c͟h͟a͟p͟t͟e͟r͟ 5

1.9K 44 0
                                    

-a͟/n͟: E͟R͟R͟O͟R͟S͟ A͟H͟E͟A͟D͟ 𝓪𝓷𝓭 T͟Y͟P͟O͟S͟!

          F͟H͟A͟I͟E͟R͟R͟A͟ P͟O͟V͟

Higit isang linggo na ang nakalilipas mag mula ng kisanin ko ang buhay bilang may asawa.

Isa na rin sa hindi ko maintindihan sa sarili ko bakit madalas akung nahihilo at nagsusuka sa tuwing umaga?

Mabilis akung mapagod at palaging antukin, Nangangasim ang lalamunan ko, na wariy may gusto akung kainin pero hindi ko alam kung ano.

natatakot ako sa pwding mangyari sakin, katulad na lang ngayon parang gusto kung uminum ng kalamansi dahil sa asim na gusto kung tikman.

Nandito ako ngayon sa probensya kung saan ako lumaki, malayo sa lugar kung saan ko nakilala ang pamilyang MC Knight.

Hindi nila alam ang lugar na ito kaya malaya ako sa mga kamay ni Israel, sana tama rin ang pinili kung buhay,

Kahit mag isa na lang ako ay hindi ko naman naramdaman walang nag mamahal at nag mamalasakit sakin.

Kahit wala na akung mga magulang ay hindi ko naramdamang nag iisa ako, dahil may kaibigan akung palaging dumadamay sakin.

"fhai mabuti naman at nagising kana, ano hindi kana naman ba nahihilo oh nagsusuka Jan?" tanong ni lara ang matalik kung kaibigan.

"midyo nahihilo lang pero mas gusto kung uminum sa ngayon ng limon kalamansi, nasaan na?"

"gaga nahihilo ka pala bakit ka pa bumangon, ito na nabili ko na yong gusto mo sa Market, mag pahinga ka muna don at dadalhin Kona rin to sayo pagkatapos".

Wala na akung nagawa kundi ang Sumunod sa sinabi nito, dahil tama sya baka bigla akung bumagsak.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sya habang dala dala ang gustong inumin,

"ito fhai, wag kang masyado uminum nyan kasi nakakabawas yan ng dugo"

"alam mo lara, napaka suwerte ko sayo, mula pagkabata hanggang ngayon nandiyan ka parin sa tabi ko".

"Sus ano kaba Syempre magkaibigan tayo, kung ano ang pinangakuan natin noon tuloy parin yon hanggang ngayon"

"tsk kaya hindi ka nakakapag nobyo eh" asar ko sa ka nya na syang ikinangiwi nya.

"wala yan sa bokabolaryo ko fhai, mas gusto kung maging single iwas sakit ulo pag may lalaki".

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nya, tama naman sya sakit nga sa ulo ang dala ng mga lalaki.

"oh-oyy matahimik ka yata jan? Naalala mona naman ba sya?"

Ngumiti na lang ako sa kanya, dah alam nya talaga ang kahinaan ko,

"alam mo? Hindi kopa nakikita yang ex husband mo ha? Wala ka bang dalang litrato nya jan?"

Tumayo ako bnuksan ang maletang nilalagyan ng mga damit ko, saka kinuha ang picture frame namin,

"ito pasensya na dahil yan lang ang larawang mayron kami ni Israel" mahinang sabi ko

"Wow? T-totoo? Sya ba talaga ito?" Gulat at pagka mangha na sabi nya.

"oo sya yan" tipid kung sagot

"shit ka!! Ang poge nya parang ano eh? May lahi ba ganon? Siguro kung magkaka anak kayo sa kanya magmamana ang mga anak nyo hehe"

"siguro nga pero Malabong mangyari yon" malungkot sa usal ko.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na sa buhay ko ang lalaking pinangrap ko noon paman.

Siguro masaya na yon, baka nga bumalik na rin yong dati nyang kasintahan na si moirah.

Saksi ako sa pag mamahalan nilang dalawa noon, kahit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama,

Pinipilit kung tatagan ang aking loob, oo kinasal na nga kami pero hindi ako ang mahal nya.

Kaya siguro tama na rin ang naging desisyon ko para saamin, palayain kona sya at ipaubaya sa totoong mahal nya.

The EX Wife Of Mr CEOWhere stories live. Discover now