“Mom, where's dad?” tanong niya habang pababa ng living room suot ang gown. Wala ang kanyang ama, wala rin ang ate niya na akala niya’y uuwi man lang sa kasal niya.
Agad niyang natanaw si Tristan kasama si Wein habang kaharap ang judge na magkakasal sa kanila. Walang ibang mga bisita at maski ang mga katulong ay pinag-day off muna dahil ayaw ni Tristan na may ibang makaalam sa kasal nila.
“Hayaan mo na ang Daddy at ang ate mo,” malungkot na sabi ng kanyang ina habang patuloy sila sa pagbaba sa hagdan. Nahuli niyang nakatingin si Tristan pero agad din itong nag-iwas.
Nang makalapit sila ay agad sinimulan ng judge ang seremonyas, napatingin siya kay Tristan na blanko lang ang mukha nang magpalitan sila ng singsing. Nang magtamang muli ang mga mata nila ay kita niya ang poot at galit sa mga mata nito. Ramdam niya iyon pero nagkunwari na lamang siyang hindi iyon napansin at agad na nag-iwas nang tingin dito.
Pumirma sila ng marriage contract kaya agad natapos ang wedding ceremony, napakabilis nang pangyayari. Sa totoo lang, hindi ito ang pinapangarap niyang kasal pero okay lang sa kanya dahil si Tristan naman ang napangasawa at magiging kasama niya habang buhay.
Matapos pirmahan ang marriage contract ay seryosong humarap sa kanya si Tristan.
“Kunin mo na mga gamit mo, we're leaving.” Utos nito habang seryoso pa rin ang mukha, ni walang bakas nang kasiyahan.
“Agad-agad? Hindi ba puwedeng kumain muna tayo?” singit ni Wein sabay irap at hindi makapaniwala kay Tristan, maski siya ay nagulat rin sa desisyon nito.
“May importante pa akong lakad kaya bilisan mo, hihintayin kita sa labas.” Tumungo muna si Tristan sa kanyang ina bago tumalikod at lumabas ng mansyon.
“Bakit naman ang cold ng asawa mo?” mataray na tanong ni Wein, pero hindi niya na ito pinansin at lumapit na sa kanyang ina.
“Okay lang po ba kayo?” tanong niya rito pero tumango ito bago tumalikod.
“Ipakukuha ko lang ang mga gamit mo,” tinawag nito ang mga bodyguards niya at ilang saglit pa ay dala na ang kanyang mga maleta at isinakay na sa kotse ni Tristan.
“Hay naku, mag-iingat ka na lang. Huwag kang mahihiyang tumawag sa akin kapag inapi ka ng lalaking ‘yan, naku sinasabi ko sa iyo hindi ako magdadalawang isip na patayin ‘yan!” madaldal na sabi ni Wein habang naglalakad sila palabas ng mansyon kasunod ang kanyang ina.
“Tumigil ka nga! Hindi magagawa sa akin ni Tristan ‘yon. He won't marry me if he doesn't love me, right?” inis niyang sabi kay Wein, napa-crossed arms naman ito sabay iwas nang tingin sa kanya.
“Okay sabi mo e,” bulong nito, umismid naman siya bago hinarap ang ina.
“Mom, aalis na po kami.” Paalam niya at humalik sa pisngi nito.
“Ingat ka roon ha, bibisita na lang ako kapag na-miss kita.” Malungkot nitong sabi kaya tumango siya bago sumakay sa kotse ni Tristan. Napatingin ito sa kanya nang buhayin ang makina at paandarin agad palabas sa nakabukas na malaking gate.
“Teka lang, h-hindi ba natin isasama ang mga bodyguards ko?” tanong niya kay Tristan na seryosong nagmamaneho.
“Really? From now on, you don't need them,” seryoso nitong sabi.
“G-gano’n ba?” matalim naman siya nitong nilingon kaya para siyang nanigas sa kinauupuan.
“Masaya ka ba?” seryosong tanong ni Tristan bago ibinalik sa daan ang tingin. “Sana masaya ka dahil nakuha mo na rin sa wakas ang gusto mo,”
“I'm really happy, Tristan.” Sagot niya.
“Nahihibang ka, ito ba talaga ang gusto mong mangyari?”
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...