"Congratulation, Tristan!" bati ng mga tao sa loob ng conference room kaya todo rin ang pasasalamat niya sa mga ito matapos ang meeting.Nang lumabas siya roon ay sumabay ang personal assistant at ang mga body guards. Katatapos niya lang pumirma nang panibagong kontrata ngayong taon, at masasabi niyang nakamit niya na talaga ang tagumpay.
“Mayroon pa ba akong ibang appointment ngayong araw?” tanong niya sa P.A.
“Wala naman po pero schedule niyo ngayon sa Gym,”
“Paki-cancel na muna,” putol niya.
“Okay, pero saan ho ba kayo pupunta?” pangungulit ng P.A habang naglalakad silang lahat sa hallway palabas ng Entertainment company.
“May importante akong lakad, akin na susi ng sasakyan,”
“Pero sir Tristan, hindi ka puwedeng magmaneho mag-isa!” nag-aalala nitong sabi.
“Ano ka ba, kaya ko ang sarili ko!” natatawa niyang sabi, agad naman nitong ibinigay ang susi kaya nauna na siya sa paglalakad papunta sa parking lot.
“Huwag niyo na akong sundan, hindi ako gagawa nang gulo.” Pahabol niya sa mga ito bago sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palayo.
Nang may madaanang flower shop ay bumili siya ng isang bouquet ng white roses, at pagkatapos ay nagmadaling bumalik sa kotse dala ang mga bulaklak. Bumiyahe siya nang mahigit dalawang oras hanggang sa makarating sa tabing dagat, hininto niya ang kotse sa tabi ng highway at bumaba dala ang bulaklak.
Agad siyang sinalubong nang malakas na hangin pero patuloy siya sa paglalakad papunta sa pinakatabi ng dagat at isa-isang hinagis ang mga rosas hanggang sa maubos ito bago naupo sa malapad na bato at tanaw ang malawak na karagatan.
“You don't know how much I miss you, I have achieved all of my dreams pero para saan pa ang lahat nang ito kung sa araw-araw na nagigising ako palaging may kulang sa buhay ko? At kayo iyon ng mommy mo anak,” nagsimula na namang mangilid ang luha niya dahil sa pangungulila sa dalawang mahal sa buhay.
“Patawarin niyo ako sa lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko, alam kong masaya na kayo kung nasaan man kayo ngayon.” Umiiyak niyang sambit dahil hindi na napigilan pa ang matinding lungkot. Biglang humampas kanya ang malakas na hangin kaya bumalot ang lamig sa kanyang katawan.
Sa puntong iyon ay mas lalo siyang naging emosyonal dahil ramdam niyang na sa tabi lang niya ang kanyang mag-ina. Matagal siyang nakaupo roon hanggang sa mapanatag na ang loob at magpasyang tumayo para lisanin ang lugar kung saan malayang nailalabas ang mga nararamdaman.
Habang nagmamaneho ay tumawag sa kanya si Louie kaya dumeretso siya kung nasaan ito ngayon. Dumeretso siya sa isang women’s rehabilitation center. Pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa malawak na front yard ay nakita niya na agad si Louie. Agad siya nitong sinenyasan kaya pagbaba niya ay lumapit ito sa kanya.
Hinabilin muna nito sa isang staff ang pasyente bago sila naupo sa isang bench.
“Kumusta ka na?” tanong nito sa kanya.
“Eto, Im still trying to stand up and enjoy myself at work. Ikaw? Bakit kailangan mong manatili sa lugar na ‘to? Sa totoo lang, alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong pumunta sa lugar na 'to. Ngayon lang dahil nahihiya na akong tanggihan ka pa,” paliwanag niya.
“I understand you, pero ayaw mo ba talaga siyang makita?” napatiim naman siya sabay iling.
“Kahit matagal na panahon nang nangyari 'yon, I still can't forgive her. Nawala ang dalawang mahal ko sa buhay nang dahil sa kanya at hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. Pinagsisisihan ko buong buhay ko na nakilala ko siya. Sorry, Louie, but I'm not as kind as you.” Masama ang loob niya at hindi pa rin mapigilan ang galit kay Ma-ri.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...