabi niya ang magkambal na dinala niya galing kalye, na ngayon ay ganap ng parte ng kanilang pamilya.

Nalipat ang atensyon ko kay Duke White nang simulan nito ang usapan tungkol sa politika. Ginamit niya itong pagkakataon upang hilingin ang suporta ko para sa darating na giyera laban sa kaharian ng Diamante. Ipinaliwanag niya ang mga gawang plano at hinahangad na maging resulta. Habang siya ay nagsasalita, sandali kong sinilip si Lady White. Makikita na sa mga mata nito ang pagkaantok.

"I will gladly support your ideals. I'll send my aide to you for further discussions," I said to close our deal. Para hindi na humaba pa ang usapan.

I didn't come here to deal with political issues.

Mukhang na-gets niya naman kaagad ang intensyon ko, dahilan para sumama ang titig ng Duke sa 'kin. He really is professional. He can play his role perfectly as the Duke of this house, also as a father of his child.

"I heard you were not feeling well, Lady White. I was planning on meeting you soon but your father declined my request because of your sudden emergency. I was really worried for you, milady."

She smirked. "I feel grateful for your concern, but as you can see I am already well."

I felt the sudden chill of danger coming from Duke White. Pero hindi ako nagpatinag. Sa huli, wala siyang nagawa kundi iwan kami para magkaroon ng pagkakataong mag-usap ng sarilinan.

Our meeting went well. Hindi nasayang ang pagpunta ko. I successfully persuaded her to attend the party with me at Lawrence's birthday celebration. Kahit tumanggi pa siya, wala rin siyang magagawa kapag ako ang nagdesisyon.

It's nice to see her being comfortable around me. Hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong siya sa harap ko. She is different from any noble lady. Napaka-unladylike niya kumilos, but I don't find it unattractive.

Too bad, I didn't learn her real name.

Sa mga sumunod na araw, wala akong ibang ginawa kundi mamili ng mga susuotin. Hindi ako makapag desisyon dahil sa bawat araw nagbabago ang isip ko.

Sa unang tingin, okay naman. Pero habang tumatagal, hindi na ako nasa-satisfy. Ilang beses akong nagsukat nang nagsukat ng iba't ibang suit hanggang sa hindi ko namalayan na dumating na pala ang araw ng pinaka pinaghandaan ko.

"Milord, you need to finalize your decision," he said with a worried look.

I am only wearing a bath towel that is wrapped around my waist. Nakalatag sa ibabaw ng kama ang mga pinamili kong suit. "Ito lang 'yon? Nasaan ang iba."

"Those are the most expensive ones. Inisa-isa na po namin ang one hundred boxes na pinamili niyo ..."

"It can't be helped then."

Napahawak ako sa baba ko. It's really hard to decide. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katindi na pagsubok.

"You only have an hour to prepare." Nakikita ko ang taranta sa mukha ni Tristan.

I was a bit surprised. "That fast?"

"You've been standing here for four hours, milord."

"Heh ..."

I scanned them all. Mas nangingibabaw sa mga mata ko ang kulay maroon at blue na suit. Inangat ko 'yong dalawa para iharap sa kaniya. "Which of these should I pick?"

Lumiwanag 'yong expression ng mukha niya. "You look good in the blue one," he answered.

Hinagis ko palayo 'yong blue suit. "Then this maroon will look better on me. I chose this one."

Natulala si Tristan habang nakatitig sa mukha ko. Para siyang natanga sa narinig. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagkairita. "What are you waiting for? Get out," sabi ko at saka lang siya nahimasmasan at madaling-madali na lumabas ng aking kwarto.

MATAPOS kong makapag-ayos ay sunod kong tinungo ang kinaroroonan ng aking sasakyan. Sa buong byahe ay nanatili akong tahimik habang iniisip ang magiging reaksyon ni Lady White kapag nakita nito ang kabuuan ko. Siguradong hihinto ang ikot ng mundo niya sa sobrang pagkamangha sa kagwapuhan ko. Pupula ng parang rosas ang magkabilang pisngi habang kumikinang ang mga mata niyang hindi maalis-alis ang titig sa akin. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa magiting na gaya ko? Ako na perpekto at walang katulad.

When the carriage stopped in front of her, I made sure to look perfect at every angle. Sinadya kong nakasarado ang kurtina ng bintana para hindi niya ako makita.

I slowly opened the door and walked myself out with elegance. Mula sa pagkakayuko ay unti-unti kong inangat ang paningin ko sa mga mata niya ... pero ako ang nagulat at natigilan sa aming dalawa.

She is wearing a black gown. Namumutla siya at may itim sa ilalim ng mga mata niya. Kahit hindi na siya magsalita, mapapansin kaagad ng kahit sino na hindi maganda ang kalagayan niya.

"Ano pa ang hinihintay mo riyan? Tara na uy!"

Hindi ko napansin na kumusa pala siyang pumasok sa loob ng karwahe. Sumunod na lang din ako ng walang sinasabi. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya pinansin. I can't describe how I feel right now. I became moodily silent.

Grabe pa naman 'yong effort ko, kahit purihin na lang sana niya ako.

Sa pagdating namin sa tapat ng palasyo, nauna akong bumaba para alalayan siya. Marami ang napatingin sa direksyon namin. May mga nagulat dahil ito ang unang beses na nagdala ako ng kapareha. May mga sumama ang tingin sa kaniya, pawang naiinggit dahil hindi sila ang nasa tabi ko. May mga natutulala nang makita ako.

Pero siya? Wala man lang interes.

"Duke Killian Adir and Lady Elizabeth White, has arrived!" the front guard announced our arrival.

Naging sentro kami ng atensyon. Nang tuluyan kaming makapasok, nagsipag lapitan sa 'kin ang mga nobleman para makipag kwentuhan.

Napalingon ako sa gawi niya nang bumitaw siya sa pagkakakapit sa 'kin. Walang lingon-lingon siyang naglalakad palayo, hindi man lang nag-abalang magpaalam bago umalis.

"She doesn't look well."
"This is the first time we saw you bring a partner."
"I was planning to introduce my daughter to you. But I guess you're already in a good relationship with the lady of White Dukedom."

They really have their own ways in sniffing with my business.

I faced them wearing a fake smile. "I will leave it to your imagination."

Nagkatinginan sila sa isa't isa, pawang pinakikiramdaman ang sitwasyon.

He cleared his throat. "Thank you for giving us your precious time, Duke Adir."
"I will excuse myself."
"I hope we could have another chance to talk with you some other time."

They slightly bowed their heads to pay respect before leaving. I thought I was finally free to go to her location but another group of noblemen came to start a conversation with me.

This is the reason why I hate being in gatherings.

Hindi matapos-tapos ang mga gustong magkaroon ng connection sa 'kin.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon