C H A P T E R 15

2.5K 51 3
                                    


Hinawakan ni Tristn sa tigkabilang balikat si Ma-ri bago ito itinulak palayo sa kanya.

“Huwag mong gawin 'to. If you want us to talk, get out of here. Hintayin mo ako sa Maynila at huwag mong sirain ang masayang pagsasama namin ng asawa ko. Ikaw na rin nagsabi hindi ba? Susundin mo lahat ng gusto ko?” mahina niyang sabi.

“Fine, I'm leaving tonight but I'll wait for you. I want us to talk, Tristan. Please naman, nahihirapan at nasasaktan na ako sa mga pinapakita mo sa akin,” kumawala na ang luha sa mga mata nito kaya napabuntong hininga siya.

“Sorry, pero kasama ko si Ellaine at ayaw kong masaktan ang asawa ko. Mag-iingat ka sa pagmamaneho at hintayin mo akong bumalik,” sambit niya pero kinuha ni Ma-ri ang kamay niya at dinala sa pisngi nito.

“I won't let you leave, Tristan, mababaliw ako kapag ginawa mo 'yon.” Pagmamakaawa nito.

“Sige na, mauna na ako. Mag-ingat ka na lang,” kinuha niya ang pagkain ni Ellaine pero naramdaman niyang yumakap ulit sa likuran niya si Ma-ri.

“I love you, Tristan.” Sambit nito at mas hinigpitan pa ang yakap.

“Stop it, baka may makakita sa atin.” Giit niya.

“Ano ba‘ng kinatatakot mo? We used to be like this, hindi ba?” kumawala naman siya saka hinarap si Ma-ri.

“Umuwi ka na, please lang. Saka na tayo mag-usap,” taboy niya bago lumabas sa kusina at nagmadali nang umakyat sa itaas para balikan si Ellaine.

“Ba't naman ang tagal mo? Inaantok na ako,” bungad sa kanya ni Ellaine pagpasok niya sa kuwarto, binuksan niya ang ilaw at inilapag ang pagkain sa side table.

“Kumain ka na muna bago matulog,” naupo siya sa tabi nito at kinuha ang t-shirt niya. Pasimple niyang pinunasan ang labi at matamang pinagmasdan si Ellaine dahil nagsisimula na itong kumain.

Ayaw siyang tantanan nang konsensya dahil sa paglalapat ng labi nila ni Ma-ri kanina, at nagpapasalamat siya dahil nakinig ito sa kanya. Ilang saglit pa at narinig nila ang makina ng kotse nito sa labas kaya nagkatinginan sila ni Ellaine.

“Si Ma-ri ba 'yon? Saan siya pupunta?”

“I don't know, let's leave her alone.” Walang gana niyang sagot at nahiga na sa likuran ni Ellaine habang ito naman ay nakaupo at panay ang kain.

“Bilisan mo nang kumain at humiga ka na ulit sa tabi ko.”

“WALA NA PALA SI MA-RI, hindi man lang nagpaalam na uuwi pala siya.” Narinig ni Ellaine agad ang boses ng biyenang babae habang pababa sa hagdan.

“Sumama ka sa amin ni Ellaine, Ma. Pupunta tayo sa bayan pagkatapos mag-almusal,” sabat ni Tristan kaya dumeretso na rin siya sa kusina kung nasaan ang mga ito.

“Good morning, magbreakfast ka na. May pupuntahan tayo,” agad na sabi ni Tristan kaya tumango siya bago tumingin sa biyenan.

“Happy birthday po, Mama.” Nahihiya niyang sabi bago naupo sa tabi ni Tristan.

“Salamat,” tipid itong ngumiti at bumaling ulit kay Tristan.

“Ano bang gagawin natin sa bayan?” tanong nito.

“Mamalengke tayo para sa ihahanda ninyo mamaya,” sagot ni Tristan.

Matapos mag-almusal ay naligo lang sila at nagbihis, pagkatapos ay lumabas na rin ng bahay.

“Trisha! Ang tagal mo naman, tatanghaliin tayo!” sigaw ng ina ni Tristan, inakbayan naman siya ng kanyang asawa at nauna na silang naglakad papunta sa kotse.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon