Hindi niya akalain na magiging mabuti niyang kaibigan si Darryl. Naging taga suporta niya ito sa kanyang mga pageant na sinasalihan.
" Congrats,Besh!"
Sabi nito at niyakap siya, natatawa siyang gumanti nang yakap dito. Ito ang dahilan kung bakit naging mas malapit sila sa isat isa.Pareho sila nang gusto at hilig, pero si Darryl nakatago lang ang totoo nitong pagkatao. Pamilya ito nang nasa militar, nasira lang talaga sa kanya. Pero sa panlabas na anyo, lalaking lalaki ito. Maganda ang katawan at mayroon pang day old stubble na sinasadya nito, too look manly. Kung hindi niya nga lang alam ang totoo.
" Salamat.You did a great job."
Aniya, kasi ito ang nag promote sa kanya sa social media.
" Para sa iyo, sweet."
Malambing nitong sabi, at hinayaan niya itong akbayan siya. Kasabay nang kanyang magandang ngiti ang pag flash nang mga camera.
Habang siya ay masaya sa kanyang larawan na naka post sa social media. Si Sebastian naman ay nag dudusa.
" I thought i will be happy seeing you happy with someone else. But damn, it hurts! It's killing me, Czesta!"
Hindi namalayan ni Sebastian ang pamamalisbis nang kanyang luha habang nakatingin sa larawan nang pinsan na naka tag dito sa social media.
" Fuck life!!!"
Galit niyang sigaw at ihinagis ang hawak na bote nang alak sa dingding nang apartment na kanyang tinutuluyan.
" Hindi ko pala kayang makita kang may kasamang iba! Ikababaliw ko!"
Napasubsub siya sa sariling mga palad. Kahit anong pigil niya, kahit nagpakalayo layo siya. Ang pinsan pa din ang laman nang kanyang puso at isipan.
At bago siya mabaliw nang tuluyan. He booked the earliest flight back home. Ganun na lang ang pagkagulat nang kanyang mga magulang nang dumulog siya sa hapag kainan.
" Sebastian?!"
Hindi makapaniwala na sabi nang kanyang mommy. Alanganin kung lalapitan siya o ano. Pero sa huli lumapit pa din ito at yumakap sa kanya.
" Is everything okay, Sebastian?"
Tanong nito sa kanya, habang yakap yakap siya.
" I think so, mom."
Sagot lang niya at kumawala sa mga yakap nang ina. Natatakot siyang masabi ang dinadala niyang problema na magiging problema nang buong pamilya kung sasabihin niya.
" Paano ang masteral mo? You still have few months remaining."
Sabi nang kanyang ama at tinapik siya sa mga balikat.
" I will just do it online."
Aniya pero hindi siya sigurado kung magagawa ba niya.
" I want to be busy in other things, Dad.Gusto ko na mag trabaho."
Dugtong niya at naupo na sa mesa para kumain. Hindi na niya napansin ang pag titinginan nang kanyang mga magulang.
" Kelan ka dumating? Bakit hindi ka nagpa sabi?"
Tanong nang kanyang ina na naupo sa kanyang harapan. She was in military, kaya alam
niya na hindi siya nito titigilan sa interogasyon." Kanina lang mom. I want to surprise all of you. See ? Effective naman."
Nilakipan niya nang ngiti ang sinabi, pero hindi siya sa ina tumingin. Kundi sa kanyang ama na mataman lang siyang pinagmamasdan.
" When do you want to start to work? Hindi naman mahirap ibigay sa iyo ang pamamahala nang real state dahil college pa lang na train ka na?"
Tanong ng kanyang ama, at laking pasalamat niya. He rather wants to talk about the company or business than his personal life. Kahit pa magulang niya ang mag ungkat noon.
" As soon as possible, Dad."
Agad niyang sagot na tinanguan naman nito.
" Good, gusto ko na din mag retire. I want to spend time with your mother."
" C'mon, dad!"
Sabi niya sa ama na tumawa lang ito. Kelan ba nag hiwalay ang dalawa na ito?
" Okay, i want to travel with her. San mo
gusto, sweetheart?"Baling nito sa kanyang ina na ngumiti lang.
" Kung may gusto man akong puntahan,kay Terry iyon."
Sagot nang kanyang ina na biglang nalungkot. Si Terry ang kaniyang bunsong kapatid na nag aaral sa Boston.
" Okay, pag settled na si Sebastian. We will visit Terry."
Masuyo pa nitong hinawakan ang kamay nang kanyang ina.
" Don't worry Dad. I will do my best. You can have your early retirement as you wanted."
Pangako niya dito. Dahil pangako din niya sa sarili, hindi man maging successful ang kanyang lovelife. At least mamayagpag siya sa business world.
" Thank you Sebastian. I know you will. Kahit kailan hindi mo kami binigyan nang disappointment nang mommy mo."
Hindi na lang siya nagsalita sa sinabi nang kanyang ama. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. At pipilitin niyang magpahinga nang mag aga.
" Where's Lavin?"
Tanong niya nang matapos siyang kumain.
" Nasa victory party ni Czesta. Wala na talaga makapigil sa pinsan mo na iyan."
Kanyang ina ang sumagot. Bigla siyang natigilan at matapos ang ilang saglit ay hindi na niya pinigilan ang sarili.
" I should attend and congratulate her."
Aniya na tumayo sa panggigilalas nang kanyang ina.
" Hindi ka man lang magpapahinga?"
Pahabol sa kanya nang ina nang tuluyan siyang umalis sa hapag kainan.
" Okay lang ako,Mom."
Sagot niya at umakyat sa kanyang silid at naligo. Nag suot lang siya nang puting t shirt na kanyang paborito na isuot at maong na pantalon.
Madali para sa kanya na malaman kung saan ang victory party dahil sa post sa social media na naka tag kay Czesta. Agad na ningkit ang kanyang mga mata nang makita ang pareho na lalaki na nakapulupot ang mga braso sa beywang ni Czesta.
Wala siyang sinayang na oras. May pagmamadali siyang sumakay sa kanyang sports car. Gusto niyang makita nang personal ang lalaki na nagpapasaya sa kanyang pinsan.
" Bro!"
Agad niyang tinapik sa balikat si Logan na nasa kasiyahan din na iyon.
" Hey, Sebastian. Kailan ka pa dumating?"
Sabi ni Logan at inabutan agad siya nang bote nang beer.
" Kanina lang."
Sagot niya na ang mata ay nakatuon kay Czesta na nakikipag sayaw sa saliw nang maharot na musika sa lalaki na laging kasama nito sa mga pictures sa social media.
" Tapos na ba ang masteral mo?"
Tanong nito na sinundan nang tingin ang kanyang tinitinggnan.
" Not yet. But i will continue online. Bigla akong na homesick kaya ako umuwi."
Sabi niya na nilakipan nang ngiti ang sinabi. Umiinom siya nang beer pero hindi pa din niya inaalis ang tingin sa dalawa na masayang nag sasayaw.
" He's a good man. And Czesta likes him a lot."
Humigpit ang hawak niya sa bote nang beer sa sinabi ni Logan. Bakit nasasaktan siya nang sobra? Bakit kailangan paglaruan siya nang tadhana nang ganito?
BINABASA MO ANG
Boss Series 8: The boss hidden desire
Любовные романыSebastian Cervantes Buenavista - boss of real state empire. Young and handsome billionaire. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Czesta Marie. He is being possessive of her. He wants her for himself! It's forbidden, they are cousins. But he...