Pagpasok pa lang ni Ellaine sa entrance ng building ay nagsisipagtungohan na sa kanya ang mga empleyado sa kompanya. Sa wakas, matapos ang limang taon ay nakabalik na siya hindi bilang isang empleyado kung ‘di ang bagong CEO ng kompanya.Agad siyang sinalubong ng secretary ng kanyang ama at iginiya papunta sa conference room kung saan naghihintay ang iba pang share holder ng kompanya. Pagdating sa entrance ay pinagbukas sila ng mga security guards ng pinto. Agad namang tumahimik ang mga tao sa loob nang makita siya.
Ipinatong niya lang ang bag sa mahabang mesa at nanatiling nakatayo sa harapan ng mga share holders ng kompanya kaya namayani ang bulongan.
“Hindi ba't ‘yan iyong spoiled brat na anak ng Chairman Go?”
“Ano naman maitutulong niyan sa kompanya ng kanyang ama?” bulongan ng matatanda sa kompanya at pinasadahan pa siya ng tingin simula ulo hanggang paa.
“Good morning, my name is Ellaine Go. Daughter of Chairman Go, the owner of this company. I know many of you disagree with me sitting as a CEO of this company. You don't have to welcome me and I don't ask for your respect either. Let's just help out to grow the company in this coming months. Nice meeting you all. Goodluck and do your job, that's all.” Kinuha niya na ulit ang bag at iniwan na ang mga ito. Sumunod naman sa kanya ang secretary at itinuro ang magiging opisina niya.
“Okay ka lang ba, hija?” tanong nito nang pumasok sila sa opisina niya.
“They don't like me, pero okay lang po,” sagot niya at naupo na sa swivel chair.
“Pagbutihin mo na lang para hindi ma-disappoint si Chairman, nandito lang ako para i-guide ka.” Tumango lang siya.
“Aalis na ako, tumawag ka na lang kapag may mga tanong at kailangan ka.” Paalam nito bago lumabas.
Namayani ang katahimikan sa loob ng kanyang opisina kaya tumayo siya at hinila ang blinds na tumatakip sa glass wall. Nang maitaas iyon ay tanaw na tanaw niya ang buong view sa labas.
Iginala niya ang tingin at nahagip ng mga mata ang malaking billboard ni Tristan kaya napasimangot siya.
“Hanggang dito ba naman, hindi mo ako tatantanan?”
Sigaw ng kanyang utak at naalala na naman ang nangyari kaninang umaga sa restaurant. Paulit-ulit na naman sa utak niya ang sinabi ni Tristan.
Kinuha niya ang phone sa bag at tinawagan ang lawyer nila.
“Can you send me a divorce paper? Yes, here at my office, Thanks.” Matapos tumawag ay naupo na ulit siya sa swivel chair. Binuksan niya ang laptop at nagsimula nang magtrabaho.
It's already 1PM nang lumabas siya sa opisina at bumaba para maglunch.
“CAN I TALK TO MS.ELLAINE GO?” tanong niya sa babae sa information desk.
“May appointment po ba kayo sa kanya ngayon? Ano pong pangalan niyo?” tanong nito.
“I'm Louie Enrique, pakisabi na lang na gusto ko siyang makausap.” Tumango naman ang babae at itinaas ang telepono bago nagdial ng number.
“Hello, this is May from information desk, na sa opisina ba niya ngayon si Ms.Go?” ilang saglit lang ay ibinaba nito ang telepono at tumingin sa kanya.
“She just got out of the office for lunch, maupo na po muna kayo sa lobby tatawagin ko po kayo mamaya.” Tumango naman siya at nagpasalamat bago naupo sa couch sa lobby ng kompanya.
Naalala niya na naman ang malagim na nangyari noon sa kanila ni Ellaine sa lugar na ito, dito namiligro ang kanilang buhay sa kamay ni Ma-ri. Nagpapasalamat pa rin siya dahil nakaligtas silang dalawa ni Ellaine pero nakalulungkot lang na hindi nakaligtas ang baby nito.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...