Sophia's POV
We are now preparing ourselves to continue our journey.
"Here's your dagger." Mileya handed over the dagger she made using my seventh-level demon beast crystal core.
"Thank you, Mileya," I said after taking it.
Sinuri ko itong mabuti. The dagger's point is very sharp and it has two sharp edges. She is very good at this. Kahit noong nasa Elf Tribe pa kami, lahat ng weapons gawa niya ay napakaganda ng quality.
Mileya is excellent in archery. She is specialized in long-range weapons, but her skill in close combat is also exceptional. Just like her husband, she also has the talent of being a creator … pero mas trip niya ang paggawa ng mga sandata.
"According to my General, the Asterin troupe is five hundred seventy-two kilometer east."
"By running at full speed without stopping, maabutan natin sila for only seven hours."
"Then, let's go."
Sinimulan ulit namin ang pagtakbo sa direksyon ng silangan. Sinusundan ko si Mileya. Nasa unahan ko ito sapagkat siya ang mas nakakaalam sa patutunguhan namin. Ginagamit niya ang power of insight para mapanatili niya ang safety at security naming dalawa. Mahirap na kasi at baka may mga kalaban ang sumurpresa sa 'min.
Sa halos pitong oras na walang pahinga, naabutan na rin namin sila sa wakas. Nanatili kaming nakatago habang pinagmamasdan silang binabaybay ang daan.
"Nasa harapan ang Crown Prince, katabi nito si Francisco. Kasama nila ang nasa tatlong libong knights. Nasa gitna ang healers, doctors, at mages. Hulihan ng pila ang natitira pang knights na aabot sa pitong libo," paliwanag ni Mileya matapos masuri ang mga ito.
Hindi gaanong kalakihan ang bansang Diamante pero kilala ang mga tauhan nito sa pagiging brutal pagdating sa laban. Ito ay dahil na rin sa impluwensya ng kanilang hari.
Nang makita na malayo na sila sa kinatatayuan namin, nilingon ko si Mileya upang alamin ang opinyon nito.
"Let's go—" hindi niya natuloy ang sasabihin … nang biglang may humila sa amin papunta sa kanilang direksyon.
"What the—" Nablangko ang utak ko dahil sa pagkabigla.
"THERE IS A SPY!" sigaw ng iilang Imperial Knight na nakakita sa 'min.
Sabay-sabay nilang hinawakan ang kani-kanilang mga espada. Huli na ng napagtanto ko na ang mga high mage pala ang naka-track sa aming dalawa.
Hindi namin napaghandaan ang nangyari. Nakita na lang namin ang aming sarili na nakatali at nakaluhod sa harap nina Lawrence at Francisco. Nasa loob kami ng isa sa kanilang mga tent. Napagdesisyunan nilang huminto na muna sa lugar na 'to para ma-interrogate kami.
Hindi ko ini-expect makita si Lawrence dito. Wala sa kwento na sumama siya sa digmaan. Kung ganoon, pati pala ang scenario na 'to ay nagbago.
Sinilip ko ang kanilang mga expression. Kinilabutan ako nang magtama ang paningin namin ni Lawrence. It is my first time being intimidated by his stares. Sa mga mata niya pa lang, nakikita ko na ang matinding kahihinatnan namin sa isang maling galaw lang.
"Patawarin mo ako, Lady Sophia," bulong ni Mileya.
Depress ang itsura niya, masyado yata niyang dinibdib ang nangyari.
Hindi ako makahanap ng magandang sasabihin para pagaanin ang loob niya. Wala kami sa tamang sitwasyon para maging intindihin akong tao.
"Tell me who you are."
"I am Mileya, Your Highness."
"Sophia," tipid kong pakilala.
"Are you the spies sent by the king of Diamante?"
"No," I firmly answered his question.
I suddenly felt chills down my spine. He is releasing his killing intent aura. I can't help but shake in fear.
"You better not dare spout lies to me."
"We can make an oath to God as reassurance to you," suggested Mileya.
What? Seryoso ba siya? Paano kung alamin pa nila ang dahilan ng pagsunod namin sa kanila?
"Okay then—"
"Your Highness, I do know them," singit ni Francisco.
Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka. Nakayuko itong lumuhod sa gilid ni Lawrence.
"What do you mean?" kunot-noo na tanong ng prinsipe.
"Naging kasamahan ko sila sa hunters guild na sinalihan ko noong nasa ibang bansa pa ako."
"Kung ganoon … ano ang ginagawa nila rito?"
Hindi na makasagot si Francisco. Napansin ko rin ang pamamawis ng noo niya.
"We just met you by coincidence. We were on our journey to save my family. They've been kidnapped by the mercenaries to sell them as slaves. Nakakuha ako ng impormasyon na sa Diamante sila ipinagbili," singit ko.
Tinitigan ako sa mga mata ni Lawrence, siguro para pag-aralan kung nagsasabi nga ba ako ng katotohanan o hindi.
"I will pardon you, but you must join his troupe. You both are still under surveillance. Francisco, ikaw na ang bahala sa kanila."
Francisco respectfully received his command. "I will, Your Highness."
"You may go."
Bumalik si Lawrence sa ginagawa niya. Lumapit naman sa amin si Francisco para pakawalan kami sa pagkakatali. Napakapit ako sa pulsuhan ko. May pulang marka ang naiwan sa balat ko dahil sa higpit ng tali.
Kung tutuusin, kaya ko naman pakawalan ang sarili ko. Mas mahal ko lang talaga ang buhay ko. Hindi ko pa alam kung ano ang mga kayang gawin ni Lawrence.
"You both. Follow me," he said using his usual tone.
Napag-alaman kong na-appoint siya bilang commander-in-chief sa buong armed forces, katulad ng nasa kwento.
Bawat nakasalubong naming mga kabalyero ay nagbibigay ng paggalang sa kaniya. Pero hindi niya ito binibigyang pansin, tuloy-tuloy lang ang lakad namin sa patutunguhan.
Nang makarating kami sa tinutuluyan niya … "Anong ginagawa mo rito?" diretsahan niyang tanong sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "Nakilala mo ako?"
"I am asking why are you here?"
I can sense his anger. Iniwasan ko ang tingin niya. Iniba ko ng direksyon ang aking paningin. "I have my reasons. This has nothing to do with you."
"... Bumalik ka sa pinanggalingan mo."
"Huwag kang desisyon. My life is mine."
Napayukom siya ng parehong kamao. Hindi siya nakasagot, nilabanan lang niya ako ng titigan.
"You must not forget the command you received from His Highness, the Crown Prince," paalala ni Mileya kay Francisco.
"Tss!" Tinalikuran niya kami. Dumiretso siya sa kaniyang upuan. Pinatong niya ang parehong siko sa ibabaw ng lamesa para humalumbaba. "You didn't contact our family for a year. Why?"
"I can't tell you for now. Anyways, how did you see through my disguise?" I asked him out of curiosity.
He shrugged his shoulders. "I just felt it was you."
We became dumbfounded because of his answer. He’s basically saying … sinusunod niya lang ang kaniyang instinct.
Dinaig niya pa ang aso sa lakas makakilala.
BINABASA MO ANG
Ways To Escape Death
FantasySophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunate accident, her soul transmigrated to a world inside of a romance novel set in medieval times. She p...
