C H A P T E R 16

2.3K 52 1
                                    


“Uuwi na tayo bukas, I hope nothing's change pagdating natin doon,” sabi ni Tristan habang nakaupo silang dalawa sa balkonahe, hindi pa sila inaantok kahit na buong maghapon silang na sa dagat kanina.

“Akin na ang cellphone mo,” napalingon siya at nagtatakang tumingin kay Tristan.

“Bakit?”

“Basta akin na, ipo-post ko sa social media ang mga pictures natin dalawa. Matagal na simula nang mag-update ako roon, gusto ko naman ipakita sa mga tao na masaya naman ang marriage life ko.” Paliwanag nito kaya napangiti siya.

“Sigurado ka ba?” tumango naman si Tristan bago kinuha ang phone niya at inilipat sa phone nito ang mga pictures nila. Pagkatapos ay in-upload iyon sa social media, pumili rin si Tristan ng isa para gawing profile pic nito.

Wala pang ilang segundo ay umani na ito ng iba't ibang reaksyon at komento galing sa mga fans nito kaya natutuwa silang magbasa ni Tristan na puro comeback sa group ang comments.

“Tristan..” usal niya, napatingin naman ito sa kanya.

”Nakakausap mo pa ba si Dad?” malungkot niyang tanong.

“Hindi na, matagal na kaming walang contact ni chairman,” sagot nito kaya nakaramdam na naman siya nang matinding lungkot. Ang ate niya kasi ay nagdeactivate na simula nang magmigrate ang mga ito sa America

Talaga nga sigurong kinalimutan na siya ng mga ito.

“Namimiss mo na ba sila?” tumango siya at biglang nangilid ang luha. Niyakap naman siya ni Tristan kaya tuloyan nang kumawala ang luha niya.

“I really missed my family,” sambit niya.

“It's okay, alam kong namimiss ka na rin nila.” Sagot naman ni Tristan habang yakap siya.

“Ate Ellaine, kuya!” tawag sa kanila ni Trisha kaya kumalas sila ni Tristan sa isa't isa. “Bilis! Si ate Louie at si ate Ma-ri, na sa TV!” nagkatinginan naman sila ni Tristan.

“Ano ngayon? Panuorin mo kung gusto mo.” Sabi ni Tristan sa kapatid.

“Sungit naman!” reklamo ni Trisha sabay alis.

“Hindi mo ba sila panunuorin? Bakit parang affected ka? Is it because Louie is back?” tanong niya.

“Let's go to sleep,” pag-iiba ni Tristan at nauna nang tumayo. Pumasok ito sa loob ng bahay kaya sinundan niya ito pero dumeretso si Tristan sa taas.

Napatigil naman siya nang makita si Louie at si Ma-ri sa TV kaya naupo muna siya sa tabi ni Trisha habang nanunuod.

“Where is the impowerment there if you don't look at your fellow women equally, Ms.Enrique?” sabat ni Ma-ri habang nagsasalita si Louie.

“Impowerment means, authority or power given to someone to do something. Kung kabit ka, hindi impowerment ang tawag doon. Because instead of pulling your fellow woman up, you are the one who pulling her down! I'm not saying that you're a mistress here so don't get me wrong Ms.Kang Ma-ri.” Panunudyo ni Louie at natutuwa siyang panuorin habang ginigisa nito si Ma-ri sa sariling nitong mantika.

“Excuse me, I'm not! And I'm not that kind of person,” depensa ni Ma-ri.

Kung may kakat'wa man sa mga ito, iyon ay ang napansin niyang napipikon si Ma-ri kay Louie. Tumayo na siya at hindi na rin tinapos ang talk show na ‘yon.

Naabutan niya si Tristan na natutulog na kaya tumabi siya rito, naramdaman niya naman ang agad nitong pagyakap. Sumagi ulit sa isip niya si Louie, paano kung bumalik ang nararamdaman ni Tristan sakaling magkita ang mga ito? Sa totoo lang, magaan ang loob niya sa babae pero ang isiping magbabalikan ang dalawa ay parang hindi niya kakayanin.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon