******
REINA
Nagising akong masakit ang ulo. Iminulat ko ang mga mata ko, napagtanto kong nakahiga ako sa hindi pamilyar na kwarto, gano'n pa rin naman ang kulay ng bed sheet, pero alam kong hindi ko ito kwarto.
Mas lalo lang nanakit ang ulo ko.
Napatingin ako sa table sa gilid kung nasaan ang alarm clock. Alas otso na pala.
"Ano bang nangyari?" Napahilot ako sa ulo ko. "Shit, ang sakit talaga."
Inilibot ko ang paningin ko saka inis na tumayo. "At kaninong kwarto ba 'to?"
Napalingon ako sa pintuan nang bigla na lang iyong bumukas, napadungaw ang taong 'yon at bakas sa mukha niya ang gulat nang makitang gising na ako. Buwiset. Si Craig lang pala. Bumuga ako ng hangin.
"Nagising ka na pala." Nanlalaki ang mata niyang pumasok.
"Malamang." Pabalang kong sagot bago ako bumalik sa pagkakaupo sa kama.
"Ito oh, inom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka, masakit pa ba ang ulo mo?" tanong niya. Nilapag niya sa table ang baso saka niya hinila ang upuan at naupo doon.
"Yeah, it freakin' hurts. Ano bang nangyari?" ngiwing tanong ko.
"Ah, 'di mo maalala?"
Napatunganga ako sa mukha niya.
"Magtatanong ba ako kung naalala ko? Bobo ka ba?"
Napatawa lang siya sa akin. "Nakita ka ni Marybeth na natumha kagabi. Dahil na rin sa hilo at pagkalasing mo. Mabuti na lang at nagising ka, sobra kaming nag-alala sayo."
"Ah." Dahan-dahan akong napatango.
"Huwag ka na ulit lumayo nang hindi ako kasama," Mahinang anas niya saka siya napabuntong hininga. "I mean, ayaw ko nang maulit 'yon."
Nagsalubong agad ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.
"Huwag na akong alalahanin pa, kaya ko na ang sarili ko. Tabi, uuwi na ako!"
"Ang tigas ng ulo mo ano?" Inis niyang asik sa akin. "Kapag may nangyari sa'yo, malalagot talaga ako. Nevermind. Diyan ka lang, 'wag kang aalis."
Tumayo siya matapos niyang sabihin 'yon.
"Kumain ka na, lalabas muna ako para bumili ng gamot."
Tumango na lang ako sa kaniya. Hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Nanatili lang ang tingin ko sa pintong pinaglabasan niya, hanggang sa ako na rin mismo ang umiwas saka ako napabuntong hininga.
Kahit sobrang sakit ng katawan ko ay kinain ko na lang ang pagkaing binigay niya sa akin. Maya-maya lang ay naubos ko na rin 'yon.
Naramdaman ko rin na unti-unti na akong napapikit. Buwiset, inaantok na naman ako. Na naman. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga ko at saka hinayaan na lang na lamunin ng kadiliman.
Nagising akong nakakumot na, madilim rin ang paligid dahil di masyadong maliwanag ang ilaw sa kisame. Umupo ako sa kama saka napainat. Gusto ko ng umuwi kahit gabi na.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka ko hinawakan ang pader para magsilbing alalay ko para 'di matumba, hanggang ngayon sumasakit pa rin ang ulo ko. Nang malakabas na ako ay walang tao. Madilim rin at tanging liwanag lang ng tv ang nagbibigay ilaw sa paligid.
"Saan na ba ang lalaking 'yon?" Inis na anas ko.
Babalik na sana ako sa kwarto nang bigla na lang bumukas ang ilaw. Maang akong napatingin kay Craig, na may dala-dalang unan at kumot.
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...