“Kumain ka nang marami Ellaine, para malusog ang apo ko paglabas. Mas makagaganda nga kung dito na lang muna kayo manatili habang nagbubuntis ka,” suhestiyon ng ama ni Tristan.
“Uuwi rin kami Pa, pagkatapos ng birthday ni Mama.” Kumuha siya ng manggang hinog at hiniwa iyon para ibigay kay Ellaine pero hindi ito kumibo at tahimik lang na kumakain.
“Bakit hindi mo ipasyal si Ellaine dito sa lugar, para naman makita ka ng mga tao at malaman nilang nag-asawa ka na talaga.” Sabat ng ina niya.
“Hindi puwede, baka mamaya mabati o manuno pa si Ellaine. Hindi siya sanay sa lugar na ito kaya mas maigi na iyong hanggang diyan lang sila sa bakuran.”
“Arte! Uso pa ba ‘yon sa panahon ngayon?”
Matapos mag-almusal ay tumayo na si Ellaine para magligpit pero pinigilan niya ito.
“Hayaan mong si Trisha na ang gumawa niyan,” hinila niya na ito palabas ng kusina at kinuha ang paper bag na may mga lamang damit nito.
“Saan ba tayo pupunta?” inosenteng tanong ni Ellaine nang paupuin niya ito sa sofa at isa-isang inilabas ang makukulay na bestida na binili nila ni Trisha kagabi.
“Maganda ‘di ba? Ako ang pumili nito.” Proud na proud niyang sabi, at sa tingin niya naman ay bagay talaga kay Ellaine ang mga iyon dahil maputi at makinis ito.
“Salamat,” walang gana nitong sabi at kinuha ang mga iyon.
“Gusto mo na bang maligo? Let's go, tutulongan na kita.” Kinuha niya ang kamay nito pero agad din iyong binawi ni Ellaine at saka tumingin sa kanya.
“Why are you doing this?” natigilan naman siya at parang napahiya sa naging reaksyon nito.
“W-wala, I just want to take care of you. Masama ba? I'm your husband and this is my responsibility.” Paliwanag niya.
“I don't need your help, I can take care of myself dahil nasanay na ako.” Sagot ni Ellaine at tumayo na, ibinaba nito ang mga bestida at aalis na sana pero agad siyang humarang sa daraanan nito.
“I know you‘re mad because of what I have done to you, but please... Give me a chance para i-prove sa iyong kaya kong magbago. Gusto kong magsimula ulit tayo, Ellaine. Don't treat me like this dahil nasasaktan ako,” paliwanag niya.
“Nasasaktan? How about me noong mga panahong dinudurog mo ako? Wala pa ‘to sa sakit na pinaranas mo, Tristan!” sumbat nito at umiwas sa kanya. “Excuse me, maliligo na ako.” Iyon lang at iniwan na siya nito kaya wala na siyang nagawa kung 'di kunin ang mga gamit na pinamili nila at dinala sa itaas.
Kumuha siya ng underwear, bestida at tuwalya bago bumaba ulit at kinatok ang pinto ng banyo para ibigay kay Ellaine ang mga iyon. Agad naman nitong binuksan ang pinto at kinuha ang mga gamit sabay sara ulit ng pinto kaya umakyat na lang siya sa kuwarto para hintayin ito roon.
Ilang segundo lang ay biglang tumunog ang phone niya, nakita niya sa screen ang pangalan ni Ma-ri kaya in-off niya ang phone at inilagay sa loob ng drawer. Gusto niyang magfocus kay Ellaine, gusto niyang bumawi at magbago para rito.
Naupo si Tristan sa kama at kinuha ang phone ni Ellaine na nakapatong sa side table, binuksan niya iyon at nakahinga nang maluwag nang walang lock ang phone kaya umayos siya ng puwesto at sumandal sa headboard ng kama. Tiningnan niya ang gallery nito, may mangilan-ngilang pictures doon pero ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang larawang kuha pa noong unang fansign event nila 5 years ago.
Ellaine was 14 years old that time, kaya hindi niya na napigilang mapangiti. Sinong mag-aakala na ang makulit na batang fan niya lang dati ay magiging asawa niya pala?
BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEllaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera dahil namuhay siyang lahat ng gusto ay nagiging kanya. Sa sobrang pagkabaliw sa lalaking ini-idolo ay nakagawa siya ng isang kalokohan sa pag...