Napabalikwas si Tristan nang bangon nang marinig na may sumipa sa pintuan at pumasok ang mga reporters sa loob ng kuwarto. Hinila niya ang kumot because he realized he was naked, and saw Ellaine beside him.
Ellaine was also naked at mahimbing pang natutulog. Biglang sumakit ang ulo niya sa nagkikislapang camera sa loob ng kuwarto kaya napatungo siya habang nagugulohan kung ano ba talagang nangyari.
“Paano niyo po ipaliliwanag sa amin kung anong mayroon sa inyo ni Ms.Ellaine?”
“Siya ba ang girlfriend mo?”
“Wala namang mangyayaring ganito kung wala kayong relasyon hindi po ba?” sunod-sunod na tanong ng mga reporters. Nakita niya rin si Ellaine, napabalikas ito ng bangon at nagtakip din ng katawan.
“Anong nangyayari? Bakit magkasama tayo rito? Why are we both naked?” sunod-sunod rin tanong ni Ellaine kaya napatiim siya.
“Damn it! Umalis na kayo!” bulyaw niya sa mga reporters dahil nagdidilim ang paningin niya. Nakita niyang pumasok ang baklang kaibigan ni Ellaine at ang bodyguards para paalisin ang mga reporters.
Nagsialis naman ang mga ito kaya matalim niyang tiningnan si Ellaine.
“You meant it to happen, didn't you?” sarkastiko niyang tanong.
“What?”
“Sinadya mong lasingin ako! Ano ba’ng gusto mo? Bakit kailangan mong gawin ang bagay na 'to?!” nanggagalaiti niyang tanong bago tumayo para magbihis.
“Wala rin akong alam, Tristan..” sagot ni Ellaine at tumayo na rin.
“Tingin mo maniniwala ako sa 'yo?” matapos magbihis ay lumabas na rin siya agad sa kuwarto pero natigilan siya nang makita ang baklang kaibigan ni Ellaine na kausap ang mga reporters.
“Naipasa niyo na ba sa phone ko lahat? i-delete niyo na ‘yan ha, send ko na lang sa inyo ang bayad, okay? Basta wala munang lalabas sa media hangga't wala akong sinasabi.” Narinig pa niyang bilin nito sa mga reporters. Umigting ang panga niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
“Tristan, sandali!” tawag ni Ellaine pero dire-deretso siyang naglakad na parang hindi ito naririnig.
“Tristan, makinig ka muna!” nang maabutan siya ay hinawakan siya nito sa braso. “Sorry..” sambit nito kaya galit niyang hinarap si Ellaine.
“Sorry?! Ano pa’ng gagawin ko sa sorry mo? Alam mo, hindi ako tanga! Huwag mo akong gawing tanga, Ellaine!” sigaw niya sa pagmumukha nito. “Ito ba ang gusto mo? To ruin my life?”
“I'm not ruining your life, ginawa ko lang ito dahil mahal kita! Kahit fan lang ako, gagawin ko ang lahat makasama ka lang!” sagot nito kaya mariin siyang napapikit.
“Kung ipipilit mo ang gusto mo, I swear hindi ka rin magiging masaya sa akin. Nag-iisa lang ang babae sa buhay ko, kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon mo!”
“At sino ang babaeng 'yon, Tristan?! Hindi ako makapapayag na mapunta ka lang sa ibang babae!” lalong uminit ang ulo niya.
“Ano ba’ng pake' mo sa buhay ko?! This is my life, hindi ko hahayaang kontrolin ng isang fan ang buhay ko at lalong hindi mo ako hawak sa leeg!” halos sumabog na siya sa galit.
“Hindi ako basta fan lang, Tristan!” sumbat nito at lumalabas na rin ang pagiging spoiled brat.
“Shut up!” sigaw niya at binawi ang braso. Isang matalim na tingin pa ang ipinukol niya kay Ellaine bago tumalikod at tinawagan ang manager.
Nagcheck-in siya sa ibang kuwarto habang naghihintay, at hindi niya lubos maisip na magagawa ni Ellaine ang bagay na ito sa kanya. Isa lang ang nararamdaman niya sa mga oras na ito, pagkasuklam.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...