Chapter 59: Disagreement

6.9K 400 25
                                    

Sophia's POV

"Killian…" malambing na tawag ko rito. He is currently in his cat form.

"..." Nanatili itong tahimik habang nakatalikod ito sa 'kin. Noong isang araw niya pa ako hindi pinapansin.

Mabigat akong nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ko akalain na darating ang panahon na manunuyo ako ng lalaking nagtatampo.

Sumandal ako sa poste saka pinagmasdan ang nasa harapan. Ang mga elf ay abala sa kaniya-kaniya nilang gawain.

"Tutal ayaw mo akong pansinin o kausapin, hayaan mong ikwento ko sa 'yo ang naging buhay ko sa pinanggalingan kong mundo."

His ears twitched, mukhang interesado itong pakinggan ang mga kaalaman tungkol sa 'kin.

Tumikhim ako saka siya binuhat upang iupo ito sa aking kandungan. Hindi siya nagreklamo pero sa tuwing hinaharap ko ito sa 'kin, hindi siya nagpapadala at saka tumatalikod kaagad pabalik.

Napakamot ako sa aking batok, hinayaan ko na lang ito sa gusto niya.

"My parents abandoned me when I was a school-age child. 'Yong papa ko mas pinili ang kabit niya kaysa sa 'min na pamilya niya. Noong iwan niya kami, sa 'kin nilalabas ni mama ang frustrations niya. Later on, she took me to an orphanage to get rid of me as her burden."

I glanced in his direction when he started nudging me with his head and rubbing his cheeks against my belly.

I petted him. "Are you comforting me right now?"

Hindi ako nito sinagot, inismiran niya lang ako saka iniba ng direksyon ang paningin.

"Hindi gano'n kaganda ang naranasan ko sa bahay-ampunan. Walang may gusto na kaibiganin ako dahil siguro masyado akong tahimik at may sariling mundo. Wala ring pumili sa 'kin na pamilya, hindi kasi ako pansinin. Habang tumatagal ang panahon na nando'n ako, tingin sa 'kin ng mga tao do'n ay pabigat at palamunin. Kahit na tumutulong naman ako sa mga gawain, mayro'n at mayroon pa rin silang nasasabi. Ipinagsawalang bahala ko 'yon … nagtiis ako."

"Here." Naglagay si Mileya ng meryenda sa aking tabi. Nilingon ko naman siya para magpasalamat. No'ng bumalik ito sa loob ng bahay saka ko lang tinuloy ang aking kwento.

Kumagat muna ako ng biscuit bago nagsalita. "I could able to support myself by working part-time jobs. Nakakuha rin ako ng scholarship sa University na pinasukan ko at naging isa sa mga top fencing competitor."

"Wala akong oras na ma-enjoy ang pagkadalaga ko. Paano ko nga ba 'yon magagawa kung sa araw-araw na gigising ako, kailangan kong mag-aral at magtrabaho. Hahanap ng pagkakakitaan para sa pambayad ng renta, pang kain, at sa iba pang bayarin," dugtong ko.

"Hindi ka nagkaroon doon ng kasintahan?" Nakatitig siya sa mga mata ko. Mahahalata sa ekspresyon nito ang kagustuhan na malaman ang sagot sa katanungan niya.

Sumimangot ako saka napahawak sa aking noo. "You're right. Sa edad na twenty-three years old, never akong nagka-boyfriend tapos namatay rin akong birhen."

Hindi ito nakasagot pabalik kaya sinulyapan ko siya. Nakapikit ito at nakangiti habang nakapatong ang baba niya sa braso.

I sighed. "Tao lang din ako na nakakaramdam ng lungkot paminsan-minsan. Pinili ko no'n maging matatag, praktikal ako eh. Walang magandang kinabukasan kung magpapadala ako sa negatibong pag-iisip."

Sandali akong nahinto para siya ay titigan. Bukas ang kanang mata nito para silipin ako. "Katulad nga ng ating napag-usapan, hindi lang basta normal at mortal ang haharapin natin balang araw. Kung hindi ko babawiin ang nawalang kapangyarihan ng dating Dark Priestess, sino ang tatapat sa taong 'yon? Ikaw man ang pinaka malakas na mage dito, mas mataas pa rin sayo ang antas ng kapangyarihan ng isang deity. At saka hindi pa tayo sigurado kung siya lang ba ang kalaban o baka may iba pa."

"Naiintindihan ko 'yong punto mo pero ano ba sinabi ko sa 'yo nitong kailan lang? Hindi ba't ayaw ko ngang makita na kasama mo si Lawrence?" malamig nitong tugon saka iniba ang direksyon ng paningin.

"Sa mundong 'to ako nagkaroon ng mga nilalang na naging mahalaga sa 'kin. Kailangan ko ng sapat na kakayahan para maprotektahan sila."

"Marami namang paraan para makuha ang artifact sa Holy Temple. Ang dami mong nirarason eh 'no?"

"Lalayo pa ba ako kung lumapit na sa 'kin ang pagkakataon para mas mapadali ang sitwasyon?" Medyo tumaas ang boses ko sa pagsagot sa kaniyang tinuran.

Tumalon ito pababa. "Huwag kang mag-alala. Susundin ko ng tama ang plano pero huwag na muna tayong mag-usap," sabi nito habang nakatalikod at naglalakad palayo sa 'kin.

Naramdaman ko ang paghilab ng aking puso. Napalunok ako—kahit na masakit sa lalamunan—upang ikalma ang sarili. I look up to the sky para hindi tumulo ang luha na naiipon sa sulok ng aking mga mata.

"Sophia," tawag sa 'kin ng kung sino.

Nilingon ko ito sa aking likuran saka mapait na napangiti. "Klein..."

He sighed. "Hayaan mo na muna si Killian, lalapit din sa 'yo 'yon."

Inabot nito sa 'kin ang gintong sobre na may nakatatak na simbolo mula sa palasyo.

"Anong meron sa itsura mo?" Nagtataka kong pinagmasdan ang kaniyang kabuuan dahil naka-disguise ito bilang tao. Matanda ang itsura niya, may puting bigote na nakapaligid sa labi, at ang puting buhok nito ay abot hanggang balikat.

"Ang pagkakaalam ng Prinsipe, ako ang tumatayong magulang mo."

"Ha? Kailan mo pa 'to pinaghandaan?"

"A-ah, ehem! Hindi ko sinasadyang masaksihan ang naging paghaharap ninyo ni Lawrence. Noong hinatak ka palayo ni Killian, ginamit ko 'yong pagkakataon para makalapit at magpakilala sa Prinsipe. Hehehe," paliwanag niya habang nakakamot sa ulo.

Umiling-iling na lang ako bago hinilot ang aking sintido. "Hindi nakakatuwang malaman ang pagsubaybay mo sa 'min pero nakabawi ka naman sa parte na 'to," ani ko saka kinaway sa harap niya ang imbitasyon mula kay Lawrence.

"Nahanda na ni Mileya ang iilang gamit mo at nasa loob na rin ng karwahe ang bagahe. Kailangan na nating umalis."

Nauna siya ng naglalakad patungo sa direksyon ng labasan. Bagsak ang aking balikat at mabigat ang mga hakbang kong sinundan siya sa likuran.

Ipinagbuksan ako ni Klein ng pinto sabay alok ng palad niya upang alalayan ako sa aking pag-akyat. Bago ako tuluyang makasakay sa sasakyan, nilibot ko muna ang aking paningin. Nagbabakasakali lang na mahagip ng mga mata ko si Killian.

"I guess, he's not coming..." bulong ko sa aking sarili. Napayuko ako saka kinapitan ang kamay ni Klein para maingat akong makapasok.

"Wife." Sunod niyang inalalayan si Mileya.

"Thank you, Lord Klein." Naupo ito sa kaharap kong upuan. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Her clothing consisted of an undertunic called a chemise that was made of linen. Over the chemise, she wore ankle-to-floor length tunics, also called kirtle.

"I am disguising myself as your appointed maid," she said.

"I see."

Naramdaman namin ang simulang pag-andar ng karwahe. Sa tingin ko, katabi ng coachman si Klein.

Sinandal ko ang aking ulo habang nakasilip sa bintana. Tulala akong nakatanaw sa aming nadadaanan.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon