C H A P T E R 7

1.9K 50 3
                                    


Kumikirot ang ulo ni Louie nang magising, bahagya siyang gumalaw nang makarinig nang lagaslas ng tubig. Nang imulat niya ang mga mata ay nakalulula sa laki ang tumambad sa kanyang kuwarto. Maaliwalas at magaganda ang mga gamit, maging ang hinihigaan niyang kama ay napakalaki.

Napabalikwas siya nang bangon nang mapansing wala siyang saplot. Biglang kumirot ang sentido niya kaya nasapo ang ulo at napapikit sa sobrang sakit.

Nasaan ako? Nasaan si Ma-ri? Anong ginagawa ko rito?

Nang marinig niyang nagbukas ang pinto sa comfort room ay nag-angat siya nang tingin. Hinablot niya kaagad ang kumot at itinabing sa hubad niyang katawan dahil may lalaking lumabas galing sa banyo.

Nakatapis lang ito ng tuwalya hanggang baywang at basang-basa pa ang katawan habang tumutulo pa ang tubig galing sa basa nitong buhok. Hindi niya man aminin ay bigla siyang namula nang magtama ang mga mata nilang dalawa, mukha itong modelo dahil sa katangkaran.

Napaka-guwapo nito at maputi, may mga tattoo ito sa katawan pero nakadagdag iyon sa sex appeal nito.

“Finally, you're awake. Do you want breakfast or do you want to take a bath before we go outside?” presko nitong tanong sabay ngiti.

“Sino ka?” sa wakas ay tanong niya.

“I'm Zane, you're drunk alone last night sa clu-”

“Bakit nakahubad ako?!” hindi niya na napigilan ang galit.

“Calm down, I also don’t know what happened to us last night.”

“Ano? Dinala mo ko rito tapos hindi mo alam kung anong nangyari? Gago ka ba?” ibinalot niya ang kumot sa sarili at bumaba na sa kama para hanapin ang saplot.

“Calm down, and don't accuse me. I know hindi mo rin ako pakikinggan kung mag-i-explain pa ako sa ‘yo but I don't have idea why we are both naked.” Paliwanag nito pero umiling siya.

“Tigilan mo nga ako sa kaka-english mo!” galit niyang singga rito at inayos ang sarili matapos magbihis.

“Why? Is there a problem with that? Where are you going?” kunot-noo nitong tanong.

“Wala kang pake bye!” patakbo siyang humakbang papunta sa pinto dahil naalibadbaran sa hubad nitong katawan.

“Wait!” sigaw nito pero binuksan niya na ang pinto at lumabas na.

“Your bag, Miss!”

Nilingon niya ito pero natigilan din nang napansing nakasandal si Tristan sa wall habang nakatingin sa kanila ng lalaki. Para siyang nanigas sa kinatatayuan at nanlamig ang buong katawan, kita niya ang pag-igting ng panga nito habang matalim na nakatingin sa kanya.

“Hey, your bag Miss!”

Natigilan din ang lalaki nang makita si Tristan. Isang matalim muna na tingin ang ipinulol nito sa kanila bago umalis sa pagkakasandal at walang imik siyang tinalikuran.

“Tristan!” tawag niya pero hindi siya nito nilingon.

“Who's Tristan?” tanong ng lalaking kasama niya sa Hotel pero hinablot niya lang ang bag at nagmamadaling hinabol si Tristan sa mahabang hallway ng Hotel.

Naabutan niya sa parking lot ang paalis nitong sasakyan kaya agad siyang lumabas ng Hotel at nagpara ng taxi, hindi niya alam kung saan papunta si Tristan kaya tinawagan niya ito pero hindi ito sumasagot.

Matapos ang ilang oras ay na sa tapat na siya ng rest house na inuuwian ni Tristan, binuksan niya ang gate at sunod-sunod na kinatok ang pinto.  Nang magbukas iyon ay natigilan siya dahil hindi si Tristan ang kaharap niya kung ‘di ang fan nito na palagi niyang na-e-encounter.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon