Nasa kanyang silid na siya ng magising. Pero si Sebastian na lang ang nasa tabi niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakatingin sa kanya.
" Czesta, how are you feeling?"
Nag aalala tanong ni Sebastian. Tiningnan niya ito saka umangat ang kamay at hinaplos ito sa pisngi.
" Sean..."
" I know, Czesta. Sa wakas malaya na tayong magmahalan."
Bumangon siya at yumakap dito.
" Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa iyo sa simula pa lang. Kahit anong pigil natin. We are fated, my love."
Mas humigpit ang yakap niya kay Sebastian. Marahil nga wala siyang magulang pero paraan na din ng Diyos na maramdaman niya ang walang ka pantay na pagmamahal kay, Sebastian.
" Gusto ko sana magdiwang sa kaalaman na pwede na talaga tayo Sean. Pero pag naiisip ko ang tunay kung mga magulang nalulungkot ako."
" Naiintindihan kita. I will give you time to grief, saka tayo mag celebrate. At wag mo sanang kalimutan. You're pregnant, magkaka baby na tayo. At ang lahat ng sakit na naranasan natin ay papalitan natin ng masayang karanasan sa pag sisimula natin ng bagong pamilya."
" Thank you,hindi ka sumuko. Salamat at kahit na anong mangyari ako ang pinili mo."
Sobrang pasasalamat ang nararamdaman niya. Dahil kung hindi ito naglakas ng loob, hindi man lang niya masisilayan ang kanilang anak.
" I choose life, Czesta. And you are my life. Ikaw ang happiness ko, ang lahat lahat sa buhay ko."
Madamdamin nitong sabi at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad. She can see the love in his eyes, pagmamahal na pumupuno sa kanya. Nagpapa kumpleto sa kanya.
" You know I feel the same, right?"
May ngiti na sa labing sabi niya.Gumanti si Sebastian ng ngiti. Pagkatapos ay hinalikan siya sa labi.
Naghiwalay sila ng makarinig ng malakas na tikhim.
" Alam kong hindi na kayo related by blood. But please lang no PDA."
Pakiusap ni Logan na nakasandal sa hamba ng pinto.
" Nasa kwarto kami. We're not in public."
Sabi niya kay Logan na kanyang pinsan. Pero kapatid pa din niyang ituturing.
" Then close the door."
Hinawakan nito ang seradura ng pinto at isinara. Nagkatinginan sila ni Sebastian, saka tumayo ito at ini lock ang pinto.
" Hindi na siguro sila masasanay."
Natatawa niyang sabi.
" It's okay, we will stay in my penthouse. Tapos minamadali ko na ang pagpapatapos sa cabin house na pinapagawa ko."
Tumabi ito sa kanya sa kama at kinabig ang ulo niya at isinandal sa balikat nito.
" Wala pa din pangalan?"
Tanong niya, isang mahinang tawa lang ang sagot ni Sebastian.
" Hmm, I'm not thinking of anything as of now kundi ikaw at ang magiging anak natin."
Saglit siyang natahimik. Saka humaplos sa kanyang impis na tiyan.
" I want to name our child to my real mother kung babae."
Isang masuyong haplos ang ginawa ni Sebastian sa kanyang buhok.
" Of course, kundi dahil sa kanya walang Czesta."
BINABASA MO ANG
Boss Series 8: The boss hidden desire
RomanceSebastian Cervantes Buenavista - boss of real state empire. Young and handsome billionaire. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Czesta Marie. He is being possessive of her. He wants her for himself! It's forbidden, they are cousins. But he...