Chapter 62: Holy Temple (Part II)

6.4K 386 56
                                    

Third Person's POV

Halos lahat ng mga nakasaksi ay nagtakip ng kanilang bibig. May mga noble ang napatayo mula sa kanilang pagkakaupo. Naistatwa si Duke White habang tulala na nakatitig sa holographic screen. Napanood nila ang buong pangyayari … simula ng inatake ni Sophia ang Prinsipe hanggang sa magbago ang kasuotan nito.

"The Dark Priestess has returned to rule the darkness! She must be killed immediately before the demons learn about her existence!" pasigaw na sabi ng High Priest. Katabi lang nito ng upuan si Emperor William.

Napayukom ng kamao ang Emperor, nakakapit naman sa balikat niya ang kaniyang Empress. Nilingon niya ang commander-in-chief ng mga Royal Guard para magbigay ng utos. "Hulihin si Lady Sophia pati ang ama niyang si Baron Klein! Huwag hayaang makatakas ang appointed maid nito na nagngangalang Mileya!"

"I received your royal command," sagot nito pabalik saka madaling nilisan ang lugar.

Sa kabilang banda, walang kahirap-hirap na pinalitan ni Klein ang itsura niya sa pamamagitan lang ng pagsuot ng panibagong singsing. Ganoon din ang ginawa ng asawang si Mileya. Ang kasuotan ng dalawa ay naging katulad sa mga priest at priestess. Nakapasok sila sa loob ng templo ng walang nagsuspetsa sa kanilang katauhan.

"Ano ang nangyari kay Killian?" tanong ni Mileya.

Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan patungo sa silid ng Cup of Life.

"Hinagis ko siya papasok dito kanina. Pa'no ba naman? Inuna pa nito ang kaharutan kaysa sa gawin ng tama ang misyon," sagot ni Klein. "Saan kaya siya ngayon? Hindi man lang nito nasira ang recording devices!"

Napakunot ang noo ni Mileya sa narinig. "Huwag mo sabihin sa 'king hindi mo nakontrol ang lakas ng hagis mo?"

"Ah?" Natigilan siya at napaisip. Nang mapagtanto niyang tama ang hinala nito, namutla siya saka natulala.

"Anong bagay kaya ang nagpasira sa mga pader? Wala naman tayong nakita na maaaring dahilan." Kamot sa ulo na sabi ng lalaki.

Nagpakawala ng buntong hininga ang kasama nito at saka hinilot ang sintido. "Sa laki ng butas, akala mo'y tinamaan ng malakas na atake."

"Napakabilis nga ng pangyayari. Parang may hangin lang na dumaan tapos biglang ganiyan ang naging resulta."

Parehong napalingon sina Klein at Mileya sa dalawang nag-uusap na apprentice priest. Sinundan din nila ng tingin ang direksyon ng tinatanaw ng mga ito.

"Klein…" Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Mileya. Niyukom niya ang parehong kamao habang masama ang titig sa asawa.

"Hik!" Nasinok si Klein dahil sa kilabot na naramdaman mula rito.

"Hulihin ang Dark Priestess!" sigaw ng commander. Lakad-takbo pumasok ang mga knight upang sundin ang utos niya.

"Hindi kayo maaaring magdala ng sandata rito sa loob ng templo!" Sinubukan ng isang priestess na pigilan ang mga ito.

"This is a royal command from His Majesty, you dare to oppose it? Move!" Bahagya niyang tinulak ang babae upang ialis sa daanan.

Nagkatinginan ang mag-asawang elf sa isa't isa. "Lord Klein, ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?"

"You don't have to worry, I prepared some safety measures."

Ilang sandali pa ay gumulat sa mga knight ang malakas na pagsabog ng kanilang kinatatayuan. May iilan ang nawalan ng malay, karamihan ay mga nasugatan.

Ang mga nagkalat na miyembro ng Nukpana sa paligid ay nagsipag labasan. Humalo ang mga ito sa knights, priests at civilians kaya walang nakapansin sa presensya nila.

"They are revolutionary force known as Nukpana!" Balita ng knight noong makita nito ang simbolo sa balikat ng isa sa mga nagpanggap na sibilyan.

"Don't hesitate to kill! Whoever comes in your way, consider them as terrorist!" sigaw ng commander habang nakikipaglaban.

Ginawang entrance ni Lorena—manager sa Black Market—ang butas sa mga pader na likha ng pagtama roon ni Killian. Nakasakay ito sa itim na kabayo. She's wearing a fitted mercenary outfit, mayroon ding dagger na nakasabit sa magkabilang gilid ng balakang nito.

"You're here," salubong ni Klein sa dalaga. Pinakita niya ang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan, naintindihan kaagad nito na sila ay kakampi.

"I saw your friend flying rapidly in the air. Nakasalubong ko siya sa karwahe ko," she said.

"Sino ang tinutukoy mo?"

"You bast*rd!" Nagpakita ang matabang pusa na nakasakay sa likuran ng kabayo. Tumalon ito palapit saka sinipa si Klein sa mukha.

"Ugh!" Hindi nakapaghanda ang elf sa atake dahil sa pagkabigla. Natumba ito saka bumaon ang ulo sa sahig.

"You ruined everything," gigil na sabi ni Killian. Nakaupo siya sa tabi nito habang nakalabas ang matatalim na mga kuko sa right front leg.

Gamit ang dalawang palad na nakalapat sa sahig … tinulak ng elf ang sarili upang matanggal ang pagbaon ng ulo niya roon. Nang mapagtagumpayan ay habol hininga siyang lumanghap ng hangin. Wala namang naging sugat sa ulo nito dahil kasingtibay ng dyamante ang bungo niya.

"Who's who? It was your fault, to begin with," Klein reasoned out. Naupo siya ng maayos saka hinilot ang kaniyang batok.

"Wala na ang kausap mo," Mileya said to notify him.

"Eh?" Napaawang ang bibig nito sa nalaman. "Where's Lorena?" Kunot-noo siyang luminga-linga sa paligid.

"Sumunod kay Killian."

He sighed. "Let's straight head to Sophia's location." Tumayo ito saka pinagpag ang alikabok sa pwetan.

Alamin naman natin ang sitwasyon sa kinaroroonan nina Lawrence at Sophia.

"Ah!" Napakapit siya sa dibdib. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam na naman si Sophia ng panghihina. Pamilyar ang pakiramdam na 'yon sa kaniya. Katulad ito noong araw ng paligsahan sa pangangaso.

"She's in there!"

"It's locked, Sir!"

"Force it to open!"

Nang marinig ng Prinsipe ang ingay sa labas, madali itong lumapit sa kinatatayuan ni Sophia.

Humakbang paatras ang dalaga upang ihanda ang sarili sa binabalak nito.

"Here." Inabot ni Lawrence ang isang teleportation scroll.

Natigilan si Sophia sa nakita. "W-why are you giving me this?"

"You have to stay away from here, bago ka pa nila maabutan. Now, go!"

"Thud! Thud! Thud!" Pareho silang napalingon sa direksyon ng pintuan nang marinig nila ang malakas na kalabog nito.

"Don't waste your time here!"

Nagitla ang dalaga sa pagsigaw ni Lawrence. Wala siyang nagawa kundi tanggapin na lang ang alok nito.

"I owe you this one." Nagkaroon ng magic circle sa kaniyang kinatatayuan matapos punitin ang eternal scroll.

Bago siya tuluyang lamunin ng liwanag, natanaw niya pa ang pagbubukas ng pinto. Ngunit hindi knights ang nakita niya kundi sina Lorena at ang kasama nitong pusa.

"Sophia!" Kaagad itong tumakbo sa direksyon ng dalaga.

"Kil—"

Hindi naabutan ni Killian si Sophia at nawala ito ng tuluyan sa paningin niya. "D*mn!"

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon