C H A P T E R 12

2.4K 56 1
                                    


Napatayo sila ni Jihun nang lumabas ang Doctor mula sa loob ng silid kung saan ipinasok si Ellaine kanina.

“Sino ang asawa sa inyo ng pasyente?” tanong ng Doctor kaya agad siyang lumapit.

“Kumusta siya Doc?” nag-aalala niyang tanong.

“She's okay now, kailangan niya lang magpahinga ng ilang araw. Congrats nga pala, she is two months pregnant at magiging maselan ang pagbubuntis niya kaya kailangang mag-ingat lalo na sa pagkilos. Bawal rin sumama ang loob niya o mapagod, it will affect the baby.” Paliwanag ng Doctor at hindi niya alam kung anong magiging reaksyon.

“S-sigurado po ba kayo?” hindi niya makapaniwalang tanong.

“Yes, I checked here kaya siguradong buntis siya. Heto ang mga reseta at diyan na rin nakalagay ang susunod niyang check-up. Hintayin niyo na lang siya rito, inaasikaso pa siya sa loob at puwede niyo na rin siyang iuwi pagkatapos.” Iniwan na siya ng Doctor na nakatulala pa rin.

“I hope, you'll change your treatment kay Ellaine. Lalo na ngayong magkakaanak na kayo, take care of her pati na ang bata sa t'yan niya.” Narinig niyang pangaral ni Jihun kaya napalingon siya rito.

“Ano pa bang ginagawa mo rito, leave us alone!” sabat niya at hindi pa rin mapigilan ang galit.

“Kalma dude, kaibigan ako ng asawa mo kaya natural lang na mag-alala rin ako sa kanya. Kung sino man ang mas nakakakilala sa kanya, ako ‘yon dahil mga bata pa lang kami magkaibigan na kami ni Ellaine.”

Ilang saglit pa ay nagbukas na ang pinto, lumabas na si Ellaine na naka-wheel chair habang tulak ng nurse kaya nag-unahan silang dalawa ni Jihun sa paglapit kay Ellaine.

“Are you okay now?” tanong niya.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalala rin tanong ni Jihun. “Let's go, you need to rest.” Sabi nito at pupunta sana sa likuran ng wheelchair pero tinabig niya ito.

“Uuwi na kami, umuwi ka na rin.” Taboy niya.

“Pero mas makabubuti kay Ellaine kung sa condo ko siya magpapahinga.” Pamimilit ni Jihun.

“I‘m her husband, baka nakakalimutan mo? Ako dapat ang mag-alaga sa kanya at hindi ang ibang tao!” maawtoridad niyang sabat.

“Anong sabi mo? Mag-alaga? E puro sama nga ng loob binibigay mo sa kanya e!”

“Jihun, stop. Huwag na kayong magtalo rito. Just go home, I want to rest..” mahinang sabi ni Ellaine, napa-smirk naman siya bago itinulak ang wheelchair ni Ellaine sa mahabang hallway papunta sa parking lot ng Hospital.

Nang makarating doon ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at bubuhatin sana si Ellaine pero pinigilan siya nito at kahit hirap itong tumayo ay nakaya nitong sumakay mag-isa sa kotse kaya sumakay na rin siya at pinaandar na ang sasakyan paalis sa lugar.

Habang nagmamaneho ay napansin niyang nakatulala si Ellaine at tahimik lang na nakatingin sa daan. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito pero pakiramdam niya, hindi nito nagustohan ang nangyayari.

“Huwag ka na munang pumasok sa trabaho hangga't hindi ka pa okay, ako na ang bahalang tumawag sa secretary niyo para ipagfile ka ng leave. Deretso na tayo ngayon sa probinsya,” sambit niya pero hindi na nag-abala pang sumagot si Ellaine.

“Mas makapagpapahinga ka roon dahil sariwa ang hangin at tahimik ang paligid,” dugtong niya pero wala pa rin itong kibo kaya pinabayaan niya na lang at nagfocus na sa pagmamaneho.

MATAPOS ANG MAHABA at nakangangalay na biyahe ay nakarating na sila sa probinsya kung saan nakatira ang pamilya ni Tristan. Matinding pagod at panlalambot na ang nararamdaman niya ngayon dahil natagtag ang kanyang katawan.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon