C H A P T E R 6

2K 50 0
                                    


“Sandali nga! I think I really know you. You're the make-up artist in Tristan's group right?” tanong kay Louie ng fan ni Tristan na nakatabi niya kanina sa VIP seats. Bigla na lang itong sumulpot sa comfort room para komprontahin siya kaya inis niya itong hinarap.

“Puwede ba? Tantanan mo na ako! Hindi ako ‘yong tinutukoy mo, excuse me!” mataray niyang sagot at nilampasan ito pero napatigil siya nang pigilan siya nito sa braso.

“I'm really sure na ikaw ‘yon kaya huwag mo nang itanggi! Ilang beses na kitang nakitang kasama ng mga staffs kapag may mga events ang grupo nina Tristan! So what are you doing here?” pamimilit nito kaya buong lakas niyang i-winaksi ang braso para makabitaw ito dahil pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao sa loob ng comfort room.

“Wala kang pakealam! Bakit ba inaalam mo pa kung sino ako? Ikaw? sino ka rin ba?” tanong niya pero umayos ito ng tayo at sarkastikong ngumiti sa kanya.

“Hindi mo ako kilala sa ngayon, pero malalaman mo rin kung sino ba talaga ako sa buhay ni Tristan.” Mataray nitong sagot kaya napakunot-noo siya.

Sa totoo lang, kilala niya naman talaga ito. Sino bang hindi makakakilala sa kaisa-isang VIP na pinaunlakan ni Tristan makasama sa birthday nito at anak ng ma-impluwensiyang tao?

“Huwag mo rin akong pakealaman dahil hindi mo rin ako kilala. At isa pa, mas lalong hindi mo gugustohin kapag nalaman mo kung sino ako sa buhay ng idolo mo!” ganti niya kaya ito naman ang bahagyang natigilan. “Isa ka lang namang fan na pinapangarap si Tristan, kung wala ka nang sasabihin aalis na ako.” Nang hindi pa rin ito makakilos ay nilampasan niya na ito at lumabas na sa comfort room.

Saka niya pa lang naramdaman ang panginginig ng tuhod, hindi niya alam pero natatakot rin siya sa babaeng ‘yon. Dumeretso na siya sa labas at pumara ng taxi, sakto namang tumatawag si Ma-ri kaya kahit medyo labag sa kaloobang sagutin iyon ay sinagot niya pa rin.

“You know what's your responsibility, right? Pero hindi ka man lang nagpaalam na hindi ka sisipot sa team! Sabihin mo nga, gusto mo ba ‘tong pinasok mong trabaho o hindi?!" panenermon nito sa kabilang linya pero mas pinili niya na lang na manahimik.

“Sumagot ka, Louie! I know naririnig mo ‘ko! Bakit hindi ka sumipot kanina? Nagmeeting tayo, ang ganda nang pakiusap ko sa inyo! But you're the only one who didn't show up!” nagwawala nitong sigaw kaya napapakagat labi na lang siya. Alam niya namang mangyayari talaga ito.

“Sorry, h-hindi na mauulit.” Sambit niya habang pinipigilang pumatak ang nangingilid na luha.

“Dapat lang! Because you'll know what happens kapag inulit mo pa ‘to! I'll make sure you lose this job, Louie.” Narinig niya na lang na nag-end na ang phone call habang paulit-ulit sa utak niya ang huling katagang sinabi ni Ma-ri.

Napasandal na lang siya at pinahid agad ang nangilid na luha nang tumunog ulit ang phone. Nang mabasa ang text message na galing sa unknown number ay gusto niya na lang itapon ang phone sa labas ng bintana ng taxi. Mahigpit niya iyong hinawakan at napasubsob sa palad dahil hindi na rin mapigilan ang luha.

Nang tumunog ulit ang phone at makita sa screen kung sinong tumatawag ay para siyang nabuhayan ng loob kaya agad niya iyong sinagot.

“Magkita tayo, I want to spend the night with you, Louie.” Sabi ni Tristan sa kabilang linya.

HININTO niya ang kotse sa tabi ng madilim na park, at pinatay ang ilaw bago hinawakan ang kamay ni Louie.

“Ayaw mo pa bang magpahinga? Alam kong pagod ka sa concert,” sambit ni Louie, at ang sarap sa pandinig nang malambing nitong boses.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon