Chapter 32: Farewell Asterin

10.6K 556 28
                                    

Sophia's POV

Hinihintay ko si Mileya na matapos ang pamamaalam niya kay Klein. Hindi kasi ito pwedeng sumama dahil siya ang pinuno ng kanilang tribo. 

"WAAAAAH!" ngawa niya habang nakayakap kay Mileya na parang koala.

"Lord Klein, bitawan mo ako," walang emosyon na banta ni Mileya sa kaniya.

"AYOKO! Nagbago na isip ko! Huwag mo akong iwan! Dito ka lang!"

Mabigat na nagpakawala ng buntong hininga si Mileya. Ako naman … pilit na pinipigilan na hindi matawa sa sitwasyon nila. Hindi ko talaga inakalang ganito siya ka-childish pagdating sa asawa niya.

"Babalik rin kami agad kapag nakuha na namin sa Diamante ang artifact ni Lady Sophia."

"Ayoko nga eh!"

Gaya ng sinabi niya, nasa kaharian ng Diamante ang isa sa artifacts na pagmamay-ari ng naunang Dark Priestess. Iyan ang nakalap na impormasyon ng mga shadow soldier noong pinakalat ko sila sa loob ng palasyo. Bukod sa pag-aangkin ng teritoryo, balak din ng Emperor na kunin ang artifact na nakatago roon. Kung ano ang dahilan? 'Yon ang hindi ko nalaman. Masyadong maingat ang Emperor William sa pagbibitaw niya ng mga salita.

I sighed heavily. "We should go. Mileya, let's go."

Walang nagawa si Mileya kundi sipain ang asawa niya palayo. "Aaaaah!" Naririnig naming sigaw ni Klein. 

Napangiwi ako habang nakatanaw sa direksyon kung saan siya tumilapon. Ilang kilometro ba ang inabot ng lipad niya? "Do you really have to do that?" tanong ko kay Mileya.

"Yes. Kung hindi … aabutin pa tayo ng bukas sa kadramahan niya."

I chuckled. "Come."

Mabilis kaming tumakbo para lisanin ang lugar. Sa mata ng mga normal na tao, para lang kaming malakas na hangin na napadaan. Natutunan ko ito sa Elf Tribe. By focusing my mana through my legs and feet, I can now run faster than a cheetah.

Mileya also changed her appearance. She looks like a human in my eyes. Her hair became black and her eyes became brown. Nagbago din 'yong patulis niyang tenga.

Ang nagbago sa akin ay 'yong mga mata ko na naging kulay asul habang ang buhok ko naman ay naging blonde. Kung titigan ng maigi ang mukha ko, saka lang makikita ang pagkakahawig sa itsura ni Elizabeth. 

"We're here," bulong ni Mileya. 

Nilingon ko ang kinaroroonan ng gate palabas ng Asterin. Para makalusot sa barrier, kailangan naming dumaan riyan.

"Let me handle this."

May dalawang royal knight guard ang nakabantay sa gate. Hinayaan kong kumonektado ang anino ko sa mga anino nila. Ginapang ko ang mga aninong kamay ko hanggang sa likod ng kanilang mga leeg … to knock them out. I successfully did my job well. 

Mileya activated her power of insight, to see if there are still other guards around the area. "It's clear," she said.

Lumapit kami sa gate, at kinopya ko ang susi para buksan ang exit. For the second time, it became successful. Nang makalabas ay sinara ko ang gate. Para walang magduda, ni-lock ko iyon by letting my shadow do the work. 

Nagkatinginan kami ni Mileya sa isa’t isa saka napatango. Sinimulan ulit namin ang pagtakbo, palayo sa bansang Asterin.

"Any moment from here, maaaring sumalubong sa atin ang mga demon beast. Prepare yourself for battle," paalala niya.

"Yes, I will."

I do have ideas about sa mga itsura nila. Klein teaches me everything I must learn, to help me prepare for this journey.

Why did I decide to take action? It is not only for curiosity. Napag-alaman kong may mga noble ang sikretong nagtitipon para pabagsakin ang pamilyang White. Hindi ko pa alam kung sino ang tumatayong lider nila. 

Naiwan sa mansyon ang mga taong importante sa akin. Hindi ko hahayaan na tumunganga lang at manatili sa pagtatago. To protect them, I need to become more powerful.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming tumatakbo mula kanina. Nagsisimula na akong makaramdam ng panghihina. Mukhang ganoon din si Mileya. Nilingon niya ako para hingin ang permission ko, tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"We should rest here," sabi ko nang mahinto kami sa pagtakbo.

"Normally, isang buwan lagpas bago pa tayo makarating sa Diamante. Kung tuloy-tuloy ang takbo natin, baka naabutan natin kaagad ang Imperial Knights."

Naupo kaming pareho sa nakatumbang puno sa sahig. "No need to rush. Ang plano … iti-take advantage natin ang digmaan para makalusot sa palasyo ng kalaban."

She activated her insight power to check our surroundings. "I guess it's safe here for now. Wala akong na-detect na demon beasts sa paligid."

Naglabas ako ng mga makakain mula sa spatial ring ko. Inabot ko sa kaniya ang karneng pinainit ko. "Here. This is yours."

"Thank you, Lady Sophia."

"This is nothing compared to your contribution."

"I am just doing my duty as your protector."

Nginitian ko na lang siya. Nang matapos ang timer, kinuha ang karne na para sa 'kin. Thankfully, perpektong nagawa ni Klein ang oven na dinescribe ko. In exchange, hiningi niya ang mga kaalaman ko sa modern era. Wala namang problema sa part ko, ako rin naman makikinabang sa inventions niya.

You only need to interflow your mana into this magical device, para gumana. Para sa mages na gaya ko, hindi na kailangang gumamit ng mana stones. I can just use my power for these devices.

Sunod kong kinuha ang inumin sa nilalaman ng singsing ko. Ginawa kong survival kit ang spatial ring. Hindi pa kasi ako makakapasok. Mababa pa ang level ko. 

May sariling tubig na dala si Mileya, kaya hindi na ako nag-alok. Naupo ako sa sahig at saka sumandal sa malaking puno na nasa likuran ko. This place is perfect to meditate on nature's energy. Para mapadali ang pagbabalik ng nagamit kong enerhiya.

"Lady Sophia, you can be at ease and take your time. I will stay up tonight to be on guard."

"You need to wake me up, four hours from now. Para mapalitan kita."

"You don't have to, milady."

"Kailangan mo rin ng pahinga. Hindi 'yong puro na lang ako. This is an order."

"Then I shall do as you say, Lady Sophia."

I nodded my head before closing my eyes. Nanahimik ako para alamin ang lokasyon ng nature energy na nakakalat sa paligid. I learn to gather energy even in my sleep para twenty-four hours active ang training ko sa kapangyarihan ko. Pinanatili ko ang pagiging kalmado, walang iniisip na kahit ano, at paghinga ng tamang tiyempo.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon