C H A P T E R 10

2.5K 49 2
                                    


“Un américain glacé s'il vous plaît,” sambit ni Louie sa cashier in french na ang ibig sabihin ay “one Iced americano please” bago nagbayad.

Naglakad siya papunta sa bakanteng table dala ang laptop, binuksan niya iyon at sin-earch ang pangalan ni Ma-Ri.

The stylist behind the successful stars.
Kang Ma-Ri, a 26 year old elegant stylist of the year is on the spotlight,

“Voici votre café, madame! (Here's your coffee, Ma'am.) Nakangiting sabi ng staff sa coffee shop at umalis na.

Kinuha niya ang kape at sumimsim doon habang nakatanaw na ngayon sa labas. Hindi niya na binasa ang buong article tungkol kay Ma-ri dahil sa sobrang pagngingitngit, mukhang masayang-masaya ito ngayon dahil sa tagumpay pero hinding-hindi niya makalilimutan ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

“Thank you Ma-ri, tatanawin kong utang na loob lahat ng mga naitulong mo sa akin. Pagbubutihin ko roon,” sambit niya habang nakatayo sa labas ng departure area, mapait naman itong ngumiti bago siya kinabig at niyakap nang mahigpit.

“Mag-iingat ka roon, Louie. Call me when you get there, okay?” sabi nito at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya sabay ngiti. Tumango naman siya at hinila na ang maleta bago tumalikod, lumingon ulit siya kay Ma-ri habang nakangiti sa kanya at kumakaway.

Isang taon na ang nakararaan nang mangyari iyon at lahat nang sinabi nito ay puro kasinungalingan. Walang nangyari sa pagdating niya rito sa Paris kung ‘di pagod at gutom, ni hindi niya rin natawagan ang phone nito kaya naging palaboy siya.

“I think I know you, is that you? L-Lou-” hindi mabigkas ng pamilyar na lalaki ang pangalan niya.

“Louie,”

“Right, but what are you doing here?”
nagtataka nitong tanong habang pinagmamasdan siyang mabuti. Alam niya na kung anong iniisip nito at kung bakit mukha siyang palaboy kaysa noong huli niya itong na-encounter sa Hotel. Wala na siyang choice at ramdam niya namang mabuti itong tao.

“Can you help me? Please, I'm hungry and homeless. I have no place to stay here in Paris, I'm scared.” Paliwanag niya, hindi naman ito nagdalawang isip na tulongan at kupkopin siya.

Naka-survive siya sa mga paghihirap na naranasan pero hindi siya sumuko! Ginamit niya iyon para mag-ipon nang lakas dahil babalik siya at pagbabayarin niya si Ma-ri sa lahat nang ginawa nito sa kanya.

Napukaw ang atensyon niya sa guwapong lalaki sa labas ng coffee shop na kumakaway sa kanya habang nakangiti, gumanti rin siya nang ngiti kaya naglakad na ito papasok ng shop.

Tumayo naman siya at sinalubong ito nang yakap at halik.

ELLAINE!” napatigil siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya sa lobby ng kompanyang pinapasukan niya.

Nang lumingon siya ay nakita niya ang pamilyar na lalaking printeng nakaupo habang naka-dikwatro at nakadipa ang kamay sa tigkabilang sandalan ng upuan. Naka-shades pa ito, habang suot ang khaki trouser, white longsleeve at white sneakers. Napaka-presko nitong tingnan kaya napakunot-noo siya habang pinagmamasdan ang lalaki.

“Jihun?” usal niya. Ngumiti naman ito bago kumaway sa kanya kaya nagmamadali niya itong nilapitan.

“Kumusta?” tanong nito nang bigla itong tumayo at inakbayan siya.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon