*****
REINA
Tahimik lang ako nanonood ng soccer. Nakaupo ako sa bench habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Lunch time ngayon, kaya pwede akong manatili rito hanggang mag-ala una.
Nakapagbihis na rin ako. Thanks to Nomi dahil may extra siyang pad, bumili rin siya ng mga kakailanganin ko. Ito talaga ang pinaka-inaayawan kong mangyari eh. Bukod sa nakakawalang ganang kumausap ng nilalang ay hindi rin ako basta-bastang nakakagalaw.
At mabuti na lang rin talagang nakatulog rin ako kanina matapos kong magbihis. Nakapagpahinga ako sa kunting oras. Kung nanatili ako gising no'n, siguradong tataraya ko lang lahat ng mga kaklase ko.
Madali akong mairita, kahit sa simpleng pagsipol lang ni Kolas sa mga babaeng nagdadaan sa classroom, nagiinit na talaga ang ulo ko at gusto ko na lang liparin ang kinuupuan niya at tadyakan siya ng walang tigil. Ayaw kong makarinig ng kahit anong ingay. Kahit bulong pa 'yan o ano, basta ayaw ko ng ingay.
"Hey."
Natigilan ako nang bigla na lang may tumabi sa akin. Ngumiwi ako nang malamang si Craig iyon.
"Yakult oh."
Tinitigan ko lang ang hawak niya saka ko bumuga ng hangin.
"Wala kang pakete diyan?"
Wala sa sarili siyang napakamot ng pisnge. "Hindi ako nagshashabu."
"Obob, ang sinasabi ko ay pekete ng sigarilyo, tanga ka ba?"
Nanlalaki ang mata ng gago nang tawagin ko siyang obob, o baka napag-isip-isip niyang bobo talaga siya. Hehe, sino namang siraulong hihingi ng shabu sa loob ng eskwelahan, ano?
"Nagyoyosi ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Mukha bang hindi? Kaya nga ako nagtatanong 'di ba?" Asar na singhal ko sa kaniya.
Like seriously? Hindi naman sa judgemental pero obob talaga siya.
Napangiti naman ako nang bigla siyang may dinukot sa bulsa ng slocks niya, medyo nalukot pa ang pakete pero ayos lang. Sunod niya namang binigay sa akin ay ang lighter. Hindi ko naman inakalang nag-yoyosi rin pala ang gago. Just look at him dude, hindi mo talaga aakalain, dahil, mukha talaga siyang inosente pero nasa loob ang kulo.
Isinalpak ko sa bibig ang yosi at agad sinindihan ang dulo no'n.
"Want some?"
Hindi siya nagdalawang isip at kumuha rin ng isang stik ng yosi at saka niya iyon sinindihan. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa hanggang sa bigla siyang tumikhim.
"Naniniwala ka ba sa akin no'ng sinabi kong gusto kita?"
Nagsalubong ang kilay ko nang tanungin niya iyon sa akin. The heck? Tinitigan ko lang siya saka ako napangiwi. Bumuga muna ako ng usok bago ko siya sinagot.
"Hindi ko naman iyon sineryoso, Craig. I know you just said that just to annoy me, hindi ba?" Ngising ani ko pero nanatili lang ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa akin.
"Don't give me that look, tsk. I might marry you." Umiwas ako ng tingin.
"So, hindi ka naniniwala sa akin?"
"Yeah, bakit totoo ba ang sinabi mo no'n?." Seryosong tanong ko.
"It's true. Mukha ba akong nagbibiro?"
Tumawa ako. "Malay ko bang inaasar mo lang ako? But..well, maganda ang lahi ko at maganda ako, hindi na nakakapagtaka."
Inis siyang napaungot. "Damn you."
Ngumisi lang ako sa kaniya. But honestly, hindi ko lang talaga alam kung anong puwedeng isagot sa kaniya. Like dude, wala akong mahagilap na ibang sagot kundi iyon lang. Hindi ko alam kung paano magreact dahil ang buong akala ko ay nagbibiro lang siya no'n at inaasar lang ako.
Alam kong minsan makapal ang mukha ko para tanungin sa kaniyang may gusto ba siya sa akin. Pero heck, iba na ito ngayon dahil siya na talaga mismo ang nagsasabi sa akin.
I just don't know what to say.
"Seryoso ako doon, Reina." Nabuntong hininga siya. "It's funny, I know, but I'm telling the truth."
Sarkasmo akong ngumisi. "Korni mo gago."
"Ano ba! Nakakainis ka na talaga!" Lukot na lukot ang mukha niya at wala naman akong magawa kung hindi ang tawanan at asarin siya. Mukha lang akong chill, but men, kinakabahan ako ngayon na parang ewan.
"But anyway, paninindigan ko pa rin naman ang sinabi ko sa iyo noon, pananagutan kita, pati iyang feelings mo sa akin." Ngumisi ako. "You will bare my child, Craig. Pananagutan kita."
Malakas akong tumawa nang bigla na lang siyang napalayo sa akin at malakas siyang napaiyak. Like men! Ang laki-laki na niyang damulag pero umiiyak pa rin na parang bata! But I found it amusing anyway, dahil ang cute niya. Ang cute niyang ihampas sa pader.
Hindi pa rin ako matigil sa kakatawa. Bahagya kong pinunasan ang luha niya sa kaniyang pisnge saka ko siya hinalikan doon.
"Stop crying, baka hindi na ako magdadalawang isip at pakasalan talaga kita diyan." Tipid akong ngumiti saka ko siya binulungan.
"You know..pumapatol ako sa tropa hehe,"
*****
Weeks had passed. Mas lalo lang naging delikado ang sitwasyon ko. Naging suki na rin ako ng clinic, marami na rin akong naging sugat at gasgas dahil nakakatulog at nabubulagta ako sa hallway. Minsan kapag nadudulas ako sa semento ay diretso akong nawawalan ng malay.
Pagod na pagod na ang katawan ko. Pagod na ako mag-isip. Pagod na ako sa lahat. Ewan. Parang nararamdaman kong malapit na akong mawawala.
Ang sabi sa akin ng neurologist ko dati ay hindi naman raw nakakamatay ang Narcolepsy. Pero delikado ito kapag nakakatulog ako habang nagmamaneho o naglalakad.
Madalas ring nakatambay sa apartment ko si Craig. Ang walangya binabantayan talaga ako pati sa pagtulog ko. Ang rason niya, baka raw magka-sleep paralysis ako at walang makakapag-gising sa akin.
Araw-araw akong nag-ha-hallucinate, at minsan nalilito na ako kung saan totoong mundo sa dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiiyak ako kapag gabi, pinipili ko talagang magkulong sa cr para hindi ako marinig ni Craig.
At ngayon, sabado na. Nakalupagi lang ako sa sahig habang nakatitig sa kisame. At si Craig? Ewan ko kung nasaan, basta nagising na lang akong wala siya sa tabi ko. Yep. Magkatabi kami. Wala naman akong pakialam doon.
Natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan. Nagsalubong ang mga mata namin ni Craig. Dumapo ang paningin ko sa hawak niyang supot. Ah, nag-grocery pala.
"Good morning," Ngumiti siya ng tipid.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ginagawa mo?"
"Ah, ano.."
"Ano?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Magsalita ka nga ng maayos! Lechugas!" Singhal ko sa kaniya.
Napabuga siya ng hangin saka napaturo sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tinuturo niya. Dumungaw ang ulo ng babae sa awang ng pinto saka ako binigyan ng nang-aasar na ngisi.
"Miss me?"
"Ate!" Agad-agad akong napatayo saka patakbong tinungo ang pintuan para yakapin siya. Rinig ko naman ang tawa niya saka niya ako sinuklian ng yakap.
"I miss you." bulong ko.
Matunog siyang napangisi. "I know. I miss you too."
*****
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomansaNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...