C H A P T E R 22

2.4K 49 0
                                    


"Bitiwan mo ako!" singga ni Ellaine kaya walang nagawa si Tristan kung 'di bumitaw. Agad naman itong inalalayan ni Jihun at ni Kai para makaakyat sa pool.

"Ellaine, okay ka lang ba? Gosh, nagulat ako!" nag-aalalang sabi ni Louie kaya umahon na rin siya sa pool.

"Are you okay?" sabay pang tanong ni Jihun at ni Kai. Lumapit naman ang isang staff sa private resort at inabot ang bath robe kay Ellaine.

"I'm okay, salamat sa inyo." Sagot ni Ellaine bago isinuot ang robe.

"Paano 'yan, basang-basa ka?" nag-aalala rin tanong ni Jihun.

"May mga extra akong damit, let's go sasamahan kita sa kuwarto." Yaya ni Louie pero umiling si Ellaine.

"I'm okay, saka isa pa nakakahiya. This is your wedding, uuwi na rin kami ni Jihun."

"Pero hindi ka puwedeng umuwi ng ganyan, ako na lang ang sasama sa 'yo sa room ni Louie," presinta ni Jihun kaya nagpanic siya.

"No, ako na. I'm her husband at ako dapat ang mag-asikaso sa kanya," napatingin naman ang lahat sa kanya, lalo na si Kai na nakakunot-noo pa.

"Excuse me, ex-husband. Saka huwag ka na mag-abala pa Tristan. Kaya ko na ang sarili ko," sarkastikong sabat ni Ellaine sabay ismid kaya inis niya itong nilapitan.

"What's wrong with you?!" hindi niya na napigilan ang sariling patulan ito kahit pa kaharap sina Louie.

"What's wrong with me? Ayaw mong pirmahan ang divorce paper, that's it! Mahirap bang gawin 'yon?!" sumbat ni Ellaine kaya pumagitna na sa kanila si Jihun.

"Let's stop this, kasal ngayon ni Louie. Huwag ninyong sirain, huwag kayong mag-away dito." Hindi niya pinansin si Jihun at lumapit ulit kay Ellaine kahit pinipigilan siya ng kaibigan nito.

"Do you want to know why I don't sign that fucking divorce paper? Because you're so obvious! Atat na atat ka para malaya ka nang gawin ang lahat ng gusto mo!" sumbat niya at wala na siyang pakealam sa mga tao sa paligid nila.

"Sino bang may ayaw kumawala sa babaerong kagaya mo?!" ganti ni Ellaine na lalo niyang ikinainis.

"Babaero? Ako?!"

"Oo! Alangan naman si Jihun e ikaw ang may mga kausap na babae kanina! Kitang-kita na!" parang batang sagot ni Ellaine, hindi nakaligtas sa kanya ang palihim na pagtawa ni Kai.

"Why? Are you jealous?" tanong niya.

"No?! Kahit syotain mo pa lahat ng babae sa mundo wala akong pakealam!"

"Iyon naman pala Ms. Go, can we talk now in private?" kalmado na niyang tanong. Deretsa naman itong tumingin sa kanya.

"Fine! I hope this is the last time na magkaka-encounter tayo!" inis nitong sabi kaya tumango siya. Nagpaalam sila kina Louie at pumasok sa up and down rest house.

Parehas silang tahimik ni Ellaine nang pumasok sa isang bakanteng kuwarto, nilingon siya nito kaya nagkatitigan silang dalawa.

"I'm sorry," sambit niya.

"I'm really sorry for what I did, It's all my fault kaya galit na galit ka sa akin. Nawala ang baby natin dahil sa akin at marami pa akong pagkakamaling nagawa sa buhay mo. I'm really sorry Ellaine, alam kong hindi mo na rin ako bibigyan pa ng chance na bumalik sa iyo." Iniwas niya ang tingin at napayuko para itago ang nangingilid na luha.

"Pero sa totoo lang, nawawala ang lungkot at pangungulila ko sa inyo ng anak natin everytime I see you. Kahit pa sinusuka at pinagtatabuyan mo na ako, wala akong magawa Ellaine, kasi ikaw na lang ang lakas ko. Thank you for giving me a chance to talk to you like this, don't worry this is the last. This time, totoong pipirmahan ko na ang divorce paper para sa ikatatahimik mo." Tuloyan nang kumawala ang luha sa mata niya.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon