Chapter 7

2.8K 90 0
                                    

Pumailanlang ang maharot na musika. At nagsimula na silang umikot.

" Move your ass, Czesta."

Nakatawa na sabi ni Iris sa kanya, na hinampas siya nang mahina sa puwet.

" Mauna ka nga!"

Sabi niya dito at nagpalit sila nang pwesto. Iris is a good dancer at nakikita niya iyon.Pasalamat na lang siya at marunong din siyang sumayaw.

Sa unang paghinto nang musika, agad siyang umupo sa natapatan at pasalamat siya at kay Stan. Hindi pa nagkakagulo kaya sa hita siya nito umupo. Si Sebastian naman ay si Junifer ang nakaupo dito at hindi lang upo ang ginawa. Pumulupot pa ang braso nito sa leeg nang binata.

" Enjoy, Czesta."

Nakatawa na sabi ni Stan at nilingon nito ang tinitingnan niya.

" Yeah, i will."

Sabi niya at hindi niya alam dahil ba sa nakita niya na motivate siya na darating din siya sa kandungan ni Sebastian.

Nagpatuloy ang musika at ang paglalaro, but she never had a chance to sit on Sebastian lap. Hanggang sila na lang ni Junifer na masyado pa lang competitive at tinalo si Iris sa huling agawan nito sa upuan na si Sebastian ang ang nag mamay ari.

" Well, i did my best. Czesta to give you the price. Pero mukhang it's all in your butt."

Sabi nito at muling hinampas nito ang kayang puwetan bago siya iwan sa gitna nang dance floor.  Nasa gitna si Sebastian at silang dalawa ni Junifer ang natira.

Hindi niya alam kung maganda bang idea ang kanyang gagawin.Pero nakita na lang niya ang sarili na sumasayaw sa harap ni Sebastian, she tried to hide her true feelings sa pamamagitan nang pagngiti at pag indak ayon na rin sa klase nang musika na naririnig.

Hanggang nang tumigil ang tugtog at kahit na naka high heels siya ay sinubukan niyang abutin si Sebastian.Nauna siya na tumapat dito pero hindi niya alam kung tama ba na maupo siya dito.

" Go!"

Sabi ni Sebastian kaya umupo siya sa kandungan nito. Awtomatikong naman na pumulupot ang isang braso nito sa beywang niya.Tatayo na sana siya nang bumulong si Sebastian sa kanya.

" Stay."

At ganun nga  ang ginawa niya.

" Congrats!"

Narinig niyang sabi nang host.Kasunod noon ang palakpakan nang mga audience.Ang kanyang mga pinsan naman ay napapa iling na lang.

" I thought I am the most competitive here tonight."

Nakatawa naman na sabi ni Junifer at hinayaan lang sila ni Sebastian. Alam nito na mag pinsan sila.

" For the winner of our first game, here's your prize."

Sabi nang host at pumailanlang ang malamyos na musika kaya tumayo na siya. Ganun din si Sebastian, ihinagis naman ni Stan ang isang puting t shirt na doon na din nito isinuot.Sa bawat paggalaw nito ay paggalaw nang mga muscle nito.

" Let's dance."

Ani Sebastian at hinapit siya sa beywang. Siya naman ay pumulupot ang mga braso sa leeg nito.

" Congratulations Czesta.Hindi ka pala magpapatalo."

He has playful smirk that makes him more handsome in her eyes.

" After I joined the pageant, i became like this. Pero ang pagkapanalo ko na ito ang hindi ko malilimutan. Wala mang crown or trophy akong natanggap."

Namumungay niyang sabi dito,she became more tipsy after the game.Marahil sa kanyang paggalaw galaw na din.

Pinaka titigan lang siya ni Sebastian. Siya naman ay nakatingin dito.

" Lasing ka na."

Sabi nito sa kanya at bumitaw sa kanya, hinawakan siya sa kamay at dinala sa bahagi nang yate kung saan nandoon ang kwarto nito.
Hindi ito ang unang beses niyang makapasok doon. Dahil college days pa lang nito binigyan na ito nang ama nang yate bilang birthday gift.

"'Stay here , Czesta. Gagawan lang kita nang coffee."

Paalam nito sa kanya na hindi siya hinintay na sumagot. Siya naman ay parang naka kita nang oasis sa gitna nang disyerto nang makita ang kama nito. Agad siyang sumampa sa kama matapos niyang hubarin ang kanyang high heels.

Hindi na niya naramdaman ang muling pagpasok ni Sebastian na may dala nang tasa nang kape.

" Czesta."

Mahinang tawag ni Sebastian sa dalaga pero hindi ito sumagot kaya nilapitan niya ito matapos na ipatong ang tasa nang kape sa table na nasa gilid.

Marahan siyang naupo sa kama at pinagmasdan ang maganda nitong mukha.

" No wonder your on beauty pageant now."

Mahina niyang usal, natutukso siyang haplusin ang makinis nitong mukha.

" You're eyes is closed. It's a good thing dahil nalulunod ako sa mga titig mo."

Kausap niya dito habang ito ay natutulog. Marahil doon siya unang nahulog dito nang hindi niya nalalaman. Her hazel brown eyes na nangungusap. Most beautiful and expressive eyes he's ever seen.

Bigla itong tumihaya, she looks agitated. Kilala na niya ito, ganito ito pag lasing. At nabaling ang kanyang tingin sa mga labi nito. Na minsan niyang natikman pero hindi na niya nakalimutan.

Kailangan niyang kontrolin ang sarili, wala na siyang ma iirason para muling lumayo. Kailangan na niyang pamahalaan ang real state business nang pamilya.

Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa mga labi at hinalikan.

" You're still special to me Czesta. No one can replace you in my heart, no matter how i tried."

Malungkot niya itong iniwan matapos na kunan ito nang larawan na parang anghel na natutulog.

Sa kalasingan nito ay nasabi sa kanya na siya ang pinaka gusto nitong prize. Wala itong ideya na lalong bumilis ang tibok nang kanyang puso sa sinabi nito. Marahil iisa ang tinitibok nang kanilang puso, but the situation don't allow them. They've been cursed, at hindi nila alam kung hanggang kelan nila malalabanan ang masakit na sumpa na iyon.

Muli siyang lumabas sa mga nagkakasiyahan at nakihalubilo. Ganito niyang itago ang kanyang kalungkutan. Marahil babalik na lang ulit siya sa america nang mas maaga. At sana sa pagbalik niya kahit man lang si Czesta ay makatagpo nang magpapasaya dito. Dahil kanina nakita din niya ang selos nito sa pag sulyap kay Junifer ang kanyang kaibigan na game na maging front niya para maitago kay Czesta ang kanyang totoong damdamin.Tanggap na niya sa sarili, na siya ay isinumpa upang magmahal nang hindi pwedeng maging sila. He doesn't know what's his crime in his past life para parusahan siya nang ganito sa kanyang present life.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon