Sophia's POV
"Commander, there was an incident that happened to Jericho, one of the knights from the supply team."
Napalingon kami sa knight na nag-report. Agad tumayo si Francisco para lumapit sa direksyon nito. "Bring me to him," utos niya.
Pinagmasdan ko lang sila na lisanin ang headquarters.
"Meow ..."
Naagaw ni Black ang atensyon ko. Kakarating niya lang dito. Tumalon ito sa aking kandungan para maupo. Mukhang good mood na siya.
"You're not mad at me anymore?" malambing kong tanong habang marahan na hinahaplos ang kan'yang noo.
He reached for my hand to lick it, I chuckled.
Binuhat ko siya para pumunta sa medical area. Naabutan ko silang nagkukumpulan sa harap ng tent, kung saan dinala ang nasabing kabalyero.
"What happened?" I asked one of them.
Nilingon ko ang biktima, hindi ko ito nakilala dahil sa sobrang lala ng pagkaka bugbog sa mukha nito.
"Hindi ko rin alam. Walang makapag paliwanag nang malinaw sa nangyari," he said.
Sa loob ng tent, may doctor at healers ang nagsama para gamutin siya. Meron ding mages ang nakapaligid para i-scan ang katawan nito. Naghahanap sila ng traces sa bumugbog dito.
"How is he?" asked Francisco to the healers.
"His skull has been seriously damaged. It will takes time, bago namin siya tuluyang mapagaling. Wala rin makakapagsabi kung kailan siya magigising," the doctor's reported.
"There were no traces of magic within his bruises. The attacker might have used bare handed attacks to him," one of the high mages' explained.
"There are some paw marks on his temple. Sa kaniyang naging kondisyon, masasabi kong kakaiba ang strength power ng demon beast na nakaharap niya," paliwanag ng healer habang maingat na kinakapa ang ulo ng biktima. "I can't imagine which beast can get in easily into our barrier. Also, there is no small demon beast in high-ranking level."
Sandali silang tumahimik. Makikita na wala silang maisip na konklusyon sa nangyaring insidente. Kahit ako ay wala ring pumapasok na mga posibilidad sa isip ko.
Napalingon ako kay Black dahil sa pananahimik nito. Napakunot ang noo ko nang makita siyang nakangisi habang pinapanood sila.
Maya-maya pa, dinilaan niya ang right front leg niya bago humarap sa 'kin. Inangat ko ng kaunti ang pagkakabuhat ko kay Black para mayakap niya ako ng maayos. Hinagod ko ang likod niya saka lihim na napangiti.
"We need not to delay our journey for him. He has to stay here on his own," Francisco reached with his final decision.
Lahat sila ay walang reaksyon sa sinabi nito, habang ako naman ay nagulat. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. If they left him here alone, baka tuluyan siyang mamatay sa kamay ng demon beasts.
Aapila sana ako kaso naramdaman ko ang kamay na pumigil sa braso ko. Paglingon ko, si Mileya pala. Iniilingan niya ako na para bang gusto niyang iparating sa 'kin na huwag ko nang ituloy 'yong binabalak ko.
"What's wrong with you? Kung iiwanan niyo siya, mas mapapahamak siya!"
Gulat na nagtinginan sa akin ang lahat. Nahinto si Francisco sa paglalakad. Nilingon niya ako, suot ang malamig na titig sa mga mata.
"You're just an outsider. Don't involve yourself in our matters," he said before continuing his pace to walk away.
I heard Mileya heavily sighed, hindi ko kasi siya pinakinggan.
"We appreciate your concern, my lady. But It is best for you to follow the advice of our commander," banggit ng isa sa knights.
Nginitian lang nila ako, bago tuluyang lisanin ang lugar.
NAPAGDESISYUNAN kong bumalik sa aming tinutuluyan, kasama si Mileya. Nakakunot ang noo ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng tent.
"Is it really that easy to throw someone else's life?" Mahahalata sa boses ko ang pagkairita.
Alam kong sa panahong 'to, hindi binibigyang halaga ang buhay ng isang tao. Saka ka lang nakakaranas ng pagpapahalaga kapag may mataas na posisyon ka sa lipunan. Walang pantay-pantay na karapatan dito.
"You may not know this, but there were unspoken rules of being a knight," sabi ni Mileya.
"What are you trying to say?"
"Bago sila nagbitaw ng pangako sa bansang paglilingkuran nila, naging handa na sila sa mga maaari nilang kahihinatnan. Kaya kahihiyan para sa knights ang makatanggap ng awa sa kapwa nilang kabalyero. So you should not step on their resolve and pride."
Hindi ako nakasagot pabalik dahil naiintindihan ko ang kaniyang punto. Masyado ako naging padalos-dalos kanina. Hindi ko alam na may ganito silang paniniwala. Mas importante para sa kanila na unahin ang misyon, kaysa sa ibang bagay.
Siguro ay hindi rin ibig ni Francisco na iwan ang kaniyang kakampi. Dahil sa hinahawakan na posisyon, kailangan niyang maging matatag upang magampanan ng tama ang kanilang tungkulin.
Kinabukasan, katulad nga ng desisyon ni Francisco, iniwan mag-isa ang knight na hindi pa nagkakamalay sa loob ng tent. Walang may balak na lumingon pabalik sa direksyon nito, habang naglalakad na kami palayo.
Nakayakap ako ng mahigpit kay Black.
"I know what you've done," bulong sa 'kin ni Mileya.
"You know me. Ayoko sa era na 'to, so I will do what I want without a care for your traditions," I said before rolling my eyes.
Mabuti na nga lang ay walang naka-detect sa paggamit ko ng kapangyarihan kaninang madaling-araw.
She chuckled. "I understand you."
Hindi ko hinayaang maiwan mag-isa 'yong knight, my shadow soldiers' guarding him. Ginamot na kasi siya ng healers. Magigising na siya anytime tapos pababayaan lang? Masasayang ang effort ng mga nagpakahirap na pagalingin siya kapag gano'n.
Simula kagabi, hindi na kami nagpapansinan ni Francisco. Palagi itong busy sa pag-check ng supplies at weapons. Nagkakaroon din siya ng private meetings kasama ang ibang officers, para i-discuss sa kanila ang mga plano niya. Madalas itong nangyayari sa tuwing makakakuha sila ng impormasyon mula sa spy na kanilang pinadala sa Diamante.
Habang papalapit na kami sa kaharian ng bansa na aming pupuntahan ... naging seryoso lalo ang mga kabalyero. Halos buong araw silang nagsasanay gamit ang kanilang mga sandata.
May mga kabalyero ang may talento pagdating sa paggamit ng pana at meron ding mga mahuhusay sa espada. Nakikisali ako sa sparrings nila, para maihanda ko rin ang aking sarili sa parating na digmaan.
"What is he doing?" tukoy niya kay Black.
Pinagmasdan ko ang pusa kong sumusuntok sa hangin. Ang likot niya... Tumatalon at tuma-tumbling pa ito.
"He is just playing around," sagot ko sa tanong ni Mileya.
Pinanood ko si Black habang malawak ang ngiti sa labi ko. Ang cute niya kasi tingnan. Parang alam na alam niya ang ginagawa niya. Kung hindi lang sana siya pusa, mapapaniwala niya akong nagti-training din ito kung paano lumaban.
MABILIS lumipas ang panahon, dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Tinungo ng knights ang kani-kanilang pwesto. Mula rito sa aming kinatatayuan, natatanaw namin ang kaharian ng Diamante.
Kasama ko sina Mileya at Lawrence, habang nasa likuran naman namin ang knights at iilang high mage. Kasalukuyan kaming nakatago sa likod ng nagtataasang mga puno.
Hindi naging matagal ang paghihintay, tagumpay na nakapasok sina Francisco sa teritoryo ng kalaban. Nagpaputok ito ng smoke signal, senyales na maaari na kaming lumusob.
Naunang nagsipag takbuhan ang mga knight patungo sa bukas na tarangkahan ng palasyo, habang pinoprotektahan naman ng mages si Lawrence. Nagkatinginan kami ni Mileya sa isa't isa, upang simulan na ang aming plano.
BINABASA MO ANG
Ways To Escape Death
FantasySophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunate accident, her soul transmigrated to a world inside of a romance novel set in medieval times. She p...
