C H A P T E R 19

2.5K 60 1
                                    


Habang inaayos ang mga gamit sa condo ay may sunod-sunod na nagdoor bell, iniwan niya saglit ang ginagawa at binuksan ang pinto.

“Surprise!” masayang bati nina Jihun at Wein, sumalubong sa kanya ang sumabog na confettis kaya hindi na rin napigilang mapangiti.

“Buti naman at dumating kayo, kanina ko pa kayo hinihintay. Come in.. and help me to fix my things.” Ani niya sabay talikod at dumeretso sa malalaking box.

“Hoy Ellaine, namiss ka namin kaya kami nagpunta rito, hindi para maging alalay mo huh!?” mataray na sumbat ni Wein. “Saka bakit ba nagcondo ka pa e may bahay naman kayo?”

“Hay naku Wein, lagi ka na lang ganyan. Para kang imbestigador, ang dami mo laging tanong! Can you please help me na lang? Hinihintay pa kasi namin si Dad to comeback before we fix our old house!” paliwanag niya habang si Jihun naman ay natatawa na lang sa kanilang dalawa ni Wein.

“At pagkatapos natin? Anong balak mo para sa welcome party mo?” pangungulit ni Wein.

“Kailangan ko ba magpa-party? Sorry huh, pero I want to rest after this.” Tanggi niya at binuksan ang isang kahon para ilabas ang mga bagong biling gamit.

“Oo nga naman, Wein. She needs to rest, marami pa naman time para d'yan saka dito na ulit siya mag-i-stay.” Sabat ni Jihun at tumulong na rin ilabas ang ibang mga gamit.

“Isa ka pa! Palagi naman kayong tama. Ano pa ang saysay nang pagkakaibigan natin kung palagi niyo akong kinu-kontra?” napahalukipkip si Wein at naupo sa sofa sabay ismid sa kanilang dalawa.

“Sige na, tumayo ka na r'yan para matapos na tayo at makapag-club na tayo mamaya. Naku, when Dad finds out we went to a club, I will blame you, Wein!” Pangu-ngonsensya niya sa kaibigan, ngumiti naman ito at agad na tumayo.

“Wala naman siyang magagawa, saka ako na ang bahala kay tito.” Sagot ni Wein at tumulong na rin sa pag-aayos ng mga gamit. Tinulongan siya ng mga ito sa pagbuhat nang mabibigat na gamit at pagkatapos ayusin ang condo ay naligo na siya habang naghihintay sa living room ang mga kaibigan.

Matapos magbihis ay binalikan niya ang dalawa na nanunood na ng TV kaya natigilan siya nang makita si Tristan na ini-interview sa isang talk show. Kinuha niya agad ang remote at inilipat sa ibang channel ang pinanunuod ng dalawa.

“Magcartoons na lang kayo, ayaw kong masira ang araw ko.” Inis niyang sabi.

“Excuse me, hindi kami bata para panuorin mo ng cartoons! Palibhasa affected ka na naman sa ex mo!” Parinig ni Wein.

“Let's go, I thought we were leaving? I'm hungry nagbooked na ako ng restaurant.” Tumayo naman ang dalawa at sumunod na sa kanya palabas.

HAPPY BIRTHDAY, LOUIE!” bati niya at ibinigay ang regalo sa dating kasintahan.

“Thank you, Tristan!”

“Salamat sa pagpunta, dude.” Bati ng boyfriend ni Louie.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ang makakatuloyan ni Louie ay ang lalaking nakita niyang kasama nito noon sa Hotel.

Nakipagkamay sa kanya ang boyfriend nito bago siya niyayang pumasok sa isang VIP room sa 5 star restaurant na iyon. Nadatnan niya sa loob ang pamilya ni Louie kaya agad siyang nagbigay galang sa mga ito at masayang nakipag-usap sa kanya.

Sa totoo lang, namiss niya rin ang mga magulang ni Louie, at ngayon lang ulit siya nabigyan nang pagkakataong makasama ulit ang mga ito. Nakatutuwa lang na hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya gaya noong sila pa ni Louie. Ramdam niya pa rin ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon