Chapter 77: High Priestess

5.9K 376 7
                                    

Third Person POV

"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.

He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"

Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.

Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation.

"That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."

Umalingawngaw sa silid ang malademonyong tawa nito. Tumagal 'yon ng ilang segundo bago siya tumigil.

His expression changes quickly. "Hindi ko alam kung paanong paraan mo nabawi ang pareho mong kapangyarihan mula sa 'kin." He looks at her up and down, like he is feeling disgusted. "Ang kakayahang 'yan ay hindi nararapat sa 'yo!"

Sophia didn't pay him in mind. Without uttering a word, she activated her light power to separate his soul from Lawrence's body. When she succeeded, the lady used her shadow power to bind him to an artifact (a wand that expanded into a large one, made in the branch of Yggdrasil) to restrict his movements.

"I am too naive before. Sa kabila ng kasamaan mo, mas iniisip ko pa ang pinagsamahan nating dalawa. Hindi kita kayang patayin kaya pinili kong silyuhin ka sa katawan ng ninuno ng pamilyang William. Ginawa ko 'yon para sa kaligtasan ng mundo? Sinong niloko ko?" Pagak siyang natawa sa sarili. "Itinuring kitang parte ng buhay ko kaya mahalaga ka sa 'kin. Naging duwag akong harapin ang katotohanan, tinakasan ko ang sakit ng pagtraydor mo sa 'kin, Zero Three."

"Sa tingin mo ay madadala mo ako sa kadramahan? Wala akong pake sa naging paghihirap mo! Kasalanan mong naging bulag at tanga ka. Masyado kang nagtiwala sa pekeng kabutihan na pinakita ko sa 'yo!"

Pinatatag ni Sophia ang sarili sa kabila ng mga narinig niyang salita mula rito. "Now that I recall the most important thing to remember. This time, I will do it right," she thought.

Gamit ang gintong kutsilyo ay sinugatan niya ang hintuturo niya. Sunod niyang inilabas ang Cups of Life upang ipatak doon ang sariling dugo. Nagbitiw siya ng isang ancient spell, saka binuhos ang laman ng baso sa katawan ng wand.

"Thank you for being part of my life, goodbye," she said before stabbing his chest using the golden dagger.

Hindi inabot ng minuto ay umepekto kaagad ang spell. His body became petrified and slowly turned into dust.

Nang bumagsak sa sahig ang isang sword pendant, naagaw niyon ang atensyon ni Klein. He walked towards it to pick it up from the ground, and hand over the thing to her. Sophia stares at it for a moment, before accepting it without uttering a single word.

"Ngayong naaalala mo na ang lahat. Anong pangalan na ba ang mas prefer mong itawag ko sa 'yo?"

"Everything that happened in the past will remain in the past. I'll stick with my current self," she replied. "And we shall look forward to the future."

He smiled. "If that's what you want then so be it, Sophia."

Pareho silang napalingon kay Killian na salubong ang kilay at nakabusangot ang mukha. Tinatapunan niya ng sama ng tingin ang mga elf na nakaipon sa sulok, hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

"Hanggang kailan niyo ako tititigan? Take this bast*rd away from me!"

Ang binata ay hindi natutuwa sa pagsalo ng katawan ng walang malay na prinsipe.

"My son..." Lakad-takbo na lumapit si Emperor William para kunin ang anak mula kay Killian.

"Your Highness!" Humahangos na bungad ni Bea nang makapasok sa silid. Kaagad niyang tinungo ang kinatatayuan ng mag-ama, saka maingat na binuhat sa kaniyang likuran si Lawrence.

Ilang sandali lang ay sunod na nagsipag datingan ang Imperial Knights kasama ang limang commander, kabilang na roon si Francisco.

"Hulihin ang Dark Priestess!" utos ng commander of Royal Guards. "Huwag siyang hayaang makatakas!"

Bago pa man magsilapitan ang mga ito kay Sophia ay inangat ng Emperor ang palad niya upang pahintuin sila sa kanilang binabalak.

"She is not an enemy," he said. "The priestess used her power to revive the victims of today's catastrophe."

"Your Majesty! You don't have to bow your head for someone like her!" said the commander of the Intelligence Corps.

Nanatili pa rin ang Emperor sa pagbibigay galang sa dalaga. Ipinag sa walang bahala niya ang opinyon at reaksyon ng mga kabalyero. "Thank you for saving this country. I hope you will grant me the privilege of introducing you to my people."

"There's no need—" Hindi natuloy ni Sophia ang sasabihin niya dahil pinutol 'yon ni Klein upang makisingit sa kanilang pag-uusap.

"It is best to agree with it, Sophia."

"But—"

"This is your home. Walang rason para magtago ka pa sa mata ng mga tao."

"Eh kayo? Hanggang kailan niyo pa balak magtago?"

Para sa mga nakikinig na walang ideya sa existence ng elf sa mundo, hindi nila maintindihan ang pinupunto ng dalaga. Sa kanilang paningin, ang mga elf ay normal na tao lang tulad nila.

Nakatago kasi ang mga patulis na tenga ng mga ito. Iniba rin nila ang kulay ng kanilang mga mata at buhok. Tanging ang orihinal na itsura lang ang hindi nila ginamitan ng concealing magic para madali silang makilala ni Sophia.

"Ilang siglo na namin itong nakasanayan. Napagdesisyunan na ng lahat na ipagpatuloy ang ganitong sistema."

"Is that so? Then, I shall respect your decision," ani niya saka ibinalik ang atensyon sa Emperor na naghihintay ng kasagutan. "Lead the way."


***


For some reason, may mga maliliit na bolang liwanag ang parang tinatangay ng hangin palabas ng palasyo. Ang napakagandang senaryo ay nagdulot ng positibong pakiramdam sa mga nakasaksi. Nabuo ang paniniwala sa kanilang isipan na ito ay pag-asa at senyales ng bagong simula.

Habang pinagmamasdan ng mga tao ang mga parang bulang kumakalat sa iba't ibang direksyon ng bansa, sunod-sunod na imahe ang pumapasok sa kanilang isipan. Nakita nila ang mga kaganapang may kaugnayan sa kauna-unahang tumayong pinuno ng kontinente. Kung sino nga ba si Eliz Sofie D. Ark, o mas kilala ngayon bilang Sophia.

Nang marating nina Sophia ang pinaka mataas na bahagi ng palasyo, nawala ang kaba niya nang matanaw sa ibaba ang reaksyon ng mga tao.

Bawat isa ay lumuluha, hindi dahil sa galit kundi dahil sa tuwa na makita siya. Kabilang na rito ang mga mage ng magic tower, at mga naninilbihan sa Holy Temple.

"Welcome home, Priestess!" sabay-sabay na sabi ng lahat habang nakaluhod at nakalapat sa kaliwang dibdib ang kanang palad.

Natulala ang dalaga, awang ang ibabang labi at hindi makahagilap ng salitang isasagot sa mga ito. Nagtataasan ang mga balahibo niya sa batok at parehong braso.

"Mukhang hindi ko na kailangan pang ipakilala ka sa kanila," nakangiting komento ni Emperor William.

Natawa habang napapailing si Klein saka sinabing, "Mukhang hindi na rin namin kailangan pang isekreto sa mga tao ang tungkol sa aming tribo."

Sinabayan siya ng tawa ng mga elf at saka sabay-sabay na hinubad ang suot na singsing, a magical device that works to conceal their appearances.

Sa hindi kalayuan, natanaw ni Sophia si Felixander. Nakihalo ito sa mga tao upang sana ay hindi siya mapansin. Nang iangat nito ang ulo upang siya ay silipin, nagitla ang lalaki noong magtama ang kanilang paningin.

Umangat ang sulok ng labi ng dalaga. "Panigurado, siya na naman ang may kagagawan nito," bulong niya sa sarili.


Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon