Chapter 81: Final Chapter

12.2K 556 103
                                    

Sophia's POV

Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice.

Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga.

Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid na baka agawin nila sa kaniya si Lawrence. Sa kaalamang 'yan, doon ako nagsimulang mag-alala para sa sarili kong kaligtasan. Sa paningin ko noon, hindi malabo na baka isang araw may sumaksak na lang sa akin sa likod...dulot ng galit at sama ng loob ng mga taong kinawawa ni Elizabeth.

Para maiwasan ang kinatatakutan kong mangyari, naging resolba ko ang paggawa ng paraan upang malayo sa mga dahilan na maaaring magdulot ng aking kamatayan. Mabagal man ang proseso, ang importante umuusad. Doon ko natutunan na hindi madaling makuha muli ang tiwala kapag nasira mo ito.

Masasabi kong worth it ang effort. Dito ko naranasan ang totoong saya, makatanggap ng pagmamahal mula sa pamilya, magkaroon ng mga taong naging mahalaga sa 'kin, at ganoon din ako para sa kanila.

Nakaramdam ako ng kakontentohan, sa kabila ng katotohanan na hiram ko lamang ang kinapapalooban ng kaluluwa ko sa kasalukuyan. May mga pagkakataon noong hindi maiwasang makaramdam din ako ng ganid...na hangarin at angkinin ang bagong buhay na ipinagkaloob sa akin.

Kung aalalahanin ko naman ang karanasan ko sa mundong pinanggalingan ko bilang Sophia. Lahat ng naging struggle para mabuhay, kumita para makapag-aral, at effort na mapasaya ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwento gamit ang mumurahing selpon. Hindi man masyadong maganda ang kapalaran ko roon ... natuto naman akong maging matatag sa pagharap ng mga problema. Lumawak ang aking pang-unawa na kahit nakakasakal minsan ang kalungkutan ay marami pa ring dahilan para magpatuloy at bumangon sa araw-araw para harapin ang bukas.

"Wala na talagang atrasan?" tanong ni Emperor White. Blanko ang ekspresyon niya, walang kabuhay-buhay ang tono ng pananalita pero nanunubig ang sulok ng mga mata.

Huminto ako sa harapan niya at saka tipid na ngumiti. "Don't worry, Father. If ever na gumawa siya ng kalokohan, ipapa-hunting ko siya sa 'yo," pabiro kong tugon.

"If that happens, I will exile him immediately to this country."

Mahina akong natawa saka isinukbit ang kanang kamay ko sa kaliwang braso niya. Hinarap naming pareho ang pinto hanggang sa unti-unti itong magbukas para kami ay papasukin ng mga royal guard. Ito rin ang naging senyales ng pagsisimula ng pinakahihintay na okasyon.

Sandali akong natigilan upang suriin ang paligid. Ang mga imbitado ay sabay-sabay lumingon sa aming gawi. Lahat ng mga ini-expect kong bisita ay naririto para saksihan ang espesyal na araw na 'to.

Dito mismo sa palasyo ng Emperor gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ng pinili kong makasama habang buhay, sa hirap man at ginhawa.

Sinimulan ng musikero ang pagtipa sa piyano upang sabayan ng musika ang bawat hakbang ko patungo sa dulo ng altar. Habang tinatahak ang daan, diretso lang aking tingin para salubungin ang titig ng lalaking mahal ko.

Killian Shou Adir, ang natatanging kinaaayawan ko noon na makatagpo ng landas. Hindi ko mapigilang matawa kapag inaalala ko ang mga sandaling may kaugnayan sa kaniya. Paiwas-iwas pa ako noon tapos sa huli sa kaniya rin pala ako babagsak. Dapat ko na bang paniwalaan ang katagang...The more you hate, the more you love?

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon