"Ano nang pinaggagawa ng gago mong asawa matapos masira ang career niya?" tanong sa kanya ni Wein habang na sa coffee shop silang dalawa.Isang taon na ang nakalilipas simula nang kumalat sa media ang tungkol sa kanila ni Tristan, at walang nagawa ang management nito kung 'di patalsikin ito sa grupo kaya napilitan na rin siyang humanap ng trabaho. Mabuti na lang at tinanggap siya ng may-ari na ngayon ng dating kompanya nila noon bilang office staff.
"Pagod na ako, Wein. Mas lalong lumalala si Tristan ngayon," reklamo niya at ininum ang kape sa tasa.
"Tapos? Wala kang magawa kasi mahal mo?" sabat nito sabay ismid sa kanya. "Ano ka ba naman Ellaine, kung ako sa 'yo iwan mo na ang walang kuwentang lalaking 'yan. Tutal kaya mo nang buhayin ang sarili mo ngayon, huwag ka ngang magpakamartir!"
"Hindi 'yon ganoon kadali, Wein. Asawa ko si Tristan," sabat niya.
"E siya ba? Anong tingin niya sa iyo? Asawa rin ba o alila?" natahimik naman siya at hindi na sinagot si Wein.
Matapos magkape ay nagkayayaan na rin silang umuwi. Wala si Tristan pagdating niya sa apartment nila kaya nagbihis na siya at isinalang sa washing machine ang uniform bago nagprepare ng hapunan.
Apartment na ngayon ang tinutuloyan nila ni Tristan dahil binenta na nito ang dating rest house.
Matapos magluto ay kumain na rin siyang mag-isa pero nabulabog siya nang may sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas kaya lumabas siya para buksan ang gate. Pumasok ang sasakyan ni Tristan at nakita niyang lumabas si Ma-ri, binuksan nito ang kabilang pinto at inakay si Tristan papunta sa loob ng apartment. Lasing na lasing na naman ito kaya napabuntong hininga siya at isinara ulit ang gate bago sumunod sa mga ito.
"Can you get me a face towel and warm water? He's drunk," utos ni Ma-ri, wala naman siyang nagawa kung 'di sumunod na lang. Bumalik siya dala ang mga kailangan ni Ma-ri kaya agad nitong hinubaran at pinunasan ang nakahigang si Tristan sa mahabang sofa.
"Hindi ka pa ba aalis? Ako na ang gagawa niyan," nakasimangot niyang sabi.
"No, ako na. Isa pa, Tristan will look for me kapag nagising siya." Sabat nito.
"Really? Ano ba'ng mayroon sa inyong dalawa ng asawa ko? Why are you so concerned about Tristan?" iritado niyang tanong kay Ma-ri pero tumayo ito at mataray siyang hinarap.
"We're friends kaya natural lang na mag-alala ako sa kanya. Saka isa pa, it's all your fault why his career was ruined. Wala kang alam sa mga pinagdaraanan niya, you ruined it all! Louie left him because of you! Tingin mo ba mahal ka ni Tristan? No! Hinihintay lang niyang ikaw mismo ang sumuko pero sadyang makapal lang talaga ang mukh-" dumapo na ang palad niya sa pisngi ni Ma-ri dahil sa sobrang galit.
"Shut up! You're just Tristan's friend kaya huwag mong masyadong kapalan 'yang pagmumukha mo! I'm his wife and you still don't have the right to tell me that!" sumbat niya.
"Ellaine! Tama na nga 'yan!" parehas silang napalingon ni Ma-ri nang bumangon si Tristan. Matalim itong nakatingin sa kanya at tumayo. Malakas siya nitong naitulak bago hinawakan ang kamay ni Ma-ri.
"I'll take you home," sambit ni Tristan at isinuot ulit ang damit nito.
"Tristan, you're drunk. Saka iniwan ko ang kotse ko sa bar para maihatid ka rito," maarteng sabi ni Ma-ri.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...