CRAIG
"Wassup, Craig!" bati ni Tito Jeremy sa akin saka niya iyon sinundan ng malakas na halakhak.
"Hey.." Matamlay na bati ko sa kaniya.
"Alam ko na 'yan, tsk, tinatawagan mo lang naman ako pag may problema ka, grabe ka talaga sa akin, ang sakit mo na sa hart.." pagdadrama niya.
Umiling lang ako, saka pagak na tumawa. "Ganon na nga."
"Tsk, tungkol na naman 'yan sa mama at sa kapatid mo ano?"
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. "She cut her wrist again." Mahinang anas ko. "Ngayon, mas malalim na, nasa hospital na siya ngayon, hindi pa nakakalabas."
"And my mom doesn't care at all." Dagdag ko.
"Ano bang nangyari? Bakit naglaslas na naman siya?" Nag-aalalang tanong niya.
"Nawalan siya ng malay no'ng mga oras na 'yon kaya hindi ko na rin natanong ang rason."
Napahilata ako sa kama ni Reina saka ako tumitig sa kisame. "Walang pakialam si mama sa kaniya. Wala rin siyang binigay na pera para sa bill sa hospital.. at wala na rin akong pera."
Mahina akong tumawa. "Kalmado lang siyang umiinom ng kape sa bahay, habang pinapanood si Cristita na nakahiga sa stretcher, I fucking hate her." Dagdag ko.
Napahinga siya ng malalim. "Wag kang mag-alala ako na bahala sa bill sa hospital, 'wag ka lang gumaya sa mama mo, kakausapin ko rin 'yon."
"Salamat po, tito."
"Nasaan ka ba ngayon? Nandyan ka pa ba sa hospital?"
"Ahm," napasulyap ako sa katabi ko. Salubong ang kilay niya habang mahimbing na natutulog. Napailing ako. "Nasa bahay po ako ng kaklase ko."
"Oh, sige, ako na muna magbabantay kay Cristita sa hospital, saan bang hospital?"
"Sa Regional pa rin po."
"Sige, sige ibababa ko na 'to, sumunod ka na lang doon 'pag gusto mo na."
"Sige po, tito."
Nang mamatay na ang tawag ay binitawan ko na ang cellphone ko. Bumuga ako ng hangin, hindi ko talaga alam kung bakit ibang-iba ang ugali ni Tito Jeremy kay mama eh, minsan matino ang mama ko, pero minsan talaga wala siyang pakialam sa mundo.
Minsan nag-aalala siya sa amin ni Cristita pero may mga araw talagang parang hindi anak ang turing niya sa amin. Ewan.. baliw nga talaga siya.
"Aray!"
Nakangiwing hinimas ko paa ko nang bigla akong sipain ni Reina. Ang akala ko nagising na siya pero mahimbing pa rin siyang natutulog
"Kahit tulog ka, ang bayolente mo pa rin." Asar na anas ko.
Napasimangot ako.
"Ang ganda mo nga, mapanakit naman, tsk." Muli ko namang kinuha ang cellphone ko para kuhanan siya ng litrato.
Nilapit ko naman ang bibig ko sa tainga niya. "I fucking hate you for making me insane." ngising bulong ko. "Lagot ka sa'kin."
"Say cheese.." ngumisi ako bago ko pinindot ang button.
***
REINA
Nagising ako dahil sa malakas na kalabog, asar akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Anak ng..
Inilibot ko ang paningin ko at napansin ko namang nandito na pala ako sa kwarto. Napabuga ako ng hangin saka hinawi ang puting kurtina para tingnan ang labas. Madilim na, sobrang haba pala ng tulog ko. Napakamot ako sa pisnge saka binuksan ang lampshade.
BINABASA MO ANG
Narcolepsy.
RomanceNarcolepsy by zustansya Romance. Status: On-going Description: Reina "Esperanza" Valdemore. Maganda, matangkad, at ilap sa mga tao. Kung pagbabasehan sa pisikal na anyo ay nagmumukha siyang perpekto. But nah, nagkakamali ka. Reina was suffering fro...