"M-Mag-iingat ka doon..Ginoong Samuel" mahinang usal ko pero sapat na iyon paraapalingon sa akin at saka siya ngumiti ng bahagya at tumango
Agad akong napaiwas ng tingin at tumingin tingin na lang sa paligid
Ang ganda pala ng kisame nila? kulay brown
"O siya halina kayo't sabayan niyo ako sa pagkain ng hapunan" lahat kami ay nagtungo na sa lamesa nilang mahaba kung saan unti-unti na nilang nilalatag ang mga kagamitan na gagamitin namin ngayong hapunan
Pagkaupong pagkaupo ko marealize kong kami lang ni Ginoong Samuel ang walang ginagawa kaya akmang tatayo na ako ng magsalita si Ginoong Samuel
"Saan ka tutungo?" tanong niya habang humihigop ng tsaa
"Ah tutulong ako sa paghahanda sa hapunan.. señor" napatigil siya sa paghigop saka siya napatingin sa akin
"Hayaan mo na sila sapagkat iyon ang kanilang gawain tsaka hindi ba't sinabihan na kitang huwag mo na akong tawaging señor? panauhin kita kaya'y nararapat lamang na su-"
"Oo na magiting na Ginoong Samuel ayieeee" imbes na sumagot ay tinignan niya lang ako ng may blangkong ekspresyon saka siya nagpatuloy sa paghigop ng tsaa
K fine waley
"Ay Ginoong Samuel pwede ba akong magtrabaho dito sa bahay niyo? kahit bilang labandera na lang" lakas loob na tanong ko sasagot pa sana siya pero dumating na ang lahat kaya nanahimik na kami
Epal naman this guys charot!
Bago kumain ay nagdasal muna kami sa pangunguna ni Manang Perlita.
Pagkatapos niyang manalangin ay nagsikain na kamiSa sobrang tahimik naisipan kong magsalita
"Manang Perli-"
"Bawal magsalita kapag tayo'y kumakain"
Eh may ganun? ang alam ko lang bawal magsalita kapag puno ang bibig in English don't talk if your full is mouth ay baliktad! don't talk if your mouth is full pala
Napayuko na lang ako dahil sa panunuway niya. Hindi nakatakas sa peripheral vision ko ang patagong pagtawa ni Ginoong Samuel dahilan para mag-angat ako ng ulo at balingan siya ng masamang tingin
Napatingin siya sa akin at ng makita niya ang tingin ko sa kanya ay agad siyang tumikhim at nagpatuloy sa pagkain
Buti na lang at hindi nakikita ng iba ang tingin na iginawad ko kay Ginoong Samuel dahil sa lampara lang ang gamit naming pang-ilaw..anong year ba naimbento ang bulb?
Magsearch nga ako next time
**
Pagkatapos naming maghapunan ay nag-umpisa na kaming magligpit ng mga gamit nang magsalita si Ginoong Samuel
"Binibini maaari ba kitang makausap?" eto na ba ang Tagalog version ng salitang Let's talk
Napalingon lingon ako sa mga kanan at kaliwa ko ng mapansin kong ako na lang pala ang natira sa sala kasama siya
"Ako ba ang kausap mo Samuel?"
"Ginoong Samuel" pangongorek niya kaya napairap na naman ako
"K fine Ginoong Samuel so ako ba ang kausap mo?" napatingin siya sa akin dahil sa paraan ng pagtanong ko
"Ayusin mo ang paraan ng pakikipag usap mo sa akin binibini..naririto ka sa aking pamamahay"
Bigla kong marealize na ang bastos ng pagkakatanong ko parang walang galang tsaka bakit ko naman siya igagalang eh hindi naman siya matanda? pero nasa panahon nila ako kaya dapat ko siyang igalang!
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...