Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Tristan, at ni walang gustong magsalita. The only music she could hear was the sea waves and strong winds. Nakaupo lang silang dalawa sa buhangin habang nakatanaw sa kawalan nang madilim na karagatan.Muli ay napalingon siya kay Tristan nang kunin nito sa kamay niya ang divorce paper.
“Simula ngayon, ayaw ko nang makita pa 'to. Hindi pa naman huli ang lahat ‘di ba? Can we start again?” seryoso nitong tanong at nilukot ang papel sabay hagis sa bonfire na malapit lang sa kanila kaya bumalong na namang muli ang kanyang luha, pero sa puntong ito ay luha na nang kaligayahan.
Pinahid ni Tristan ang mga luhang umagos sa pisngi niya bago siya kinabig at inakbayan.
“Akala ko hindi na darating ang araw na patatawarin mo ako. Iniisip ko na lang na ganoon nga siguro ako kasama para ipagtabuyan at kasuklaman mo. I'm sorry, Ellaine if I almost gave up.” Naging garalgal ang boses ni Tristan habang nagsasalita kaya parang tinutusok din ang kanyang dibdib sa sakit.
“Let's forget that, and forgive me for what I did to you. Alam kong nasaktan din kita, Tristan. I don't want to cry, gusto kong maging masaya na lang. Can we be happy now?” tumango si Tristan at naramdaman niya na lang ang paghalik nito sa kanyang ulo.
“I love you, hindi man ikaw ang una kong minahal pero sigurado akong ikaw na ang huli. Ikaw ang pinakamasakit at makahulogang nangyari sa buhay ko.” Paliwanag ni Tristan and it feels like she have been completely healed, and the pain she have been carrying for so long is gone.
Mahal niya nga talaga si Tristan, at hindi siya makapaniwalang mamahalin rin siya ng lalaking pinapangarap lang noon. Muli na naman siyang naluha nang maalala kung paano nagsimulang umusbong ang pagmamahal niya rito.
“You said you don't want to cry, why are you still crying?” tumatawang tanong ni Tristan.
“Masaya lang ako, at kung may kulang man ngayon sa buhay ko, iyon ay ang pangungulila ko sa anak natin. Hindi man lang tayo nabigyan ng pagkakataong makita, mayakap at mahalikan siya, Tristan. Umiiyak ako dahil nalulungkot ako kapag naaalala ko siya, ni hindi ko man lang siya iningatan noon. Sana kasama natin siya ngayon.”
“Shhh.. don't blame yourself. I know if our child sees us now, masaya na rin siya dahil finally okay na ang parents niya.”
“OKAY NA BA ang pakiramdam mo? Nag-aalala ako kasi baka sumakit ang ulo mo kaiiyak kanina.” Nag-aalalang sabi ni Tristan kay Ellaine habang naglalakad sila pabalik sa rest house.
“Okay lang ako, thank you Tristan. Matulog ka na rin, let's meet tomorrow.” Parang bigla siyang nalungkot sa sinabi ni Ellaine nang makarating sila sa tapat ng rest house.. He actually want to spend more time with Ellaine kaya medyo labag pa sa kanyang loob.
“W-wala ‘yon, matutulog ka na ba?” napapakamot sa ulo niyang tanong.
“Maaga pa ako bukas, ikaw matulog ka na rin. Goodnight,” ngumiti si Ellaine bago tumalikod at pumasok sa rest house nito. Wala naman siyang ganang pumasok na rin sa rest house at dumeretso sa banyo para maligo.
Nang makapagpalit ng pantulog ay kumuha siya ng beer in can sa ref, naupo sa kama at binuksan ang TV.
Inubos niya lang ang iniinum at pinatay na rin ang TV pati mga ilaw. Lampshade lang ang iniwan niyang nakabukas bago nahiga sa kama. He closed his eyes but when he heard a knock, he immediately woke up and got out of bed. Mabilis pa siya sa kidlat na nakarating sa pinto at nang buksan iyon ay nadismaya siya.
“What?” inis niyang tanong, nakaloloko namang ngumiti sa kanya si Kai habang pinagmamasdan siya.
“May inaasahan ka bang iba na kakatok sa pinto? Why do you seem so disappointed?” panunudyo nito.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...