03: Duke White's POV

20.2K 875 35
                                        

Duke White's POV

I am Felixander White Sr., the current head in our household, and the father of Elizabeth White. I love my daughter dearly, hindi lang halata. She speculates I neglected her; little did she know, madalas kong inaalam ang kalagayan niya. Even if I can’t show her my affection directly, without doubt, I am willing to give her everything she wants to get, if that's what will bring her happiness.

My daughter, Elizabeth, resembles my wife who died because of childbirth. Noong una, hirap akong tingnan siya dahil naaalala ko lang ulit 'yong sakit nang mawala sa 'kin ang babaeng pinakamamahal ko. Pero nang abutan ko siyang walang buhay sa loob ng kwarto niya, do’n ako tuluyang nagising, at nakaramdam ng matinding pagsisisi. Laking pasasalamat ko na lang talaga sa Maykapal nang siya’y muli nitong ibinalik sa akin. Pakiramdam ko, binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos para itama lahat ng pagkukulang ko bilang isang ama sa kaniyang anak.

I felt the sudden ache in my heart. These past years, I have been busy with work and at the same time, looking over at her mess. My lovely and kind daughter changed because of unrequited love. She became a monster herself. I want to kill the bast*rd who’s hurting her feelings, but I can’t. I don’t want her to detest me by killing her lover. Handa akong talikuran ang palasyo, para lang sa mga anak ko kung kinakailangan.

On the day she committed suicide, nasa ibang bansa ako at lumalaban sa digmaan. Wala akong alam sa mabigat na pinagdaanan niya. Nang makauwi ako sa aking mansyon, naabutan ko ang mga tauhan kong wala sa sarili. Hindi nila masabi ang problema dahil sa takot sa magiging reaksyon ko. Nalaman ko mula sa head butler na dalawang linggo ng walang buhay si Elizabeth. Hindi siya nagpadala ng sulat para ipaalam sa 'kin dahil inaalala niya na baka hindi ako makapag-isip ng maayos sa gitna ng digmaan. Mas pinili na lang nila na maghintay sa pagbabalik ko.

Naging blangko ang utak ko, hindi ko alam ang ire-react. Nanatili akong tahimik at tulala. Ipinaliwanag sa 'kin ni Melrose ang posibilidad kung bakit nagawa niyang magpakamatay. She said it may be related to the dating rumor between Lawrence and Beatrice Philip. After learning that, I lost the will to remain my loyalty to the emperor. I almost declared war on them. Thankfully, my vassals did not let me go, they offered me some advice instead.

To control my anger, I locked myself in Elizabeth's room. Without a doubt, she’s dead, but I keep refusing to accept that.

A month had passed, I was preparing to send my daughter to rest, but Melrose came looking for me, crying the good news of my daughter's sign of awakening. I was happy, though I still can't express my feelings.

Simula no’n, lagi ko ng inaalam kay Melrose ang mga ginagawa niya sa araw-araw. Mula sa kaniya ko nalaman ang mga naging pagbabago ni Elizabeth. Hindi na siya tulad ng dati na atat na atat pumunta sa palasyo kada sasapit ang umaga. It was like she suddenly lost all her love for him, so, I decided to process the annulment of her engagement without asking her consent. I visited the emperor to ask for his permission, he granted my request with the condition: dapat si Elizabeth mismo ang lumapit kay Lawrence para hingin ang kooperasyon nito. Tinanggap ko iyon, at naghintay ng ilang araw kay Elizabeth. Kanina nang siya ay dumating, nagkaroon ako ng pagkakataon naq makita ang pagbabagong sinasabi nila. She can now look straight to my eyes, without fear. Nagagawa na rin niyang sabihin ang kung anuman ang tumatakbo sa isipan niya. The only thing that saddened me, she addressed me as milord instead of calling me father.

“I am here to deliver my report,” bungad na mensahe ni Melrose nang makapasok siya rito sa opisina.

“How is she?” I asked.

“Without a doubt, she’s delighted to acquire your permission to revoke her engagement with his Highness.”

“That’s good.” Nakahinga ako ng maluwag sa aking nalaman.

Palalabasin ko na sana siya nang mapansin ko ang hindi niya pagkapakali; pilitin niya mang itago iyon. “May problema ba?” tanong ko.

Nanatiling tikom ang bibig niya. Tila ba nakikiramdam muna siya kung ayos lang ba sa 'king iboses niya ang laman ng isip niya.

“Her changes, what are your thoughts about it?” I continued.

Lumiwanag ang ekspresyon niya sa kaniyang mukha. Malawak ang ngiti niya sa labi habang kumikinang ang mga mata. Mukhang natumpak ko ang nais niya pang sabihin sa ‘kin.

“She’s different from her usual self,” she replied, cheerfully. “Lady Elizabeth is changing for the better. Palagay ko, natutunan na po niyang mahalin at pahalagahan ang sarili niya.”

“Right?” natutuwang tugon ko sa sinabi niya.

“Kapag nalaman ng mga kuya niya ang pagbabago niya … baka sakaling bumalik na po sila rito sa mansyon...”

“I hope so.”

I have two sons—her older brothers. They are studying abroad to learn advanced knowledge in terms of economic and political management, while also practicing their swordsmanship there.

Felix and Franco left the house ever since their sister changed into worse. They were ashamed and cannot manage the sight of her becoming head over heels to the Crown Prince.

“Milord, milady wishes to send a request of visit to the Crown Prince.” Nilabas niya ang sulat na nakatago sa kaniyang shoulder bag. “I have her letter here with me. Would you like to have a look at it first?”

“There's no need, nagtitiwala ako sa desisyon niya. You may deliver it to the Imperial Palace.”

“I will take my leave then.” She bowed her head first before leaving the room.

“Now, what should I do with this?” I stare at the information I obtained. This is about Beatrice, a commoner adopted by Marquess Philip.

“Tingin ko, hindi na niya kailangan 'to,” bulong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang maliit na bell na nakapatong sa ibabaw ng table. Pinatunog ko iyon para papasukin ang taong nakatayo sa labas ng pintuan. Pumasok ang head butler, saka maingat na sinara ang pinto.

“What can I do for you, milord?” he asked while facing down the floor.

“Pakisunog ito sa fireplace. Dalhan mo na rin ako ng mainit na kape pagkatapos,” utos ko rito. Pinakita ko sa kaniya ang kapit kong brown envelope.

Maingat niyang kinuha iyon mula sa ‘kin at sinunod ang utos ko. Nang masiguro kong tuluyan iyong naging abo, saka ako bumalik sa inaasikaso kong trabaho.

“I shall take my leave, milord.”

“You may go,” I replied without looking at him.

Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan, senyales ng tuluyan niyang paglisan.

“Kris,” tawag ko rito.

Madali siyang lumabas sa pinagtataguan niya. “Yes, master?” Siya ang captain ng secret knights na hawak ko. Nagtatrabaho sila ng patago sa mata ng mga maharlika.

Inabot ko ang mga sulat sa aking harapan. “I want you to deliver these to Felix and Franco. Tell them to return here as soon as possible.” Sunod kong kinuha ang susi na nakakwintas sa aking leegan upang buksan ang drawer sa ilalim ng lamesa. “While you're at it, dumaan ka na rin sa magic tower. Just give this to them. They can easily tell what it is by the glance of it,” aniko sabay bigay sa kaniya ng envelope—naglalaman ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa kasalukuyang iniimbestigahan ng mga mage.

“Copy,” he said before taking his leave.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon