"Good morning,babaeng Zest- O."
Pupungas pungas siyang nag mulat nang mga mata.
" Sebastian?!"
Hindi siya makapaniwala sa pinsan na katabi niya sa kama. Iginala niya ang paningin sa paligid.
" Bakit nandito ako?"
Tanong niya dahil penthouse ito ni Sebastian.
" Sumama ka sa akin pauwi, but I'm so tired at mas malapit ito sa venue nang party mo. Kaya dito na lang kita dinala."
" Bakit wala akong maalala?"
Kunot niyang tanong, dahil wala siyang maalala na kay Sebastian siya sumama pauwi. Ang alam lang niya nagkakasiyahan sila.
" You drink too much, Czesta. Kailan ka pa naging lasinggera?"
Tanong ni Sebastian na bumaba na nang kama. Kung ano ang suot nito kagabi iyon pa rin ang suot nito ngayon.
" God! Ano ba nangyari sa akin?"
Naupo siya at sumandal sa headboard nang kama.
" Masyado ka yata nag celebrate. Lahat yata nang alak ininom mo? Ganyan ka na ba ngayon?"
Seryoso nitong tanong sa kanya.
" No! Logan is there, and also Darryl kaya alam ko safe ako."
Sagot niya hindi nagsalita ni Sebastian tiningnan lang siya nang masama.
" Saka ikaw, Sean."
Bawi niya pero hindi nag bago ang ekspresyon nito. Naiiling na lang na iniwan siya sa silid nito at pumasok nang banyo.
Siya naman ay bumaba na din nang kama at lumabas nang silid nito. Hinanap nang kanyang mata ang kanyang purse. Nakita niya na nasa sofa iyon ganun din ang kanyang sandals.
" What happened to me last night?"
Sigurado siyang binuhat siya ni Sebastian, dahil wala siyang naalala. Sana hindi naulit ang nangyari noon. Sana wala nang halikan na nangyari.
" Saan ka pupunta?"
Tanong ni Sebastian nang akma siyang pupunta sa pinto para lumabas.
" Uuwi na ako."
" You stay. I ordered breakfast, darating na iyon."
Parang tinatamad na sabi nito at lumapit sa sofa at naupo.
" Hindi na, Sebastian."
Pagtanggi niya, pero kinunutan lang siya nito nang noo.
" I insist, Czesta. Saka alam ni Logan na magkasama tayo. Kaya ako ang mag uuwi sa iyo sa inyo."
" You don't have to do that, Sebastian. Tawagan ko na lang si Darryl, magpa-"
" Is he your boyfriend?"
Putol nito sa sasabihin niya. Hindi siya nagsalita, kumibot kibot lang ang kanyang mga labi. Masama kasi ang tingin ni Sebastian sa kanya.
" Tinatanong kita, Czesta. Boyfriend mo na ba siya?"
"Sinagot na kita kagabi di ba? Sabi ko hindi pa!"
" At may balak kang sagutin ang lalaki na iyon?"
"Bukod sa iyo, si Darryl ang isang lalaki na komportable ako."
Sagot niya, umismid lang si Sebastian sa sinabi niya.
" Biased ka. Kung komportable ka sa akin bakit ang layo mo? Maupo ka nga!"
Masungit nitong sabi sa kanya.Kaya lumapit siya dito at malakas na hinampas sa braso.
" Bakit sinusunngitan mo ako?"
Naka simangot niyang sabi. Dahil sweet si Sebastian sa kaniya kahit noon pa. Sinamaan siya nito nang tingin.
" Ang hirap mo kasi kausap. I told you, stay for breakfast at ako maghahatid sa iyo. Pero isinisingit mo si Darryl sa usapan."
"Ayaw lang kitang maabala ka. Baka may jet lag ka pa."
"Don't give that reason, Czesta. Alam
mong sanay akong mga byahe."Hindi na lang siya nag salita. Dahil alam
niya na hindi siya mananalo dito. Hindi naman nagtagal at dumating na ang hinihintay ni, Sebastian, na food delivery.Sa mismong center table nito ibinaba ang pagkain. Habang binuksan niya ang tv. Dahil ganito sila kumain, naka harap sa TV.
" I don't like that."
Sabi ni Sebastian nang balak niyang I play ang isang Netflix film.
" Ito ang gusto ko."
At walang nagawa si Sebastian nang I play niya iyon. She just smirked at him na masama ang tingin sa kanya.
" Kumain ka, you look so skinny."
Sa halip sabi niyo sa kanya.
" Sebastian, I'm a titleholder beauty queen. Excuse me, I'm not skinny. I'm just perfect."
Naka simangot niyang sabi dito, pero nagsimula na din siyang kumuha nang pagkain.
" Ewan ko sa iyon, Czesta."
" Bakit yata nagbago ka na? You used to support me. We have each other's back, bagong Sebastian ba ang bumalik from the US?"
" Sana nga may bagong Sebastian, Czesta."
Suplado nitong sabi at nagsimula na din itong kumain.
" You want new Sebastian? But I like the old Sebastian. Iyong maasahan ko sa lahat nang bagay. Susuportahan ako sa lahat nang gusto ko."
" You can still count on me, Czesta. I will be here for you. If you need me or don't need me, andito lang ako."
Seryoso nitong sabi na tinawanan niya.
" Ang seryoso mo naman, Sean. Hindi ako sanay."
" Tsk, kumain ka na nga lang at manood."
Itinuon nito ang paningin sa television, pero sa mukha nito natuon ang kanyang pansin.Mas naging gwapo ito ngayon, kahit halata ang pagod nito.
" Why all of the sudden you go back home? Hindi pa tapos ang masteral mo?"
Sumulyap ito sa kanya kaya sa TV naman niya binaling ang tingin.
" Why all of the sudden you care?"
" I do care for you, Sebastian."
Sagot niya na hindi tumitingin dito.
" You do?"
Tanong nito, bumaling siya nang tingin dito dahil sa lungkot nang tinig nito.
The way he looked at her, makes her heart throb in pain. He looks very sad, there is something in his eyes she can't explain.
" I do, always."
" Things will change if you will have a boyfriend, Czesta."
"Bakit parang ayaw mo akong mag boyfriend ha?"
May halong biro niyang akusa dito, nag iwas naman ito nang tingin.
" It's not like that, I want you to be happy. Sana kilalanin mo ang Darryl na iyan bago mo sagutin. Dahil ayaw na ayaw kung masasaktan ka Czesta. It will break my heart."
Pasalamat siya na wala sa kanya ang tingin nito,dahil hindi nito nakita ang pagdaan nang pait sa kanyang mga mata.
" He can't break my heart, because it is already broken."
Tanging sabi niya sa sarili habang malungkot na nakamasid sa kanyang pinsan. Na para sa kanya,pinaka gwapo na lalaki sa buong mundo.
" I want to take my chance to be happy, Sean. And Darryl makes me happy."
Iyon ang lumabas sa bibig niya. Sinulyapan siya ni Sebastian na tinanguan lang siya. Hindi na ito nagsalita.
BINABASA MO ANG
Boss Series 8: The boss hidden desire
RomanceSebastian Cervantes Buenavista - boss of real state empire. Young and handsome billionaire. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Czesta Marie. He is being possessive of her. He wants her for himself! It's forbidden, they are cousins. But he...