Chapter 1

47 9 1
                                    

******

CRAIG

"Tol, may inuman mamaya kanila, Kolas. Sama ka?" tanong ni Jacob sa akin. Bahagya niyang nginuso si Kolas sa likod na nakikipagsuntukan na naman kay Mayeng.

Napakamot lang ako sa ulo ko. "Hindi na muna siguro, may gagawin pa kasi ako mamaya."

"Asus, babantayan mo na naman 'yang si Reina 'no?" Nilinga ko si Reina na mahimbing pa ring natutulog sa upuan niya.

"Babysitter ka na talaga," tawa-tawa siyang lumayo sa akin saka siya lumakad papunta sa kumpol ng mga kaklase ko.

Babysitter? I guess I am, but nah.

Iling-iling akong tumawa bago ko nilapitan si Reina, umupo ako sa katabing upuan niya. Mahimbing na mahimbing siyang natutulog habang humihilik. Masyadong payapa ang mukha niya ngayon, pero sigurado akong sisikmuraan niya ako kapag nagising siya.

Mahina akong tumawa. Ayaw niyang binabantayan ko siya, at hindi ko alam kung bakit.

Akala ko rin no'ng una normal lang ang pagiging antukin niya. Pero no'ng sabay-sabay kaming kumain ng mga kaklase ko dito sa classroom doon ko nalaman na may sakit siya. Kakain na sana siya no'n nang bigla na lang siyang makatulog sa kinauupuan niya.

Nagkatinginan pa kami ng mga kaklase ko bago namin siya ginising. Tinanong ko siya kung bakit bigla siyang nakatulog, at ang tanging sinabi lang niya sa akin ay "mind your own business" at simula no'n ay hindi na siya nakikipag-usap sa amin.

Nabalik ako sa sarili nang bigla na lang gumalaw si Reina.

"Stop staring, bitch," Nag-inat-inat pa siya ng katawan bago ako tiningnan muli.

"What do you want?" Inis na tanong niya.

Umiling lang ako. "Nothing. Ang ganda mo lang."

"No one ask. Bakit ka ba nandito sa tabi ko? Bumalik ka na nga ro'n. Ayaw kitang kausap." Inirapan niya ako.

"Tinitingnan ka lang eh." Ngumisi ako.

"Wala akong pakialam!" Asar na asik niya. At bago pa niya ako sikmuraan ay tumayo na ako at tawa-tawang lumayo sa kaniya.

"Ang sungit mo!"

"Ang panget ng mukha mo!" Balik niyang sigaw sa akin. Pero imbis mainis ako sa kaniya ay mas lalo lang akong natawa. Kahit sa mga ginagawa niya ay natutuwa ako.

Pati sigaw niya ang angas sa paningin ko. Iling-iling na lang akong napaupo sa upuan ko habang tinitigan si Reina na ngayo'y kinakausap na ni Jacob.

"Uy, Reina, wala ka bang gagawin mamaya?"

"Ha? Ah, oo."

"Sama ka na sa amin, libre lang daw alak, sabi ni Kolas,"

"Ah, okay."

Bumalik siya sa pagkakalumbaba sa upuan.

"Pre, paano ba 'yan! Sasama daw sa amin si Reina!" Tawa-tawang sigaw sa akin ni Jacob.

"Oo na, sasama na lang rin ako." sagot ko.

*****

Nakarating ako sa bar, at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang mga kaklase kong nakaupo sa isang sopa, may maliit ring mesa sa gitna, at doon nakapatong ang mga alak na libre ni Kolas sa amin.

Agad silang nagsihiyawan nang makita nila ako. Inakbayan agad ako ni Jacob.

"Akala ko ba hindi ka malalate Craig ha?" pang-aasar sa akin ni Kolas.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon