Chapter 24

2.7K 79 7
                                    

" Wala kang balak sagutin?"

Untag ni Darryl sa kanya. Pareho silang nakatingin sa cellphone niyang nag iingay.

" Hm, let him be."

Sabi niya at muling uminom ng tequila shot. Sa isang exclusive na resort siya dinala ni Darryl. Napakaganda ng tanawin at sana kasing payapa ng dagat ang kanyang kalooban.

Pagkatapos ng madaming missed calls ay mag kasunod na message ang ginagawa ni Sebastian. Pero hindi pa din niya binubuksan ang mensahe nito.

" Anong nangyari? You seem to be okay last time"

Ungkat ni Darryl sa kanyang pag sentimyento.

" Yeah, but I should know what we have is not for a lifetime. Niloloko ko lang ang sarili ko."

Sabi niya at muling uminom. Pinapanood lang siya ni Darryl. Nasa mga mata nito ang matinding simpatya sa kanya.

" Sa simula pa lang alam mong hindi pwede. Bakit mo pa pinilit?"

Tanong nito at hinahayaan lang siya nitong magpakalunod sa alak.

" Dahil alam kong mahal din niya ako, best. At mahal na mahal ko din siya."

Aniya saka bigla siyang natahimik ng muling tumunog ang kanyang cellphone.

" I off mo yan kung ayaw mong sagutin."

Sabi ni Darryl na pareho nilang tinitigan ang kanyang cellphone. Kaya ganun nga ang kanyang ginawa. Alam niyang magagalit si Sebastian pero mas lamang ang pagmamahal nito sa kanya.

Bigla siyang napasubsob sa mesa sa naisip. Granted they loved each other, pero hindi sapat na dahilan iyon.

" I love Sebastian, so much."

Sabi niyang nakayukyok sa mesa.

"What kind of love Czes?"

Nahihimigan niya ang pagka disgusto nito sa kanyang sinabi.

" I love him so much! Isipin pa lang na mayroon siyang kasamang iba is killing me."

Sagot niya na hindi tumitingin dito.

" Look at me, Czesta."

Utos nito kaya alanganin siyang tumuwid ng upo.

" I will not judge you, Czesta. Dahil wala akong karapatan. Kahit ako nakakaramdam ako ng pagka gusto sa isang tao na hindi dapat. Kasi ganito ako eh. Pero ikaw at si Sebastian. There is a big chance for both of you to have a normal life. Normal na relasyon, magkaroon nang normal na pamilya. If both you possessively own each other, both of you will suffer. Tulad ngayon, look at you!"

Mahaba nitong pangaral na agad nakapag pa hagulhol sa kanya.

" We tried. Pero hindi namin kaya, Darryl. What we should do?"

Hindi niya napunta hampasin ang mesa dahil sa matinding frustration.

" Kailan ninyo matatanggap na hindi kayo pwede? Sapat na pinag bigyan ninyo ang inyong nararamdaman. Ginamit na ninyo ang inyong puso. Baka panahon na para gamitin ninyo ang inyong utak?"

Hindi siya makatingin dito ng deritso. Dahil sapul na sapul siya. She's not using her head.

" And if you love Sebastian so much, you will do everything for him. Makita lang siyang masaya."

Noon siya bumaling dito.

" Paano kung sa akin siya sasaya?"

Tanong niya, pero umiling ito sa kanyang sinabi.

" Again I'm not condemning you both, Czesta. Pero hanggang kailan? Hihintayin ninyo pang itakwil kayo pareho? Kaya ninyo bang magpaka layo layo pareho? Mamuhay sa lugar na walang nakakakilala sa inyo ni, Sebastian?"

Mga katanungan na hindi niya kayang sagutin.

" Dahil iyon lang ang option ninyo, ang magtago kayo habang buhay."

Dugtong nito and he's true. Ganun ang magiging buhay nila ni Sebastian. Itago nila ang relasyon nila habang buhay. O kaya harapin ang kanilang pamilya at umamin sa kanilang relasyon. Pagkatapos ay magpaka layo layo sila ni Sebastian.

" Kaya ninyo bang saktan ang mga magulang ninyo? For sure, kung may madudurog man sa relasyon ninyo. Mga magulang ninyo iyon Czes."

" I - I don't want to hurt them, best."

Humihikbi niyang sabi. Dahil parang nakikinita kinita na niya ang mga magulang being more disappointed in her.

" Then use your head."

Payo nito, tuluyan na siyang napaiyak. Dahil kung ang utak niya ang gagamitin, she has to let go of Sebastian.

" Do what is right."

Dugtong nito. And doing what is right means leaving Sebastian. Tama na iwan niya ito.Tama na maghiwalay sila!

"Hindi ko yata, best."

Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil agad iyong nanikip.

"Then face your parents. At sila na ang bahala magsabi kung ano ang tama para sa inyong dalawa. Dahil mukhang hindi mo na alam kung ano ang tama sa mali, Czesta."

Ani Darryl at sumandal sa upuan.Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.Labis na awa ang nakikita niya.

"Why not marry me, Darryl?"

Maya maya ay bigla niyang bulalas.Bahagyang natawa naman si Darryl sa kanyang sinabi.

"Mukhang nawalan ka na nga sa sariling katinuan, Czes.Alam mong di tayo talo!"

Kahit wala yata itong balak uminom ay napa shot ito ng tequila. Then look at her in disbelief.

"I'm serious, Darryl! Sa US naman tayo magpapakasal, we can divorce anytime. Think about it, I'm a good cover in your sexual orientation. And maybe if I got a husband, Sebastian will marry someone else. Siguro pagdaan ng panahon,matatanggap na namin na hindi kami pwede para sa isa't isa."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Darryl.Ang kanyang mga mata ay nagsusumamo.

"Your offer is tempting Czesta. I'm willing to help and on my part, I'm nothing to lose. Pero pag isipan mong mabuti.What it means living without Sebastian in your life?"

Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad saka tahimik na umiyak.

"Sebastian is my life. Losing him means losing my life."

Mahina niyang sabi na para lang sa sarili.Pero alam niya na narinig iyon ni Darryl,dahil narinig niya ang mahina nitong pag mumura.

"Let's go home, Czesta, and think about it."

Matapos mag settle ng bill ay inakay na siya ni Darryl palabas ng bar.

" Baka nag seselos ka lang sa isipin na may kasama si Sebastian na ibang babae."

Sabi pa ni Darryl habang nasa byahe siya at wala siyang kibo.

Marahil nga nagseselos siya,dahil mahal na mahal niya si Sebastian. At kanina sa harap ng kanilang pamilya naramdaman niya na kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa. She doesn't have the privilege to hold Sebastian the way other girls can hold her.

Kung ipagpapatuloy nila ang relasyon nila ni Sebastian, she will be like this every after an encounter with their family. Pakiramdam na makasalanan,pakiramdam na walang kwentang anak at ka pamilya. Pakiramdam na parang mauubusan ng lalaki na kahit pinsan ay pinatulan!

Madiin niyang ipinikit ang mga mata.

"Looks like dying is easier than living my life!"

Iyon ang tumakbo sa kanyang isipan.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon