Pabalik na si Ellaine sa rest house ni Tristan, even Wein isn't in his condo, at ni hindi niya ito mahagilap ngayong kailangan niya ito. Bumalong na naman ang mga luha dahil naalala niya ang parents niya.Nang makarating sa tapat ng rest house ay bukas ang gate, maging ang ilaw sa buong bakuran at bahay ay bukas din lahat kaya nagpasya na siyang ipasok ang sasakyan. Bumaba siya sa kotse at isinara ang gate bago naglakad papunta sa loob. Hindi rin naka-lock ang pinto kaya binuksan niya iyon at nagulat nang tumambad ang mga beer in cans na nakakalat sa sahig at nakita si Tristan na nakaupo habang nakayuko at nakasabunot ang isang kamay sa sarili nitong buhok.
Nang mag-angat ito nang tingin ay nakita niya ang pamumula ng mga mata nito at sarkastiko siyang nginitian.
“Sabi na e, babalik ka rin. Where have you been? Gutom na ako kanina pa kita hinihintay,” sabi nito habang namumungay na ngayon ang mga mata.
“May alam ka ba sa pagmigrate ng parents ko?” blanko ang mukha niyang tanong kay Tristan. “Why didn't you say anything to me?” bumalong na naman ang luha niya sa sobrang sama ng loob.
“Because they don't want you to know. This is what you want, isn't it? Ang iwan mo sila at sumama sa akin? Bakit ka umiiyak? Dahil ba pinagsisisihan mong naging wala kang kuwentang anak?”
“Shut up, Tristan!” sigaw niya.
“From now on, I have the right to you. Whatever and anything I want kailangan mong sundin, Ellaine. Wala akong pakealam sa mararamdaman mo basta sundin mo ang gusto ko because you have nowhere else to go.”
“Mahal nila ako at babalikan nila ako! Oras na mangyari ‘yon, aalis na ako sa impyernong pamamahay na ‘to!” sumbat niya. Tumayo naman si Tristan at nilapitan siya.
“Really? You're a brat kaya siguro nagsawa na sila sa ‘yo, if they really love you they will never leave you! At anong sabi mo? Aalis ka? Tingin mo papayag ako sa gusto mo?”
“Mahal ako ng parents ko!” Pagmamatigas niya pero isang malakas na sampiga ang pinakawalan ni Tristan kaya lalo siyang napaiyak.
“Don't shout at me! Ipaghanda mo na ako ng pagkain, nagugutom na ako!” matalim niya muna itong tiningnan bago naglakad papunta sa kusina.
Sobrang sama na nga ng loob niya dinagdagan pa ni Tristan. Ngayon pa lang nagsisisi na siya kung bakit mas pinili niya ito kaysa sa sariling pamilya. Pamilyang walang ibang ginawa kung ‘di ang intindihin, at mahalin siya na parang prinsesa.
Ngayong wala na ang mga ito, hindi niya alam kung anong magiging buhay niya sa kamay ni Tristan. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha habang naghahanda ng pagkain nang bigla niyang maramdaman ang pagyakap mula sa likuran niya.
Para siyang na-istatwa dahil alam niyang si Tristan iyon.
“Hindi ba sabi mo hindi ka na bata? Let's prove it,” malambing nitong bulong sa tainga niya at bahagyang gumapang ang palad nito sa kanyang dibdib sabay pisil doon.
“W-what are you doing? B-bitiwan mo ako!” pagpupumiglas niya pero buong puwersa siyang pinaharap ni Tristan.
“Didn't I tell you that you will pay for forcing me to marry you? This is it, we're married kaya wala kang karapatang tumanggi!” Agad siyang umiwas at tumakbo palabas ng kusina pero agad siyang naabutan ni Tristan.
“Saan ka pupunta?”
“Tristan, maawa ka.” Umiiyak niyang pakiusap pero umiling ito at hinila siya.
“You like me, don't you?” buong puwersa siyang pinahiga ni Tristan sa malamig na sahig.
“Tristan!” umiiyak niyang sigaw at panay ang iwas dito dahil pilit nitong itinataas ang palda niyang suot.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...