C H A P T E R 21

2.2K 38 2
                                    


“Bakit hindi sumama si Wein?” tanong ni Ellaine kay Jihun nang makarating sila sa venue, ipinarada lang ni Jihun ang kotse at saka sila dumeretso sa simbahan.

Agad niyang nakita si Tristan na nakikipag-usap sa mga brides maid at nang makita siya ay agad itong nagpaalam sa mga kausap nito at lumapit sa kanila.

“Ipinasa ko na sa lawyer niyo ang divorce paper at may pirma na. Hindi ka man lang ba magpapasalamat?” nakalolokong tanong ni Tristan.

“Bakit naman ako magpapasalamat? That's your responsibility baka nakakalimutan mo?” patutsada niya bago humawak sa braso ni Jihun at nagmamadaling pumasok sa simbahan dahil naaalibadbaran siya sa kayabangan ni Tristan.

Matapos ang limang minuto ay nagbukas ang pinto sa harap ng simbahan at pumasok na si Louie. Lahat ng tao sa loob ay kay Louie ang atensyon, napakaganda kasi nito sa suot na gown.

Nalipat ang tingin niya kay Tristan na naghihintay sa altar katabi ang mapapangasawa ni Louie, nakangiti rin ito habang pinagmamasdan ang dating kasintahan. Ngiting hindi niya noon nasilayaan noong ikinasal sila.

Sa totoo lang, hindi rin maitago ang saya niya nang malamang magkapitbahay sila ni Tristan at hindi ito totoong ikakasal kay Louie. Hindi niya mapigilang mapaisip kung bakit nga ba nagsinungaling sa kanya si Tristan.

Nang makarating si Louie sa dulo ng aisle ay dinala ito ng groom sa altar at hinarap sa Pari.

Ilang saglit pa ay nagtama ang mga mata nila ni Tristan at nginisian siya bago naupo nang bigla namang tumunog ang phone niya. Tumatawag ang lawyer kaya nagpaalam siya sandali kay Jihun para lumabas.

“Ms.Go, ang ipinadalang divorce paper ni Mr.Park ay fake, paano ito? Mukhang ayaw niya talagang pumirma!” paliwanag ng lawyer kay Ellaine.

“Inuubos talaga ng lalaking ‘yan ang pasensya ko! Mukha ba akong nagbibiro?” nanggagalaiti niyang tanong.

“Actually, no.”

Napaigtad siya nang may biglang nagsalita sa likuran, pagharap niya ay naroon si Tristan at nakapamulsa pa habang nakatitig sa kanya.

“What are you doing here?” inis niyang tanong at pinatay na ang phone.

“Wala, gusto ko sanang magpahangin but I accidentally heard na kausap mo ang lawyer mo.”

“Magpahangin o sinusundan mo talaga ako? Bakit fake ang pinadala mong divorce paper? Biro lang ba talaga sa ‘yo lahat? I'm warning you, huwag mo akong bwisitin!” pagbabanta niya.

“Why are you so despirate na mapirmahan ko ang walang kuwentang divorce paper na ‘yon? Dahil ba kay Jihun? Ano bang ginawa ko sa 'yo, ba't ba galit na galit ka sa akin? Kung may dapat na magalit dito, ako 'yon dahil basta mo na lang akong iniwan, Ellaine!” sumbat ni Tristan.

“Walang kinalaman dito si Jihun, okay?”

“Talaga? E magpapakasal na nga kayo 'di ba? Kaya atat na atat kang mapirmahan ko ang divorce paper?” pang-iinsulto ni Tristan.

“Hindi dahil kay Jihun, huwag mo nga siyang idamay sa usapan.”

“E ano nga?!”

“I want to forget all the bad things that happened to me, Tristan. Lalo ka na!” seryoso naman siyang tiningnan ni Tristan na para bang binabasa ang totoo niyang nararamdaman.

“Fine! Hintayin mong pirmahan ko, bigyan mo lang ako ng oras dahil hindi madali sa akin 'to,” sabi nito sabay talikod at iniwan siya, kung may nararamdaman man siya sa sinabi ni Tristan, iyon ay ang takot sa hindi niya malamang dahilan.

Matapos ang kasal sa simbahan ay dumeretso sila sa isang private resort dahil nakahanda na roon ang buffet at mga alak para sa bagong kasal. Nakita niya si Tristan na nakikipaglandian sa mga brides maid at panay ang tawanan kaya inis siyang nag-iwas nang tingin sa mga ito.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon