REINADumagundong ang malakas na tugtog ng I wanna be your slave ni Maneskin sa mapayang gabi ngayon. Nakaupo lamang ako sa sofa habang si ate naman ay nasa tabi ko at abalang umiinom ng alak.
At nandito kami sa bar nila Kolas, nagpapalipas ng gabi. Hindi masyadong dagsa ang bar nila ngayon, at mas maganda nga iyon kasi malaya akong makapaglibot na walang sagabal. Hindi kagaya noon na maraming mga lasing ang naglalakad.
Tsk, gusto kong pakialaman ang mga instrumento sa taas ng stage.
Nangangati ang kamay ko para kunin ang gitara doon para tumugtog, pero may mga tao pa doon sa taas, kaya wala akong magawa kundi ang hintayin muna silang matapos sa ginagawa.
Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong akbayan ni ate, saka niya bahagyang hinalikan ang pisnge ko. "Do it," ngumiti siya ng tipid. "I know you want to sing. Do it, Rei."
Huminga ako ng malalim saka ko sinulyapan ang mga tao sa stage, mula doon ay nagtagpo ang paningin namin ni Kolas na siyang nag-a-assist sa banda.
Ngumisi siya. Alam kong kanina pa ako tinitingnan ng gago, at mukhang alam na niya ang gusto kong iparating sa klase ng tingin ko. Maya-maya lang ay binulungan na niya ang mga kasama niya na nandoon at ang sunod kong nakita ay nagsi-alisan na sila.
Bumuga ako ng hangin. Thanks to him.
Lumakad ako papunta doon.
"Hey," bati ko kay Kolas nang makarating ako sa harap. Napakamot ako sa pisnge saka ako ngumiti ng tipid. "Salamat."
"Walang anuman, Reina," tinapik niya ang balikat ko. "Goodluck."
Tumango ako. "Mm, salamat."
Umalis rin naman agad siya at ako naman ay lumakad sa taas, hinanap ng mga mata ko ang gitarang nakita ko noon. Nang makita ko na iyon ay nakangiti ko iyong kinuha saka ako naupo sa isang upuan.
Tumingin ako sa paligid, nagtama ang paningin namin ni ate, nakangiti siya sa akin at nag-thumbs up pa.
Napalunok ako. Makikita ako ng lahat ng tao rito na kumakanta--ito ang pangarap ko noon. Palagi kong iniimagine na kakanta ako sa harap ng maraming tao, kasama ang magiging myembro ng banda ko, alam kong imposible pero ayos na rin sa akin na mag-isang kumanta sa mapayapa at tahimik na lugar habang pinapanood ako ng mga tao.
Mariin akong napapikit saka ko mahinang ini-strum ang gitara.
"Umaga na sa ating duyan. 'Wag nang mawawala. Umaga na sa ating duyan. Magmamahal, oh, mahiwaga,"
Minulat ko ang mga mata ko, nasa akin ang tingin ng lahat, kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata nilang nakatutok sa akin.
"Matang magkakilala. Sa unang pagtagpo. Paano dahan-dahang. Sinuyo ang puso? Kay tagal ko nang nag-iisa. And'yan ka lang pala,"
Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Saka ako napakurap nang makita ko ang isang pamilyar na taong nakatayo sa hindi natatamaan ng liwanag.
"Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw. Mahiwaga, ang nadarama sa'yo'y malinaw,"
Napatulala na lang ako nang tuluyan na siyang nasakop ng liwanag. Napaiwas ako ng tingin saka iyon nadako sa kasama niya na nakatungnga lang sa din akin habang iniistrum ko ang gitara. It's Cris.
Bumalik ang paningin ko kay Craig. He just staring at me, saka siya biglang ngumiti.
Nakasuot rin siya ng maluwag na jacket, medyo magulo ang buhok at mukha lang siyang tambay kung tutuusin.
Ngumiwi ako saka akong nagpatuloy sa pagkanta.
"Higit pa sa ligaya. Hatid sa damdamin. Lahat naunawaan. Sa lalim ng tingin,"
![](https://img.wattpad.com/cover/268761778-288-k71617.jpg)
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...