"Ang kapal ng mukha mong pisil pisilin ang pwet ko!!"
Malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin ang karamihan sa amin
Rinig ko ang samu't saring bulungan mula sa mga nakarinig sa sigaw ko
"Totoo ba ang sinabi ng babaeng iyan?"
"Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang lapastanganin ang isang binibini"
"Sa tingin ko ay isa siya sa mga babaeng nagkukunwaring biktima ngunit ang totoo'y nambibiktima sila ng mga kalalakihan upang makahingi sila ng salapi"
Napalingon ako sa huling babaeng nagsalita tungkol sa akin
Seriously? ako mukhang pera? sampal ko sa kanya ang pera ko sa makabagong panahon aba ang kapal kaya ng pera ko na puro tig bebente
"Masyado kang judgmental" bulyaw ko pero inirapan lang ako nito
Dukutin ko eyes mo ng matigil kakairap mo dyan eh gigil mo ako kala mo naman bumagay sa kanya ang pag-irap hmp!porque mukhang mayaman ang kaharap ko eh pagpeperahan ko na agad?bastos lang
Muli akong bumaling sa lalaking nasa harapan ko pero hindi ko siya gaanong mamukhaan dahil 'yung suot niyang sumbrero natatakpan ang mukha niya tsaks infairness ang ganda ng baba niya eto 'yung klase ng baba na sarap ikukod sa yelo hahaha char!
Nanahimik lang siya habang nakayuko kaya pinagmasdan ko siya ng dalawang segundo lalo na 'yung style ng pananamit niya
Seriously? ang kapal ng jacket niya eh ang init dito sa Pilipinas ok lang ba siya?
"Hoy hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa ginawa mong pagpisil sa pwet ko? ayos ka ah" sarkastikong sambit ko pero ang lolo niyo snob
Napasinghal ako dahil sa inasta niya
Ako? Ako na si Nathalia Shane Dimagiba inisnob ng isang lalaki mula sa makalumang panahon? wow ha!sa makabagong panahon sila pa ang lalapit sa akin tapos ako ang snob sa kanila
"Alam mo? nakakaasar ka makatawag ka ng pulis-este guardia civil sasabihin ko may masama kang balak sa akin" akmang lalakad na ako ng bigla akong harangan nito sa daraanan kaya dumaan ako sa kanan pero humarang na naman siya ganun din ang ginawa niya nang dumaan ako sa kaliwa
Halos isang minuto na kaming ganun kaya napatigil ako kaya huminto rin siya
"Adik ka ba?" sa tanong ko eh bigla niyang iniangat ang ulo niya dahilan para makita ko ang mukha niya at para nanlaki ang mga mata ko
Weyt weyt weyt nananaginip lang panigurado ako..hindi siya 'to.. imposibleng nandito siya sa harapan ko ngayon
"Narito ang gobernador-heneral!! magbigay pugay sa kataas-taasan" sigaw ng kung sinuman pero hindi ako sumunod dahil mas nangibabaw sa akin ang kaba at gulat
Siya ang..gobernador-heneral??
"Señorita isang kalapastanganan ang pagtitig na ginawa mo sa gobernador-heneral" napakagat ako sa ibabang labi ko saka ako dahan dahang yumuko gaya ng ginawa ng iba
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...