Chapter 44: Return to Asterin

8.8K 486 11
                                    

Sophia's POV

"I hope we see each other again, Sophia," Lorena said. She is the manager of Black Market.

"Not so soon, but surely we will. I hope you could help me anytime If I ask you."

"I have already given you the communication device, it is directly connected to mine. Just give me a call then I'll be there for you right away."

She is talking about a device that can be used for video calls. The shape is a cube, and its size fits my palm. This magical device is limited to one contact person only.

"Yes, I will," sabi ko bago tuluyang pumasok sa karwahe.

She waves her right hand, I also waved back to say my goodbye. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng takbo ng sasakyan namin. Senyales na kami ay paalis na sa lugar. Lorena offered us a free ride to our destination. She let us borrow this transportation.

Our destination is set to the Asterin Empire. Mayro'n daw sasalubong sa 'min para makapasok kami sa entrance ng walang kahirap-hirap. Hindi niya binanggit kung sino ang taong 'yon, malalaman ko na lang daw kapag nakarating na kami.

Sumandal ako ng maayos sa aking kinauupuan. Kasalukuyan kong pinapakain ng karne si Black. Nakasandal ang likuran nito sa tiyan ko. Sa ganitong posisyon ng pagkakaupo siya kumportable.

Nang maubos niya ang pagkain, saka ako naglabas ng tubig para ipainom sa kaniya. Nilagay ko ito sa tasa para mainom niya ng maayos.

Naiba ng direksyon ang paningin ko, nang ilapag ni Mileya sa harap ko ang malaking bag na naglalaman ng mga perang ginto. Naintindihan ko naman agad ang ibig nitong sabihin kahit hindi ko siya tanungin. Tinapat ko ang aking spatial ring para iimbak ito sa loob.

Madaling bumenta ang crystal cores na na-auction kanina. Umabot hanggang kalahating milyon ang total na natanggap ko. Bawas na doon ang komisyon na nakuha ng Black Market. Nasurpresa ako dahil marami ang nagsipag taasan ng kanilang offer. Lalo na noong na-display ang fifth level sa auction.

Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa aming destinasyon. Maliwanag na sa paligid, kakasikat lang ng araw. Mula sa aming kinatatayuan, natatanaw ko ang entrance ng Asterin. Makikita rin ang mga knight na nakabantay sa loob.

"Sophia."

Nilingon ko ang kinaroroonan ng pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Francisco.

"How do you know—?" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko. Alam naman niya kung ano ang tinutukoy ko.

"You're with Black," he said expressionlessly.

I tilted my head. "Oo nga 'no?"
Nabangag na ako dahil sa antok. Hindi na gumagana ng tama ang utak ko. I sighed, then remove my mask.

Napalingon kaming lahat sa kanan nang marinig ang paglipad palayo ng sinakyan naming karwahe. Babalik na siguro iyon sa Black Market.

Inabot ni Francisco 'yong kamay niya sa 'kin, nakaharap ang palad nito sa tapat ng mukha ko. Inangat ko naman ang kamay ko para ipatong ito rito.

"What are you doing?" he asked. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa kamay ko.

"You're offering me assistance, right?" I asked him back.

He arches his right eyebrow, saka hinagis ang kamay ko sa ere. Madali niyang kinuha sa pagkakahawak ko si Black.

"Meow!" Black became aggressive. He uses his legs to push Francisco away from him. He even scratched its face.

"Black, I am tired," I tirelessly said. Mabigat ang ulo ko dahil sa antok. Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko sa pagbubuhat.

Mukhang naintindihan niya naman ang ibig ko. Hinayaan niya na lang ang sarili na mabuhat ni Francisco.

"Why are you already here? I thought you were still in Staves," I asked him.

"His Highness and I just returned yesterday using the one-way teleportation scroll. The Emperor called us earlier than expected," he explained.

The Emperor does that to celebrate their victory. I guess today will be the day he will receive his title and honor as the hero of Asterin. It is understandable because he contributed greatly to the last war. Their success rate increases after he becomes the commander-in-chief of the forces.

Naglalakad kami ngayon papunta sa direksyon ng gate. Unang pumasok si Francisco pero bigla na lang kami hinarang ng dalawang knight gamit ang kanilang hawak na long weapon with a sharp pointed tip. Nagkatinginan kami ni Mileya. Pareho kaming nakaramdam ng alerto.

"They are my guests," Francisco said using his authoritative voice. Nakalingon siya sa mga ito habang nakablangko ang ekspresyon.

"Sorry, Commander," sabay nilang hingi ng tawad bago kami tuluyang papasukin.

"Sasama ka ba sa 'kin pabalik sa tribo?" Mileya whispered to me.

"Not now. I have something I need to discuss with my brother."

"Then I shall take my leave. See you again, Lady Sophia." She bowed her head before leaving us.

"Where do you plan to stay?" Francisco asked me without looking.

"Can I visit the Dukedom? I need to take my diary there."

Pero sa totoo lang … gusto kong makita sina Melrose, Elios, Elena, at Trisha. I want to check how are they doing. I hope they are all fine without me.

Hindi rin nagtagal, narating namin ang mansyon. Bumungad sa 'min ang head butler sa entrance. Inalok ni Francisco ang palad niya para alalayan ako sa pagbaba ng karwahe.

"Welcome home, milord," bati nito habang nakayuko.

"Prepare breakfast for my guests," he replied. Umangat ang paningin nito para i-check kung sino ang tinutukoy niyang mga bisita. Dumaan ang paningin niya sa 'kin, bago kay Black.

"Yes, I will." Naintindihan niya kaagad na kasama ang pusa sa mga bisitang nabanggit.

Naglakad kami papasok. Patungo kami sa direksyon ng opisina ng Duke White.

"You should visit father," he suggested.

Hindi ko siya sinagot, tumango lang ako bilang pagpayag.

Habang binabaybay namin ang daan, nakasalubong ko si Elios at si Elena. Nasa likuran nila nakasunod sina Melrose at Trisha. Naging personal attendant na pala sila ng mga bata. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lamang ay okay sila.

"Welcome home, Brother," bati ng mga bata kay Francisco.

Their etiquette is flawlessly and refined, unlike last year. Napangiti ako habang pinapanood sila. Mas matangkad na si Elios kaysa kay Elena. Gano'n pa rin 'yong height ni Elena pero si Elios … umabot na siya hanggang bewang ko.

"She is Sophia, my guest," pakilala ni Francisco sa 'kin.

"Good morning, Lady Sophia," they said in unison.

Napansin ko ang titig ni Melrose sa direksyon ko. Sandali itong natulala bago napailing sa sarili at yumuko.

"Good morning to you too," pagbati ko pabalik sa kanila.

"Let's go."

Sinundan ko ng lakad si Francisco. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga bata dahil pareho itong nakangiti sa 'kin habang magkahawak sila ng kamay.

Ilang sandali pa ay narating na nga namin ang opisina ng Duke White. Kumatok muna si Francisco bago buksan ang pinto.

"Father, here she is," bungad niya rito.

Umangat ang tingin niya diretso sa 'kin. Nakaramdam ako ng kilabot sa paraan ng pagtitig niya. Sinara ni Francisco ang pinto, saka kami dumiretso sa sofa na katapat ng table ng Duke. Nanatili muna kaming nakatayo hangga't wala pang pahintulot mula sa kaniya.

"Suit yourself," he said, giving us permission.

Naupo kami sa sofa, inilapag ni Francisco si Black sa tabi ko.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon