Chapter 23: I am Sophia

12.9K 605 9
                                    

Sophia's POV

"Kumusta ang vital signs niya?"

"Stable na po, Sir."

"Anumang oras magigising na siya."

May naririnig akong mga boses na hindi pamilyar sa 'kin. Mabigat man ang mga talukap ko'y nagawa ko pa ring silipin ang kanilang direksyon. Pinagmasdan ko sila at saka isa-isang sinuri ang kani-kanilang kabuuan. Pare-parehong berde ang kulay ng buhok at mga mata, may patulis na tenga, at ang balat ay kayumanggi. Ang mga kasuotan nila ay maihahalintulad sa uniporme ng doktor at nurse sa dati kong mundo.

Sa tingin ko'y nasa lugar ako ngayon ng mga elf. Naging tagumpay ang plano na pinagplanuhan ni Duke White.

Habang okupadong nag-uusap, napalingon sa gawi ko ang isa sa tatlong elf. "Gising na siya!" he said.

Naalarma ang kasamahan niya sa balita. Sabay-sabay silang lumuhod sa sahig at yumuko. "We are honored to have you here, Dark Priestess!"

"What are you doing? Please, stand," halos pabulong na saway ko sa kanila. Parang may nakabara sa lalamunan ko, nahihirapan akong magsalita ng may sapat na kalakasan ang boses.

"Ugh!" Sinubukan kong bumangon para maupo sana, but I failed.

"Ipahinga mo muna ang sarili mo. Hindi pa tuluyang nanu-neutralize ang epekto ng gamot sa katawan mo," bungad ng kapapasok lang na elf.

Nilingon niya ang mga elf na kanina pa nakaluhod sa sahig. "I need to talk to her in private."

"We will take our leave then, milord."

Pareho namin silang pinanood hanggang sa tuluyan nilang lisanin ang kwartong ito. Nang magsara ang pinto, sinalubong niya ang aking paningin.

Ang deskripsiyon ng itsura niya ay katulad sa nabasa ko sa isa sa mga pahina ng talaarawan ni Felixandreo. Natatanging elf na kulay morado ang buhok at mga mata, at medyo maputla ang pagkaputi ng kaniyang balat. May markang itim na parang ugat sa ibaba ng kanan niyang mata.

Suot niya sa leeg ang choker silver necklace na may black acrylic diamond pendant. Sumisimbolo iyon na siya ang kasalukuyang pinuno ng kanilang tribo.

"Ikaw ba si Klein?" tanong ko.

"Ako nga," payak na sagot niya.

Base sa diary ni Felixandreo-ang unang ninuno ng pamilyang White-malapit silang dalawa sa isa't isa. Bata pa si Klein nang matagpuan siya ni Felixandreo sa gitna ng kagubatan. Iniligtas siya nito mula sa panganib, laban sa isang demon beast na binalak siyang gawing hapunan.

Palaboy-laboy siya noon at walang uuwian. Dahil diyan ay nagdesisyon si Felixandreo na isama siya sa paglalakbay upang tuklasin ang maiaalok ng mundong 'to.

Ang pagkakataong 'yon ay ginamit ni Klein na pag-aralan ang iba't ibang klase ng halamang gamot. Sa kaniyang pagpupursigi, naging bihasa ang kakayahan niya sa panggagamot.

Sa ilang taong paglalakbay, natagpuan nila ang pinamamalagiang kontinente ni Eliz Sofie D. Ark. Noong panahon na 'yon nakilala ni Klein ang mga kauri niyang nasa pangangalaga ng priestess.

"Hayaan mong pormal akong magpakilala sa iyo. Ako ang kasalukuyang namumuno sa aming tribo. Kilala ako sa ngalang Klein Ester, maaari mo akong tawaging Klein." Pakilala niya habang ang kanang palad ay nakalapat sa dibdib, tapat ng puso. Nakapikit rin ito at medyo nakayuko ang ulo.

Sa palagay ko ay iyan ang kanilang pamamaraan sa pagbibigay respeto.

"I am Elizabeth, from White family."

"I love to know your real name, milady."

Nangunot ang aking noo at tahimik siyang pinag-aralan. Tanging ako lang ang nakakaalam sa aking tunay na katauhan, paano nangyaring may nalalaman siya?

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon