Chapter 46: Knight's Oath

8.4K 496 137
                                    

Sophia's POV

Marami ang nakaabang sa pipiliin niyang pagsilbihan. May mga iilan na palihim humihiling na sana sila ang piliin ni Francisco, kahit na alam nilang malabo. Sino nga ba naman ang hindi gugustuhin maging personal knight ang kinilalang Hero of Staves? Idagdag pa na nagmula siya sa kilalang pamilya, ang White Dukedom.

Nakatitig pa rin si Francisco kay Beatrice. Marami na ang nakapansin maging si Lawrence na nasa tabi lang ng dalaga. Nagsimulang maglakad palapit si Francisco sa direksyon namin. Mukhang nakapili na siya kung sino ang aalayan niya ng Knight's Oath.

Katulad nga ng inaasahan ko, huminto siya sa tapat ni Beatrice. Napatakip si Beatrice ng bibig dahil sa surpresa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo para harapin si Francisco.

Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin ito lumuluhod sa harap ni Beatrice. Lahat ay nagtataka na sa kung ano ang dahilan.

"Move," Francisco coldly said.

"Ha?" Hindi maintindihan ni Beatrice ang ibig nitong sabihin.

Nagsisimula na rin ang ingay ng bulungan ng mga nakasaksi sa nangyayari.

"That sit is mine. Why are you there?" Tinuro niya ang upuan na ginagamit ni Beatrice.

Napaawang ang bibig ko saka namilog ang aking mga mata habang nakatitig sa kaniya.

"I-I didn't know…" Nakayukong sagot ni Beatrice. Natatakpan ng buhok ang mukha nito kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. Ang alam ko lang ay nanginginig ang boses niya.

"Kekeke." Rinig kong hagikhik ni Killian sa tabi ko.

Walang lingon kong sinuntok siya sa sikmura, gamit ang kamay kong kapit pa rin niya hanggang ngayon.

"You didn't know?" Francisco repeated her statement bago ako samaan ng tingin.

Napasipol na lang ako bago humarap sa direksyon ni Killian. Hindi ko naman kasi alam na kailangan ko siyang i-reserved ng mauupuan. Wala siyang sinabi sa akin kanina.

"Now you already know, leave," he said.

Yumuko muna si Beatrice sa harap niya bago umalis sa event. Madali naman siyang sinundan ni Lawrence.

NAGKAROON ng panandaliang katahimikan sa paligid.

"Sophia," tawag niya sa 'kin.

Sinilip ko siya. "What are you doing?" tanong ko rito habang nakakunot ang aking noo.

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw niyang may nakaupo sa upuan na 'yon dahil do'n siya púpuwesto. Nakaluhod ito habang nakapatong ang espada niya sa palad niya.

"Are you dumb?" he said while wearing his blank expression.

Hindi na proseso ng utak ko 'yong ibig niyang iparating sa 'kin. Sandali kong nilingon si Killian no'ng maramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya sa kamay ko. Sinenyasan niya akong tumayo para tanggapin ang inaalok ni Francisco.

"Are you serious about this?" bulong ko kay Francisco kaso sinamaan niya ako ng tingin bilang tugon.

Tumayo ako sa harapan niya saka tinanggap ang kaniyang espada. I use the flat side of it to tap his shoulders.

"I, Sophia Ark, will believe in you, and acknowledge you as my knight from today onwards." To be honest, I am not quite sure If I'm doing this right. Ginaya ko lang 'yong nabasa ko noon sa ibang historical fiction novel.

Tumayo si Francisco para kunin muli sa 'kin ang espada saka hinawakan niya ang palad ko para halikan ang likuran nito.

"I pledge that I will in the future be faithful to my lord. I swear to protect you though it may cost me my life. This is my oath to you," he said.

Pumalakpak ang lahat nang marinig ang binitawan niyang pangako. Ito ang naging pagtatapos ng seremonya.

AFTER ng Accolade Ceremony, sumunod ang Hunting Event. Naghahanda ang mga participant sa kani-kanilang armor suit at sandata.

"Which family you belong to? You are not familiar," someone I don't know asked me.

Nilingon ko ang apat na babaeng masama ang titig sa 'kin. Kapag tinamaan talaga ng inggit, laging ganito ang mararanasan ko.

"She is related to me," singit ni Francisco sa usapan habang buhat-buhat si Black.

Madaling nagsialisan ang mga ito dahil sa pagiging intimidating nilang pareho. Kahit ang pusa, nahahawa na rin sa ugali niya.

"Why he's here?" tukoy ko kay Black. Kinuha ko ito mula sa kapit niya dahil inaabot ako nito.

"I found him by chance in the kitchen."

"Don't tell me—?" Sinuri ko ang itsura ni Black. May ebidensiya pa na naiwan sa bibig niya. Pinunasan ko agad ito gamit ang aking panyo.

"Where is Duke Adir?"

Nilibot ko ang aking paningin, baka sakaling makita ko si Killian. "He excused himself after the ceremony. Hindi na siya bumalik simula no'n."

Naglakad palapit sa 'kin si Francisco. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko habang diretso ang kaniyang tanaw sa harap.

"Ang babaeng pag-aalayan ng mananalo ay makakapasok sa Holy Temple para magsindi ng torch light sa harap ng Cups of Life," mahinang sabi niya, sapat para marinig ko.

"Mananalo ka, 'di ba?"

"Kung hindi kasali ang Prinsipe, oo."

Hindi ako naging kumbinsido sa sinabi niya. Sa hindi kalayuan, natanaw ko si Lawrence kasama si Beatrice. Nakasuot siya ng  silver armor suit, palatandaan na kasali din ito sa event.

"If that's the case, I will participate."

Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "You overestimated yourself too much."

"Shut your mouth. Just watch me and learn."

Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya para ihanda ang sarili ko. Ang kinaganda sa hunting event na 'to, kahit outsider ay pwedeng sumali basta may kakayahan ka.

Dumiretso ako sa loob ng isa sa mga tent na walang tao.

"Zero One," I called her.

Madali siyang lumabas sa anino ko. "Yes, Master?"

"I permitted you to copy my appearance. You act as my double and stay here."

Kailangan walang makahalata sa biglaang pagkawala ko, lalo pa't nasa sa 'kin ang mata ng karamihan. Si Zero One ang papalit sa pwesto ko para mangyari 'yon.

Hinawakan niya ang aking noo, saka kinopya ang kabuuan ko. Gayang-gaya niya ang itsura ko mula ulo hanggang paa kahit sa pananamit—para akong nakaharap sa salamin.

"Go," utos ko rito.

Lumabas siya sa tent para simulan ang kaniyang misyon. Sumunod sa kaniya si Black kaya ako na lang ang naiwan dito mag-isa.

I am going to disguise myself as a man, para maging valid ang pagsali ko sa paligsahan.

Mula sa aking spatial ring, naglabas ako ng black armor suit na sasakto sa katawan ko. Pinili ko 'yong hindi mahahalata na isa akong babae. Tumawag ako ng isa pang shadow mage para palitan ang suot ko ng walang kahirap-hirap. Nilabas ko rin ang dagger na gawa sa seventh-level core of demon beast, at saka isinuksok ito sa aking tagiliran.

Tinali ko ang aking buhok ng pa-sleek high ponytail, katulad sa tali ng mga knight na may mahahabang buhok. Nang masiguro kong perpekto na ang aking itsura, lumabas ako ng tent saka dumiretso sa kinaroroonan ni Francisco.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon