Chapter 5

3.2K 99 0
                                    

"Gift from Sean."

Ipinatong nang kanyang ina ang paper bag na dala nito sa kanyang sofa. Binalingan siya nito.

" Are you okay, Czesta?"

Kunot noo na tanong nang kanyang mommy.Dinahilan kasi niya na masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi siya nakasama sa christmas celebration, kung saan umuwi si Sean.

" Okay na ako mom. Medyo masakit lang ang ulo ko."

Pagdadahilan niya pa at tinatamad na tumayo at lumapit sa paper bag na dala nito.

" Baka nalilipasan ka nang gutom. Tigilan mo na ang pagsali sa mga pageant at pag da diet."

Pangaral nito sa kanya at inabot ang kanyang noo.

" Wala akong lagnat mom, masakit lang ang ulo ko."

Sabi niya pero hindi niya iniiwas ang mga noo na sinasalat nito.

" Sayang hindi ka nakasama, you should have seen Sebastian's girlfriend."

Hindi niya alam kung bakit parang dinakot ang kanyang dibdib sa sakit.

" Why? Is she not pretty?"

Pagtatago niya sa bitterness na nadama. Bahagya pa siyang ngumiti nang nakakaloko.

" She's gorgeous. Kung hindi ako nagkakamali sabi nang Tita Tia mo is a model."

Hindi siya nagsalita, sinilip lang niya ang laman nang paper bag na ayon sa kanyang ina ay galing kay Sebastian.

" Pero bagay sila, mas gwapo si Sean ngayon. Siguro dahil nag ka girlfriend na."

Dugtong pa nito bago siya iniwan upang makapagpanghinga. Naramdaman siguro nito ang pananahimik niya.

Wala sa sarili na kinuha niya ang laman nang paper bag. Isang mamahaling perfume iyon. At meron pang isang box na kasama kaya binuksan din niya. Isa iyong mamahalin na relong pambisig. 

Gusto niya sanang magpasalamat nang personal dito pero matapos ang nangyari sa kanilang pagitan bago umalis. Wala siyang lakas nang loob na humarap dito, lalo na kasama ang kanilang mga pamilya.

After the kiss, saka siya nakadama nang matinding konsensiya para sa sarili. Alam niya ang pagpipigil ni Sean at siya ang lumapit.

Agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone. Nag send siya nang message sa group chat nilang magkakaibigan.

Mabilis naman na nag reply si Ava sa kanyang mensahe. Nailing na lang siya, she's always game.

Kaya mabilis siyang nag prepare para sa kanyang lakad. Napagkasunduan nila na mag bar na lagi naman doon sila na pupunta.

" Mom, i will go out with Ava and Lavin."

Paalam niya sa kanyang ina na nasa sala. Noon naman lumabas ang daddy niya sa kwarto.

" Dad, lalabas lang ako."

Mabilis niyang paalam na hindi niya binigyan nang pagkakataon na kumontra ang mga magulang.

" I thought..."

Hindi na natapos nang kanyang ina ang sasabihin.

" Bye, guys."

Aniya at tuluyan na siyang lumabas. Nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at nag drive papunta sa kanilang usapan na lugar.

Agad niyang nakita sa parking area ang Ashton Martin ni Ava na sasakyan. Sinipat niya muna ang sarili sa compact mirror. Isang sexy jumpsuit at high heels ang kanyang isinuot.

Pagpasok pa lang sa bar, hindi na niya maiwasan na lingunin siya.She's tall, sexy and fair skinned. At dahil sanay siya sa pageant she walks with confidence.

" Over here!"

Tumaas ang kamay ni Ava kaya doon siya pumunta.

" Merry christmas, Ava."

Bati niya paglapit niya dito.

" Where's Lavin?"

Tanong niya at iginala ang tingin sa paligid.

" Nagbago ang isip, mag pa party si Sebastian sa kanyang yatch."

" Huh?"

Tumayo ito at hinila na siya palabas nang  bar.

" Wait lang, hindi alam nina Mommy."

Pagtanggi niya dahil alam na niya ang binabalak ni Ava. Doon sila pupunta.

" Andun si Logan, and rest of the gang. Except those still abroad like Scar and Dia."

Sabi nito hindi niya alam kung paano tumanggi pero agad na siyang itinulak ni Ava sa passenger side nang sasakyan nito.

" It's christmas season, Czesta. It's time to be merry!"

Alam niya nakainom na ito dahil sa empty shot glass at bote nang alak na nasa harap nito kanina.

" You should have told me."

Sabi niya dito pero tumawa lang si Ava.

" Para makatanggi ka. Ilang beses mo nang iniiwasan si Sebastian."

" Hindi ganun.."

Sabi niya pero tumingin siya labas nang bintana nang kotse nito at napakagat siya sa labi. Hindi na siya makaiwas ngayon.

" Sinabi mo eh."

Sabi pa nito pinaharurot pa nito ang sasakyan. Grabe talaga mag drive si Ava, parang pag aari ang kalsada.

" Shit, Ava. Akala ko sa hospital na ako pupulutin sa iyo."

Reklamo niya nang makababa sa sasakyan nito. Agad siyang humarap sa dagat at lumanghap nang sariwang hangin. Ilang beses na nagtaas baba ang kanyang dibdib bago mag mulat nang mga mata.

Sumunod siya kay Ava na naglakad papunta sa yacth na alam niya pag aari ni Sebastian. Matapos ang kiss incident na iyon ngayon lang niya ulit makikita ang binata. At meron man kaba sa kanyang dibdib, pero nandun pa din ang kanyang excitement. Gusto niyang makita ang sabi nang kanyang ina na mas gwapo ito.

Pag akyat nila sa yacth ni Sebastian sa bar agad siya nagtuloy.

" Tequila shots, please."

Sabi niya sa bar tender at agad na tinungga ang alak na inilapag sa kanyang harapan. Umulit pa siya nang umulit hanggang makaramdam nang pangangapal nang mukha.

" Wooh!"

Malaki ang kanyang ngiti na humarap sa malawak na bahagi nang yate na may nagkakasayahan. Pero hindi pala sapat ang nainom niya nang pagbaling niya sa crowd ay nandun si Sebastian nakapulupot ang mga braso sa beywang nang marahil sinasabi nang kanyang ina na kasintahan nito.

She's definitely has a body to die for, and looks like latin american. Alam niya na maganda siya dahil madami ang nagsasabi. Pero nang mga sandali na iyon iba ang naging tingin niya sa sarili. She's not beautiful enough, para makatabi si Sebastian na totoo din ang sinabi nang kanyang mommy. He is more mature and looks handsome. Sa totoo na salita noon, o dahil espesyal sa kanya ang binata.

Bago pa niya alisin ang tingin sa dalawa ay napabaling na ang tingin ni Sebastian sa kanya. And that moment parang tumigil ang malakas na musika, tanging malakas na tibok nang puso lang niya ang kanyang naririnig. At parang nag slow motion ang lahat. Hanggang lumapit si Sebastian sa kanya. Mahigpit siyang napakapit sa stoll na inuupuan. Nagbabakasali na makakuha nang lakas doon.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon