Chapter 7

6 4 1
                                    

*****

REINA

"Uy, Reina... gising na uuwi na hoy..."

Nagulat ako nang bigla na lang bumulagta sa harap ko si Craig. Anak ng..

"Anyare dito?" tinuro ko si Craig. Napakamot na lang ako ng ulo nang walang sumagot sa akin, lahat sila ay para nang tangang tumatawa mag-isa.

Bumuga na lang ako ng hangin. Ako lang pala ang hindi nakainom. Lahat sila bulagta na, hinayaan ko na lang silang matulog at ako naman ay pasuray-suray na naglakad papuntang restroom. Nahihilo ako kahit hindi naman ako uminom. Buwiset.

Pumasok na ako sa cr.

"Paano naman ako makakauwi nito?" Iritableng bulong ko.

Madalas kasi akong hinahatid ng gago, kaya chill lang ako kanina, ang akala ko kasi hindi malalasing ang Craig na 'yon. Langya talaga.

Napahampas na lang ako sa pader sabay buga ng hangin. Hindi naman pwedeng ako ang mag-dadrive baka kasi bigla na lang akong atakehin, edi sabay pa kaming susunduin ni kamatayan, ako pa masisi.

"Pwe, edi 'till death do us part ang mangyayari." Iling-iling akong tumawa.

Nang matapos ay lumabas na rin ako sa cr para maghugas ng kamay. Ngumiwi na lang ako nang masulyapan ko ang mukha ko sa salamin.

"Ang ganda mo nga, antukin naman. Sleeping beauty amputa." Sinamaan ko na lang ng tingin ang repleksiyon saka ako tumalikod at lumabas sa restroom.

Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang mga kaklase ko. Ngayon ko lang din napansin na kami na lang pala ang mga tao dito sa bar.

Napakamot na lang ako sa ulo ko, pwede naman sigurong mangialam ng gamit 'di ba? Friends naman kami ni pareng Kolas kaya ayos lang. Naglakad ako papunta sa stage, namangha pa ako nang makita ang mga instruments, bago pa ang mga 'yon. Ang yaman-yaman talaga ng pamilya ni Kolas.

"Shet," ngisi-ngisi kong kinuha ang isang gitara sa tabi, ito lang ata ang luma, pero maganda pa rin naman.

Tahimik lang akong umupo sa isang upuan, saka ko mahinang in-i-strum ang string.

"You and me together. Through the days and nights.. I don't worry 'cause. Everything's gonna be alright.."

"People keep talking, they can say what they like
But all I know is everything's gonna be alright.."

"You're good at singing, huh?" Natigilan ako nang biglang may loko-lokong nagsalita. Tiningnan ko si Keryan, nakaupo siya sa baitang ng hagdanan at bahagya ring nakalingon sa akin ang ulo niya.

Bumuga lang ako ng hangin saka ko binalik ang gitara sa tabi. Nag-inat-inat lang ako bago ako bumaba sa hagdan.

"Hey, where are you going?" Napangiwi ako nang hawakan niya ang kamay ko. Lakas rin ng gagong 'to eh.

"Bitaw," inis na sambit ko.

Ngumisi lang siya sa akin bago binitawan ang kamay ko. Tinapik niya ang inupuan niya. "Umupo ka."

"Ayos ka rin 'no?" Umismid ako bago ako umupo sa tabi niya. "Tsk, ano bang sasabihin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Chill, ang sama mo makatingin." Mahina siyang tumawa. "Ganiyan ka ba talaga?"

"Anong ganiyan ako?" Kunot-noong tanong ko. Nakakatanga pala kausap ang lalaking 'to. Tsk

"That."

"Ah," wala sa sarili akong napatango. "Nagbabato ka?"

"God.." Napahilamos siya ng mukha saka maya-maya'y tumawa. "I like you."

Nagsalubong ang kilay ko. Tama ako, nagbabato nga ang isang 'to.

Narcolepsy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon