E P I L O G U E

457 4 0
                                    


Nang lumabas si Tristan mag-isa sa stage, ay nakita niya sina Ellaine at ang mga kaibigan niya sa VIP sa harap, kompleto ang pamilya niya pati na ang pamilya ni Ellaine.

Tinanaw at kinawayan niya ang mga fans sa malayo at bahagyang kumibot ang labi.

“Tonight, this is my last performance..” namayani ang ingay sa  buong dome.

“I want to say goodbye to all my fans, my friends in this industry, to my group, management, and the entertainment. Thank you for the love and support, we have been together for many years and our good memories remains forever.” Tuloyan nang umagos ang luha ni Tristan dahil sa pagiging emotional sa harap ng mga taong humahanga sa kanya.

“Seven years ago, there’s a fangirl who just dreams of marrying me. She always attends concerts and supports me at fan meeting events. Until one day, she forced me to marry her dahil may kakayanan siyang gawin iyon. At first, I didn't like her because I thought she was just a delusional and crazy fan. When we got married and moved into the house, I always hurt her physically and emotionally. I didn't know that was painful for her dahil wala akong pakealam sa kanya o sa nararamdaman niya noon. She was the only one who knew my true color sa likod ng camera at sa mga fans, but she never left me and choosed to stay. When we had a baby, I gradually saw her worth. I felt like I loved her, so I took care of her pero nawala ang baby namin kung kailan bumabawi na ako sa kanila. Iniwan niya ako at kahit na sobrang lungkot nang nangyari ay pinilit kong tumayo. After many years, that fan is here tonight to support me again...” Nagsigawan ang mga fans sa sinabi niya, at umingay ang buong dome lalo na nang tumapat kay Ellaine ang circle light.

Pinuntahan si Ellaine ng dalawang staff at tinulongang umakyat sa stage habang nagsisigawan pa rin ang mga fans. Agad niya namang sinalubong si Ellaine at naghawak kamay silang pumunta sa gitna.

“Ang ganda niya ‘di ba?” naghiyawan na naman ang mga fans dahil sa kilig. Humarap siya kay Ellaine at ngumiti.

“Alam kong mako-cornyhan ka pero itong kakantahin ko ngayon sa harap mo ay sinulat ko 4 years ago. Guys, alam niyo 'to ‘di ba? Sabayan niyo ako huh?” ilang saglit pa ay nagsimula na ang intro nang malungkot na kanta.

Habang nakikisabay sa pagkanta ang ibang fans, ang iba naman ay nag-iiyakan, pati si Ellaine ay umiiyak na rin. Tumigil siya sa pagkanta at hinayaan ang mga fans na ipagpatuloy ang kanta, kinabig niya si Ellaine at niyakap.

“I love you... I want you to hear it first before the whole world.” Bulong niya sa tainga nito bago humiwalay.

Kinuha niya ang maliit na box sa bulsa ng pantalon at lumuhod sa harap ni Ellaine. Halos mabingi na siya sa lakas nang sigawan sa buong dome, at mas lalong umagos ang luha sa pisngi ni Ellaine nang buksan niya ang maliit na box.

“Being an idol is my only dream, pero noong araw na naramdaman kong mahal na kita. Ikaw na ang pangarap ko. Pangarap na nahirapan akong abutin. To my number 1 fan, I want you to know that you're so special to me and you’re the one I want to be with as my wife. Will you marry me again?” tanong niya, pinahid muna ni Ellaine ang luha bago tumango at kahit umiiyak ay ngumiti ito. Sinuot niya naman ang singsing bago tumayo  para yakapin ulit si Ellaine.

“This is the best thing that happened to me, you finally accepted me again as your husband.” Bulong niya kay Ellaine at mas hinigpitan pa ang yakap.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon