Napaka-agrisibo ng mga halik at haplos ni Tristan kay Louie, halos malunod na siya at hindi makahinga kaya itinulak niya ito.“What's wrong? May problema ba?” nagtataka nitong tanong kaya inayos niya ang sarili.
“Ihatid mo na ako, gusto ko nang magpahinga,” iritado niyang sagot, gusto niyang magwala dahil alam niyang sa mga oras na ito ay may nagmamasid na naman sa kanila at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga nang maayos.
“May problema ka ba? Kanina pa kita napapansin, Louie. Are you hiding something from me?” tanong ni Tristan.
“W-wala, pabayaan mo na muna ako at magfocus ka na lang muna sa trabaho mo. Pagod lang ako Tristan,” malungkot niyang sabi at nag-iwas na nang tingin. Narinig niya naman ang pagbuntong hininga nito bago paandarin muli ang sasakyan.
Wala silang imikan hanggang sa itigil nito ang sasakyan sa tapat ng apartment na tinutuloyan niya.
“Goodnight, magpahinga ka na rin.” Sambit niya pero hindi man lang siya nito tiningnan at nang makababa siya sa sasakyan ay agad din nitong pinaandar ang sasakyan palayo.
Pagpasok niya sa gate ay tumunog ang phone niya, bigla na naman siyang kinabahan nang rumehistro sa screen ang unknown number na nanggugulo sa kanya.
“‘Yan, ganyan nga Louie. Iwasan mo na si Tristan, HAHAHA. Goodnight Louie, behave dahil nandito lang ako sa paligid habang nagmamasid sa mga kilos mo.”
Nanginig na naman sa takot ang buong katawan niya kaya agad niyang isinara ang gate at kinuha ang susi sa bag para buksan ang pinto ng apartment.
Nang makapasok siya ay di-nouble locked niya ang pinto at nanghihinang umupo sa sofa habang masama ang loob. Bumalong na rin ang luha sa mga mata niya dahil sa halo-halong emosyon.
NILAMON na nang liwanag ang buong kuwarto nang imulat ni Ellaine ang mga mata, napakatahimik at huni lang ng mga ibon sa labas ang naririnig niya.
Bumangon siya at agad na lumabas ng kuwarto, humakbang siya sa tapat ng nakasaradong pinto sa tabi ng kuwarto niya at pinihit ang door knob. Marahan siyang sumilip sa kuwarto ni Tristan, ni anino nito ay wala roon. Tatlong araw na, pero hindi pa rin ito bumabalik.
Tuloyan siyang pumasok sa loob ng kuwarto at iginala ang tingin sa loob.
Napakaliwalas ng kuwarto ni Tristan, magkahalong white at black ang mga gamit. Sa tapat ng headboard ng kama nito sa itaas ay ang malaki nitong picture frame. Mayroong halaman sa gilid ng sliding door papunta sa terrace, naupo siya sa malambot na kama at humiga habang nakatingin sa kisame at iniisip ang guwapong mukha ni Tristan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang asawa niya na ito at nakatira sila sa iisang bubong.
Hinila niya ang malambot na unan at in-imagine niyang si Tristan iyon dahil naiwan roon ang amoy ng asawa niya. She hugged the pillow and closed her eyes habang pilit na ini-imagine ang mukha Tristan. Ibinaba raw nito ang mukha at hinalikan siya kaya mariin siyang napayakap dito sa imahinasyon.
Masarap daw ang mga halik sa kanya ni Tristan at ang maiinit nitong palad na humahaplos sa katawan niya ay lalong nagpapainit sa nararamdaman niya.
“Tristan..” usal niya habang parang hibang na nangangarap pero napamulat din siya nang sunod-sunod na busina ng sasakyan ang bumulabog sa kanya. Agad siyang napabalikwas nang bangon at inayos ang kama nito pagkatapos ay inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto.
Agad niyang pinagbukas ng gate si Tristan, kaya ipinasok na nito ang sasakyan.
“Wala kang rehearsal ngayon? Namiss kita, kumain ka na ba?” masaya niyang salubong nang makababa ito sa sasakyan pero hinagis lang nito sa kanya ang jacket at naglakad na papasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
De TodoEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...