Sophia's POV
Parang kailan lang noong nasa modern era pa ako. Miss na miss ko nang mahawakan ang cellphone ko. Kung makaka-experience lang din naman ako ng transmigration sana binigyan muna ako ng choice to pick something I want to bring with me!
Sumipa ako sa hangin habang nakahilata ang likod ko sa ibabaw ng sofa. Tila ba ako'y batang nagmamaktol. "Bakit ba kasi hindi updated ang technology sa panahong 'to?" sigaw ko.
"L-Lady Elizabeth, ano pong problema?" tarantang tanong ni Melrose. Medyo nagitla ako sa biglaan niyang pagpasok dito sa kwarto.
"Wala, wala. Don't mind me," sabi ko saka siya binigyan ng matamis na ngiti. Kaso mukhang wrong move. Mas pinalala ko pa yata ang nararamdaman niyang takot sa akin.
Melrose Homes, nineteen years old. Ang kaisa-isang lady-in-waiting ni Elizabeth; ang nanatili sa tabi niya hanggang kamatayan. Brown hair, green eyes, her face is small and in oval shape. Simple lang. Hindi mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Pormal ang pananamit nito; suot ang uniform na nararapat para sa posisyon niya. Hindi na siya mukhang kabilang sa mga ordinaryong maid ng mansyon; 'di tulad noong una ko siyang makita. Kapag naaalala ko ang mga dinanas niya mula sa dating amo, hindi ko mapigilang kumulo sa inis.
Si Elizabeth ay kilala sa pagiging obsess sa Crown Prince. Sinuman ang magbalak na landiin ang prinsipe ay hindi niya papalampasin. Gano'n din ang sasapitin ng mga makikita niyang babae na malapit sa lokasyon nito. Pinagbawalan niya ring mag-ayos sa mga sarili ang mga dalagang namamasukan dito sa mansyon. Ang hindi sumunod sa panuntunan niya, makakaranas ng matinding parusa. Sa paningin kasi niya, balak akitin ng mga ito si Lawrence.
Bukod sa sarili niya basta humihingang babae, galit siya. Ganiyan siya ka-paranoid! Kinikilabutan ako sa mga kahihiyan niya nitong mga nakaraang taon. Although, hindi ko naman siya masisisi dahil na rin sa pinagdaanan niya. I do sympathize with Elizabeth, but I never ever once wished to be her!
"Lady Elizabeth, tanghali na at nakapang tulog ka pa rin po," alanganin paalala sa 'kin ni Melrose.
Nahahalata ko ang panginginig niya. Siguro akala niya ... gagawin ko rin ang pananakit na naranasan niya sa kamay ng dating Elizabeth.
Umayos ako ng upo sa sofa sabay dume-kwatro. Umawang ang labi niya sa gulat; ang young lady niya ay unladylike kumilos.
"Boring ng buhay dito," tamad na tamad kong puna.
"Nais mo po ba maghanda ng tea party?" suhestiyon niya.
I groaned. "Don't wanna." Hindi ko sasayangin ang oras ko makipag debatehan sa mga kilalang kababaihan. Hindi ko rin trip makipag paligsahan sa pagiging ideal future wife. Tea party for what? Makinig sa mga tsismis nila against someone o kaya magyabangan ng kani-kanilang talento sa pagbuburda? No way.
"Kukuhanan na lang po kita ng meryenda," sabi niya habang nakayuko.
"Kausapin mo ako ng hindi pormal, Melrose. Friends tayo 'di ba?"
Pansin ko ang pag-aalinlangan niya. Hindi malaman kung susundin ba niya ang gusto ko o ang rules in social standing. Nataranta pa ito nang marinig ang aking pagbuntong-hininga.
"Hindi ako nangangagat, Melrose," paalala ko.
"Po?" pagtataka niya sa sinabi ko.
Hindi niya yata gets ang ibig kong sabihin. "You may go. Kumuha ka na ng meryenda," utos ko na may kasamang pagtitimpi para hindi ko siya pagbuntunan ng naiipon kong inis.
Yumuko muna ito bago lisanin ang aking kwarto.
Napag-alaman kong lampas isang buwan walang buhay ang katawan ni Elizabeth; walang makapag paliwanag kung bakit hindi siya naaagnas. Good thing, hindi siya inilibing agad. Hindi pa ipinapalibing pero naghahanda na sila ng paglilibingan. Buti na lang nagising ako. Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng maging buhay ko ang buhay niya. Bumalik na sa normal ang kalagayan ko. Napakahina nga lang ng katawan ng babaeng 'to. Halatang hindi naging active sa kahit anong physical activity. Understandable naman. Bilang noble lady, required ang sumunod sa etiquette.
Isa sa mga hilig ni Elizabeth ay ang sumabay sa uso. Marami siyang pag-aari na alahas, dresses at gowns. May collection siya ng branded heels and bags. Nakaayos ang lahat ng iyon sa silid na matatagpuan lang dito sa loob ng kwarto.
Honestly, mas gusto ko itong bago kong buhay kaysa sa dati. Hindi ko na nararanasan ang mamroblema sa pera. Now that I am living as Elizabeth, I must enjoy my life to fullest. Pero para ma-achieve iyon, kailangan kong ilayo ang sarili ko sa darating na kamatayan. Wala akong plano na sundin ang original plot ng novel. Sino ba naman ang gugustuhin na mamatay? Kung mamamatay ako rito, sure akong sa harap na ni San Pedro ang magiging sunod na gising ko.
According to Melrose, nilason ko raw ang sarili ko; after hearing the official dating rumor of Lawrence and Beatrice. Sa totoo lang, wala akong maalalang scene sa plot na nilason ni Elizabeth ang sarili niya. Napaisip tuloy ako na baka kaya ako nag-transmigrate dito ay para bumalik sa tamang flow ang story. Kung iyon nga ang dahilan, may tendency na hindi ko matatakasan ang kapalaran ni Elizabeth.
Naupo ako sa harap ng vanity table para titigan ang sarili ko sa salamin. Maganda naman si Elizabeth. She has healthy black hair, violet eyes, tapos kutis porselana. Artistahin ang itsura. If ever, papasa siyang international model sa modern era. Pero bakit niya hinayaang mabaliw sa isang lalaki? Dami-daming lalaki e! Dapat sa ganitong itsura, ginagamit ng tama.
Kumuha ako ng notebook saka panulat na nakatago sa drawer. Nakaka-frustrate dahil quill ang gamit na panulat dito, walang ball pen! Nakaka-miss tuloy lalo ang buhay 21st century.
Let me start by recapitulating the original plot of the story. Beatrice's Love is a reverse harem genre. There were three male leads: the Crown Prince, Lawrence William; the Greatest Magician, Killian Shou Adir; and the Imperial Knights' commander-in-chief, Francisco White.
Lawrence William, the protagonist, and husband-to-be of Beatrice. Ang taong magbibigay ng royal command sa future execution ko. He has blonde hair, mesmerizing blue eyes, a sharp nose, and pinkish lips. He is one of the top handsome guys' living here in the Empire. Ang nag-iisang anak ng Emperor at ng Empress. Wala siyang ibang kakompitensya sa trono kaya naman siya ang hinirang na Crown Prince.
The Dukedom of White, the second most powerful noble of Empire. Bago pa magkaroon ng royal family sa bansa ay mas naunang nag-exist ang teritoryo ng kanilang pamilya. Dahil dito, understandable para sa lahat ng nobles ang political arrangement sa pagitan ng White Dukedom at ng Imperial Palace.
Nagdesisyon silang ikasal sina Elizabeth at Lawrence; pagdating ng panahon na sila ay nasa tamang edad na. Ito ang connection na nagpatibay sa dalawang partido. Kaya naman simula bata pa ay nakatatak na kay Elizabeth: siya lang ang nararapat para sa Crown Prince. At, na-obsess siya sa kaisipang 'yon.
Pero nabibilib ako sa pagka-martyr niya. Kahit halos isampal sa mukha niya ang katotohanang hindi siya magugustuhan ni Lawrence, nag-effort pa rin ito ng sobra. Walang nagbago sa pagmamahal ni Elizabeth hanggang sa bigla na lang umeksena si Beatrice.
"Hindi ko rin maintindihan 'tong babae na 'to. Alam na ngang may fiancé 'yong tao, nakisawsaw pa! Ako ang naba-badtrip eh," lintanya ko.
Dahil si Lawrence ang papatay sa 'kin sa huli. I will go for the operation: cancel the engagement.
Ginuhitan ko ng bilog ang numero unong paraan para makatakas sa kamatayan. Kailangan mawala ang connection ko sa lalaking 'to. Kahit wala 'kong balak lasunin si Beatrice tulad ng nasa original plot. Hindi ko naman mababago ang mga masasamang nagawa na ni Elizabeth sa iba. Nakasisiguro akong maraming may tanim ng galit sa 'kin ngayon.
It is time to regain my reputations. Tutal kumakalat na ang balita tungkol sa sikretong relasyon nina Lawrence at Beatrice. Wala ng dahilan para ituloy pa ang kasal! Siguro naman valid reason 'yon?
"Lady Elizabeth." Sakto ang pagdating ni Melrose, tulak-tulak niya ang tray na may nakapatong na desserts at tea.
"Melrose, ayusan mo ako. Bibisitahin ko ang Duke White sa opisina niya."
Sandali siyang natulala bago tipid na ngumiti. "Okay, Lady Elizabeth," she said, then immediately asked for other servants' help, to prepare everything that needed.
BINABASA MO ANG
Ways To Escape Death
FantasySophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunate accident, her soul transmigrated to a world inside of a romance novel set in medieval times. She p...
